As I look back in my life, I realize o nga pala I have no experience in joining any singing competition (‘di pa pala ganoon ka-kapal fez ko?). HOWEVER I have many meaningful moments with OPM artists or Filipino singers. TARAY! And if may pa-meet and greet, malakas loob ko magtanong ng How to be a good singer or ano yong secret mo, na kung ta-Tagalugin ko ay paano po ba ako gagaling na mang-aawit? Hehehe. Narito po ang aking mga nasagap na tips:
Special Note: Ang saysay ng sining series posts ay alay at pakikibahagi ko sa selebrasyon ng National Arts Month ng Pilipinas
Choose songs that suit your voice, age, and emotion. Don’t shout- Pinky Marquez
Sabi ni Ma’am Pinky Marquez ay maraming mang-aawit (wannabe / bata) ay pinipilit na kumanta na kahit ano. Madalas ay hindi bagay sa kanilang edad at boses kaya parang hindi lumalabas na graceful. Marami din daw na puro birit ang ginagawa. Isa pa n’yang tip para maalagaan ang boses ay iwasan ang sumigaw.
Si Pinky Marquez po ay businesswoman at veteran singer-actress na nagpe-peform sa TV, movie, at madalas sa teatro. Sa TV last ko s’yang napanood sa Zorro ni Richard Gutierrez at Rhian Ramos (GMA 7). Miyembro siya ng singing group na Ang4Getabbles kasama sina Dyords Javier, Isay Alvarez, at Bimbo Cerudo. S’ya rin ang mommy ng TV actress na si Karel Marquez.
To take care of your golden voice, don’t abuse your body – Joey Generoso
Isa sa may magandang boses na male singer na napakinggan ko ay pagmamay-ari ni Joey Genereso na sumikat bilang bokalista ng Side A. Hello kahit sino pa ang mag-revive ng Forevermore, Heart of Mine, at So Many Questions, kung babalikan mo ang boses ni Joey G ay sasabihan mo kaya pala ni-revive maganda rin kasi ng pagkakanta ng original. In fairness din ang husay ng cover n’ya ng Tell Me, Tuloy Pa Rin Ako, at Foolish Heart.
Bilang bahagi ng isa sa pinakasikat at nagtagal na banda sa bansa, aware si Joey G sa isyu sa mga nagbabanda. Iyon ay ‘di magandang lifestyle o mabisyo. Sabi n’ya ay inaalagaan n’ya ang kanyang boses sa pamamagitan din ng pag-alaga ng kanyang katawan. Iniiwasan n’ya ang magpuyat, nag-e-exercise, at ‘di kumain ng mga food na nagiging cause ng bacteria sa lalamunan. Ilan daw sa mga iyon ay matatamis na pagkain. Kapag may problema sa kanyang lalamunan ay nagpapa-checkup daw s’ya kaagad.
Isa pang tip n’ya pagdating sa singing career ay dapat magaling ang manager mo. Kaya nalayo sila sa masamang bisyo at maganda ang takbo ng karera ng Side A ay dahil sa kanilang manager, ang yumaong si Wyngard Tracy. Magaling daw itong mag-motivate.
Polish your craft and keep your feet on the ground – Jamie Rivera
Ang isa talagang sakit na nadadala kahit sa pangkanta ay kayabangan. Sabi ni Ms. Jamie Rivera, dapat be humble, at amiable. Ito daw ang kanyang secret sa kanyang singing career. Matututo ka pa raw kung madali kang kausapin ng malaki man o maliit na tao. Mangyayari din ‘yan kung di mapagmalaki at aamin mong ‘di ka perpekto. Dagdag pa ng Hey It’s Me singer ay maging s’ya ay aminado na “work in progress” din s’ya.
Bago makilala na Inspirational Diva dahil na rin sa kanyang mga hit Christian Songs na Tell the World of his Love , Heal Our Land, Tanging Yaman, at Only Selfless Love ay matagal ng singer si Jamie. Mas kilala s’ya noon sa mga pop songs at pagiging songwriter. Kapanabayan pa nga n’ya sina Regine Velasquez at Lilet. Sa ngayon, kung sa Pasko ay uso ang boses ni Jose Mari Chan, alam mo namang malapit na ang Mahal na Araw kapag naririnig mo ng madalas ang boses n’ya sa radyo. hehehe.
Don’t let your voice go to sleep– Nina
Sabi ni Nina, she takes care of her voice by always singing and practicing. Kaya kumanta s’ya sa anumang shows o kahit sa bahay at videoke. Sa ganoong paraan daw hindi nawawala sa kanya ang pagkanta at nahahasa pa ang kanang boses. Sa tanda ko pa nga ay isa rin s’ya sa mga artist na nakakapag-whistle tones/ whistle register.
Kung susundin din ang payo n’ya, kapag mas praktisado at saulo mo ang isang kanta ay mas malabo kang pumiyok. Alam mo kung saan ka hihinga (breathing) para makabwelo, mahahasa pa ang iyong vocal prowess o pipili ka ng ibang kanta na hindi ka mahihirapan.
Kilala si Nina bilang Soul Siren at nagpauso noon ng “live” recording para sa album. In fact, ang kanyang Nina Live Album ang nagtanghal sa kanya bilang first diamond female recording artist (diamond is 10x platinum record). Dati naisip ko na mga cover songs lang n’ya ang sumikat, di pala. May orig songs s’ya gaya ng Jealous at ang kanyang Heaven ay isa sa mga album na may international Vibe.
Relax and warm up- Sitti Navarro
Banggitin mo ang term o genre na bossa nova, sasama at sasama ang name ni Sitti Navarro rito. Siya ang nagpatunay na no need na makipagsabayan sa uso, kailangan mo lang sundin ang trip mo at maging markado sa ginagawa mo. Oh ‘di ba may naalala ka pa bang ibang sikat na Bossa Nova singer sa Pinas?
Pagdating sa regimen, sabi n’ya ay madalas ay tahimik lang s’ya sa isang slok at natutuhan n’ya na mag-relax lang sa mga gigs. Natutuhan n’ya raw mula kay Ma’am Kitchie Molina (vocal coach at na-feature sa Pinoy Dream Academy) na i-relax pati ang facial muscle kapag kumakanta. Pagdating sa Voice ang warm up ay vocalization daw.
Different performances, different demands and training – Christian Bautista
Maliban sa pagging ballader at Asian Pop Sensation/ Asian Pop Idol, kilala rin si Christian Bautista sa paglabas sa mga musical play gaya ng West Side Story, Cinderella, at Ghost: The Musical. Kasama rin siya sa series na Kitchen Musical with Karylle na inire sa Singapore at 11 pang bansa.
Sabi ni Christian magkakaiba ang demand sa pagkanta ng pop songs at sa mga musical play. sa paghawak pa lang ng microphone ay mayroon dapat malapit at may malayo. Iba rin ang atake kapag classical, pang-Broadway at pop ,kaya mahirap na mapaghalo-halo ‘yan. Ang best na gawin ay dapat daw may training, time, at focus depende sa hinihingi. Among the artists na alam n’yang magaling daw mag-shift ay si Lani Misalucha pa lang.
Training from the best – Billy Crawford
Napakakulay ng singing career ni Billy Crawford na pop singing sensation noon sa Europe. Kung baga kung may Justin Timberlake ang America, may Billy Crawford sa Europe. Pero kahit malayo na ang narating at naging evolution ng kanyang career, sinabi ni Billy na ang kanyang vocal training mula pa rin sa best singing artists sa ‘Pinas. Dagdag pa n’ya ay basically natututo s’ya sa panonood at pagsama sa mga great singers gaya nina Martin Nievera, Gary Valenciano, Regine Velasquez, Jaya at iba pa. By the way, noong bata s’ya ay nakasama na n’ya sa isang show si King of Pop Michael Jackson.
Sa ngayon ay busy si Billy sa hosting sa mga shows sa ABS-CBN gaya ng Your Face Sounds Familiar at Little Big Shots. Pero markado na ang kanyang mga songs na Bright Lights. Trackin’ at marami pang iba. Balita ko ay kaya s’ya nag-Viva (Talent Management) ay para balikan din ang kanyang passion sa singing.
Gogo Sago, mabuhay!
Samantala narito naman ang ilang performances ng ilang OPM artists…
Sarah Geronimo
Aiza Seguerra
The Dawn