Napadpad ulit ako sa Bambang Street corner Rizal Avenue distrito ng Sta. Cruz, Manila dahil sa medical supply na bibilhin namin. Iyon pa lang ang pangalawang beses na nakarating ako dahil din sa same reason sa una kong punta. Ang pinagkaiba lang ay bata pa ko noon at nanay ko ang may bitbit sa akin. This time para naman sa ate ko na may anak na hikain o mahina ang baga.
Bambang, Shopping mecca for medical students and professionals
Dalawa sa mga kapatid ko ay nasa medical at dental industry so alin sa kanila ang nagpabili sa nanay ko noon ng medical supply. Dahil bata pa ay quever ako noon sa paligid basta ang alam ko ay nagsadya pa kami roon dahil mura at kompleto.
Kung tama ako, nahihirapan na rin alin sa dalawang ate ko makakita ng hinahanap nila. Kaya para sure at sulit, nag-Bambang (basahin ng patono ng inawit ng 4th Impact sa X Factor hehehe) na kami. Noong time na iyon maraming sakay na ang pinaggagawa namin kaya di ko nasaulo at wala akong nakitang kainan ng dambuhalang bubuyog o clown na nakahiganteng bota kaya parang lalong boring. Naalala ko pa nga na sa mall sa Recto area na kami kumain. hohoho
Itong huling punta namin, wala pa rin akong nakitang dambuhalang bubuyog o clown na nakahiganteng bota. Pero nagutom na lang din ako noong nasa Quiapo na kami.
Anyway, sa pag-ikot namin sa Bambang this time ay mas marami napansin ang aking dalawang cute at mapupungay na mga mata. I realize na napakainam itong bisitahin ng mga estudyante at propesyonal lalo na siempre na nasa medical and dental field para makatipid. May nakita ako rito na kahit ng mga klase/ disenyo ng sapatos at uniforms na talagang pang- hospital at clinic.
Paano ko naman napatunayan na mas mura? Kaya talaga kami napadpad doon ay naghahanap kami ng murang nebulizer. Ayon sa mga napagtanungan ng ate ko at sa pinuntahan n’yang leading botika in the land ay between Php2000-3500. Alam mo magkano ang pagkakabili namin na hindi pa kami masyado nakaikot ha? Php 700 na nebulizer with warranty and receipt. Nagtanong din kami na branded nebulizer, mas mura pa rin.
Paano ko naman nasabing kompleto? Well hindi namin naisa-isa ang bawat store. At hindi rin ako maalam sa lahat ng klase o best-selling medical supplies. Alam ko lang ata ay indiksyon, pang-BP, oxygen, thermometer, wheelchair, at medicine kit , hehehe. Pero sa rami ng medical stores sa paligid at bawat isa ay punong-puno, ang hirap isipin na wala kang mahahanap na supply. Iyon ay maliban sa para sa ibang course o malayong field ata ‘yong supply na hinahanap mo. Parang sa ate ko na naghahanap pa ng parang thermometer na ginagamit sa kitchen. Ay Day! Nganga ang mga tindera.
Paano mag-Bambang, Maynila?
Ang alam ko talaga sa Sta. Cruz ay ‘yong nililigiran namin kapag nagbi-visita Iglesia, Chinese New Year at Photowalk. Maituturo ko siguro ito ng mas mahusay kung naglakad kami, kaso ang iniiiit!!! May awa pa ako sa ate ko na nagpa-pineapple juice two times a day ( pampababa ng ng BP) at sa katawang lupa ko. So… doon tayo sa idea ng commute.
Option 1: Nanggaling kami ng Legarda street (Mendiola). Sumakay kami ng jeep papuntang Avenida/ Divisoria. Sabi dadaan at malapit na iyon sa Bambang. Pagdating namin sa panulukan ng Recto, pinababa na kami ng driver sa MRT Recto Station. Malayo pa, so sakay kami ng jeep na pa-Harizon/ Pier ( hindi ako sure) pero nagtanong na kami kung dadaan. Doon sa pinagbabaan sa amin ang nakita ko na street sign ay Oroquieta. Hayon sa corner pa lang noon ay may ilan ng stores ng medical and dental supplies.
Option 2: The easiest way na makapag-Bambang lalo na kung ‘di ka talaga familiar sa lugar at mapadali ang byahe mo ay mag-LRT station 1 at bumaba sa Bambang terminal (ika-12) nasa pagitan ng Doroteo Jose at Tayuman terminals.
Mayroong 17 pang terminals ang LRT1 so pili ka na lang saan mas malapit sa iyo sa Baclaran, EDSA, Libertad Gil Puyat, Vito Cruz ,Quirino, Pedro Gil, U.N. Avenue, Central, Carriedo, Doroteo Jose, Tayuman, Blumentritt, Abad Santos, R. Papa Terminal, 5th Avenue, at Monumento.
May mga lines ng sa MRT at LRT stations na madali mag-transfer pero bihira (unlike sa Hong Kong). Ang alam kong way kapag naka-MRT 3 ka ay baba ka sa Taft Avenue, then ikot ka sa mall doon (Metropolis?) pa- right side para maka-transfer ka sa LRT 1 EDSA Terminal. Pero in the future daw ay may magiging common interchange station na raw ang MRT 3 North EDSA ng LRT 1 and 2 at MRT 7. Mayroon din ata sa transportation links sa LRT Line 2 (from Santolan, Marikina to Recto, Manila) at ‘yon ay sa Doroteo Jose terminal. Ang transfer point ay sa Recto to Doroteo.
Hopefully ikasa rin nila ang one transportation card sa anumang train in the future at tapos pwede magpa-load kahit sa sari-sari store. kapag naging congresswoman ako, tsi-tsika ko ito hehehe.
Option 3. Taxi? Grab/uber? Hehehe
Good morning. Do you have a cheap portable suction machine for home use? How much if you have? Can i see the image?
GOOD MORNING PO….ASK PO AKO IF ANO PRICE AND IF AVAILABLE PO ANG FOLLOWING ITEMS:
1. TITANIUM NEURO PLATE WITH TITANIUM SCREWS (3 SETS)
2. DRILL BIT AND POWER DRILL COMPLETE INSTRUMENTATIONS (1 SET)
3. MAXILLOFACIAL INSTRUMENTATION (1 SET)
HOPING FOR YOUR RESPONSE PO….THANK YOU PO….
Sorry po, hindi po ako affiliated sa anumang medical supply store (but I am thinking now to do that). I am just sharing all things about Bambang para po sa kagaya nyo na naghahanap ng mabibilhan.
Ask ko lang kung magkano po portable nebulizer?
Pls help. Meron po ba kayo na Artificial Leg and how much po? Para po sa naputol na paa..and kung may alam po kayo saan makakahanap o makakabili ng ganun ?? Pls help and reply ..Godbless and tnx
saan po kaya ako makakahanap ng murang MINI DCP? NABALI PO KASI ANG AKING BUTO SA BRASO😢
You mentioned mura paano kao ma contact may phone ba kayo?
Sir i-blog about bambang dahil kilala po at nakabili na ako ng murang medical supplies doon. Wala po akong tindahan doon o contact alin man sa tindahan doon 😉
Hi magkno po yun oxygen concentrator?5 liters
Meron po ba kayong titanium plate
Mgkano po . kailangn po kse agad nmn
Eto po contact ko 09090010474
Hi how much is your XC-401 Multifunctional Patient Care Manikin. Thanks
Meron po ba kayong titanium plate
Wala po Sir. Hindi Rin po ako nagbebenta. Better po punta na kayo diretso sa bambang
my surgical mask po kau tinda
hi, wala po akong tindahan sa bambang hehe, i just share na mayroon medical supplies doon.
hi do you have Protective Gear/Suit for Corona Virus. Thank you 🙂
hi, wala po akong tindahan sa bambang hehe, i just share na mayroon medical supplies doon.
Sir,
Good afternoon! I just want to ask if you have still available Face Mask? Thank you.
Ano pong brand ng nebulizer ung 700 pesos?
surgitech mini nebulizer po
Hi magkano po ang portable nebulizer?
hello po, hindi ko po alam e.
Magkano PO OXYGEN Concentrator nyo po?
Hindi po ako nagtitinda o may business sa bambang. 😉
Hello po, Meron po kayang mga adult and baby diaper sa mga pharmacy sa bambang? First time po kasi namin pupunta. Thank youuuu
Hindi po ako sure, pero sa tingin ko mayroon.
?Mag kano yng pina kamalit na wrist omron bp monitor. Pang hand bag
Saan po banda nyo nabili yung nebu na tig 700
Alin man sa kahilera o sa mismong Maharlika Med Supply. Tanong-tanong na lang po kayo sa bandang iyon.
Gusto ko sagutin kung magkano pero ni hindi ko po alam kung ano po yung hinahanap n’yo po. hehehe. Wala rin po akong business/ store/ kilala sa lugar
Talagang nag-share lang ako ng experiences at knowledge ko about Bambang. Bisita na lang po kayo roon, if you really need that dahil baka bukod sa mura ay makatawad pa kayo nang bongga.
Mabuhay,
Pag sunday ba bukas cla dun.. Or monday to saturday lang
Hindi po ako sure, pero ini-expect ko kahit papaano ay may bukas. madami naman po iyong mga tindahan.
Mag kano po yung nebulizer nyo po?
Yung nabili po namin ay Php 700.
hi ask kopo sana if magkano sa bambang ang SYNAPI DRAIn na maliit slamat ,
Hindi ko po alam at actually di ko rin po alam kung ano iyong hinahanap ninyo. hehehe