Sining: 7 Bagay na itinuro sa akin ng pagsasayaw


Ang pagsasayaw ang kauna-unahang sining at talento na nadiskubre ko. Ang una ko atang naipanalong trophy ay dahil sa dancing. Pero alam mo ang layo ng karera ko rito, magkagayon pa man marami akong natutuhan mula rito. Narito ang saysay at kahalagahan para sa akin ng sining ng pagsasayaw na ito para akin:

 Sa Pagsasayaw, lalakas ang iyong kumpiyansa ...

Hindi pa ako nag-aaral ay kinahiligan ko na ang pagsasayaw. Nanood ako ng mga dancers sa TV at movie. Mahiyain akong bata pero ‘pag sayawan na kumakapal na ata ang mukha ko.  Basta ang feeling ay masaya at buhay na buhay kapag nagpa-practice, kapag nakuha ko ang tamang step at timing, at kapag nakakaganang sayawan ang isang tugtog. Lumalabas kasama ng pawis ang aking emosyon sa bawat indayog. Siempre masarap din kapag pinapalakpakan ka dahil magaling ka.

Hawaian Dance prod at Amazing Show Philippines

Ang pagsasayaw ang nagpatanto sa akin na hindi lang ako average person.

Minsan ba sa buhay mo ay na-feel mong tanga ka kasi hindi ka gaya ng ibang magagaling sa klase? Tapos palagi ka pang ikinukumpara sa iba. Ako oo, noong nasa grade 1-5 ako. May mga subjects na nag-e-excel ako pero hindi sa Math, Science, English at iba pa. Ni wala nga akong natanggap na hibla man lang ng ribbon at medalya noon.  Pero kahit ganoon ay hindi bumaba nang todo ang aking kumpiyansa. Nakakabuti na nahilig ako sa pagsasayaw (aside sa paglalaro at panonood ng anime at cartoons) noong bata pa lang ako.

Dancing makes me experience heartaches that humble me,

Noong 10-year old ako ay nagpa- dance audition sa school namin at nakapasa ako sa ilang rounds.   Nakakailang practice na ako nang tinanggal ako at ang dahilan lang ay dahil daw muntik ng matumba ‘yong baso sa ulo ko (pandango sa ilaw ang sayaw).

Patalastas

Pagsasayaw ng Halili-Cruz Ballet Group (Dance Xchange)
Halili-Cruz Ballet Group (Dance Xchange)

Medyo nasaktan at nalungkot ako habang pinapanood ‘yong performance nung mga napili.  Pero naisip ko rin na siguro mabuti rin  hindi ako makasali. Hindi ko kayang tapatan ang magaganda nilang costume, ang ayos ng kanilang make-up, at abala ang mga magulang ko para sama-samahan ako sa mga school activities gaya noon.

Sa pagsasayaw ko na-realize na may mag-a-appreciate at magtatanggol sa iyo 

Tanda ko rin na noong tinanggal ako ay ilang kaklase ko (na hindi ko ka-close) ang  nagtanggol at nagkomento na magaling naman ako.  Nagtataka rin sila bakit ako ang inalis.

And no matter what, you will still do what you love to do.

Hindi ko alam kong gaano ka-accurate ito, pero sa tanda ko ay lahat ng nakapasok sa dance group ay magagaling academically sa klase. At feeling ko ayaw ng isang teacher sa akin. Naging class advisor ko s’ya noong grade 2 at bff n’ya pa ‘yong isa pang teacher na kasama.  May nangyari noong grade 2? Oo!

fire dancing at Boracay

Itinoka n’ya  ako na isa sa magsasayaw noon para sa Christmas presentation ng class namin noon. Iyong mga kasali roon ang bahala sa costume at ‘yon din ang naging dahilan ba’t s’ya nagalit sa akin. Mali ang sinabi na oras sa akin (bandang hapon) at hinahabol ko na matapos ‘yong costume.  Noong dumating ako tapos na pala ang presentation kaya galit na galit s’ya sa akin. Hindi ko pa ata naikatwiran na ang 7-year old na ako ang tumapos sa pa-costume ko. Wala akong tatay at nanay na tutulong sa akin that time. Pero ‘yon na nga ‘yon, bad trip na talaga s’ya sa akin kaya hanggang grade 5 –yon ang impression sa akin.  In a way may hugot naman s’ya sa naiisip n’ya akin. Pero alam mo… that same school year na tinanggal ako sa dance group ay nag-perform pa rin ako harap n’ya para Christmas party sa classroom namin.

Dancing has taught me to socialize, be a team player.

Sa dance prod ay hindi madalas na matatalik mong kaibigan ang makakagrupo mo. Iba pa roon ay personally hindi mo  gusto sa umpisa o sa dulo. Pero habang nasa practice hanggang sa performance day ay sama-sama kayo.

Native Filipino Dance production ( at Amazing Show Philippines)

Madalas lahat naging close kong classmates o officemates ko ay hindi gaanong mahihilig sa pagsasayaw  kaya natutuhan ko na makisama at makibagay. Pero ganito kasi ‘yan, kahit ano pala pagkakaiba ninyo pero kung iisa kayo ng goal at passion ay magkakasundo kayo.

Dancing allows me to be crazy and show my other side

Sa ordinaryong araw ay siempre ako ay ang ordinaryong ako.  Pero sa pagsayaw ay nagagawa ko ang maging iba, kakaiba, at naiiba. Nagagaya ko ang ibang personalidad,  nasusuot ko ang mga costume na malayo sa fashion ko, at nakaka-awra ako.

Maliban pa sa mga ito ay naipapahiwatig ko pa rin ang gusto kong maramdaman ng aking mga manonood.  At bilang dancer, mananayaw, o performer hindi ko lang  nae-entertain ang ibang tao kundi nai-enjoy ko rin sayaw ng buhay ko. Sabi nga ng Ballerina na si Liza Macuja-Elizalde ay ang pagsasayaw ay dinadama at ini-emote.

Siempre dancing is my form of exercise.

Ang post na ito ay para selebrasyon ng National Arts Month / NCCA.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.