What comes first in your mind, when someone mentions Makati City? Ako talaga, it’s the business and financial district where career-oriented people roaming around. (charrot!) Every time nga naghahagdan ako sa pathway or underpass, naiisip ko na ito ang literal na corporate ladder, hehehe. So nag-wonder si ako if this city has old infrastructure and spiritual sides. ito rin ang diniskubre ko pagbi-Visita Iglesia namin sa Makati! Make it Happen ‘di ba?
Visita Iglesia stations 1 &2 Sanctuario de San Antonio Parish Church
Sa mga nasasagap ko, ang impression ko sa Sanctuario de San Antonio ay simbahang mamahalin. Well sa location pa lang nito na malapit sa Dasmarinas Village, Forbes Park, at Bonifacio Global City ( BGC)—Puwede! By the way, nilakad lang namin ito mula sa MRT Ayala Station (Telus side).
Ang kagandahan para sa mga magbi-visita ay may garden sa labas ng simbahan na inilaaan para sa inyo. Malinis at maluwag kaya nag-iiwan ng solemn feel habang nagdadasal ka.
Samantala, isa sa magandang wedding church ang Sanctuario de San Antonio at one of the expensive ones daw. In fairness din ay may Spanish-era feel pa ang look at architecture nito na pinamahalaan pa noon ng mga Fransciscano.
Trivia. Naging opisyal na parish church noong 1975 at ang patron saint nito ay si San Antonio de Padua na Santo raw para sa mga nawawalang bagay.
Station 3 & 4 Greenbelt Chapel o Sto. Niño de Paz Catholic Church
Mula sa Sanctuario ay naglakad at tumawid kami sa overpass ng MRT Ayala station at pumasok kami sa SM Ayala na nakadugtong sa Glorieta, Landmark, at Greenbelt. As in mall tour ang peg.
To be honest, Greenbelt chapel lang ang alam kong simbahan sa lahat ng simbahan sa Makati. Para sa akin ay para itong kombinasyon ng EDSA Shrine sa Ortigas “because it’s in the heart of a business/ commercial area” at Holy Sacrifice Church sa UP Diliman dahil sa architecture nito na isang dome-shaped chapel.
Trivia. Ayon sa nabasa ko sa ABS-CBN News ay isa nga ang Greenbelt Chapel sa dalawang ganitong architecture na ganito ang itsura. ‘Yong paikot na disenyo rito ay pakana ni Architect William Fernandez, ay hindi lamang nagbibigay ng modern ambiance. Ito rin ay naghahatid a very welcoming vibe na tipong kahit saan side ka pa pumasok at lumabas basta gusto mo magsimba, go – pasok ka lang! Pero ayon sa Sto. Niño de Paz Community Greenbelt Chapel, ang inspirasyon din sa pagkakagawa ng chapel ay ang St. Patrick’s Cathedral sa New York City. By the way, July 28, 1983 nang binuksan ito sa publiko.
Stations 5&6: Saint John Bosco Parish Church
Mula sa Greenbelt ay tinunton namin ang Arnaiz street. Kung lalabas ka ng Paseo de Roxas area ay kakaliwa ka at pagdating naman sa Arnaiz Street ay kakanan ka. Saka mo didiretsuhin at lalagpasan kaunti ang Amorsolo Street at saka mo na ipagtanong ang “ummm where po ang St. John Bosco Church dinhi?” Pero madali rin itong makita na katabi lang ng Don Bosco Technical Institute.
Gaya ng Sanctuario, may hiwalay na garden area para sa mga nagbi-Visita Iglesia sa St. John Bosco. Gusto ko sana kunan ang loob ng simbahan for art appreciation pero that time ay may ongoing mass at maraming tao sa loob so cannot be. Pero sa labas pa lang ay alam mong may something sa shape ng façade nito at simbahan.
Trivia. Ayon kay Urban Roamer, ang St. John Bosco. Church ay isang clamshell shaped church at obra ito ng architect na si Jose Maria Zaragoza (isang national artist) na s’yang nasa likod din ng Sto. Domingo church. By the way ayon sa rebulto at marker sa labas, si St. John Bosco ay Father and Teacher of the Youth. Pero s’ya rin daw ay Patron Saint ng mga editors and publishers, schoolchildren, magicians, juvenile delinquents, at apprentices.
Stations 7& 8 San Ildefonso Church in Pio del Pilar
Mula sa Don Bosco ay muli kami naglakad sa Arnaiz Street pakaliwa, ang naalala kong tips sa amin ay lalagpasan ang riles, tawid sa overpass, at kapag may nakita kami 7-11 malapit na doon. Tumpak! Ang simbahan ay nasa panulukan ng M. Reyes street at Arnaiz. Kapag nakatawid ka na halos makikita mo na ang higanteng rebulto naka-dikit mismo sa facade ng simbahan. Mural ata ang tawag doon.
Station of the cross. I don’t know baka ‘di lang namin nakita, kaya sa loob kami ng simbahan nagbasa at nagdasal. Wala naman ongoing mass noon kaya nagpatuloy na sa simbahan nito na may maganda at archaic shape interior.
Trivia. Ang sabi ang San Ildelfonso Church ay ang pinakauna at isa sa mga itinatag na simbahan ng mga Salesian sa ‘Pinas. Ang Salesian ay samahan na binuo ni Don Bosco na ang layon ay magabayan ang mga maralitang kabataan sa gitna ng pag-usbong ng industrilisasyon ( lalim ng pagkaka-Tagalog ko ah).
Stations 9& 10 National Shrine for Our Lady of Guadalupe
Mula sa San Ildefonso ay sumakay kami ng jeep pabalik sa SM Ayala, then tawid kami ulit para makapag- bus going to Orense street kung nasaan ang National Shrine for Our Lady of Guadalupe. Ang landmark dito ay MMDA building sa EDSA. Hindi naman malayo ang lalakarin mula sa kanto o MMDA building pa-simbahan at madaling makita ito kasi elevated ang kinatitirikan nito.
Nasa gilid ang pasukan ng simbahan, pero nasa harap mismo ng façade ng simbahan ang Station of the Cross area. Ang maganda sa bawat istasyon ay may nakapaskil ng dasal kaya just in case na wala kang booklet, no problem.
Trivia. Hindi rin kami nakasilip sa loob ng simbahan dahil sa rami ng tao na nagpapalaspas. Pero sa labas at konting nakikita ko sa interior ay halatang nakasunod ito sa Spanish old style design. Accordingly ay 17th century pa ito naitatag at ang unang itinawag rito ay Our Lady of Grace. Nasa loob ng simbahan ang mahimalang imahe ng Our Lady of Guadalupe na Patron Saint ng bansang Mexico.
Stations 11 & 12: Guadalupe Church o Nuestra Señora de Gracia
Mula sa Orense Street ay nilakad na namin hanggang sa overpass sa tapat ng Loyala ( Guadalupe). Pagkatawid, lumiko kami sa gilid ng Loyala saka namin tinunton ang Nuestra Señora de Gracia Church o Guadalupe Church. Baka malito ka rin, ang nasa unahan ay seminaryo/ monasteryo ng Guadalupe, ang simbahan ay lalakarin pa konti papasok.
Dahil mahilig ako sa old churches at architecture ay aminado ako na ito ang excited kong makita. Na-meet naman ang expectation ko dahil from exterior to interior ay kita mo ang pagmi-maintain ng pagklasiko nito. I appreciate na hindi nila pinupunturahan ( masyado?) para magmukhang bago.
Trivia. Noong nag-search ako ay ang sabi ang ibang material na ginamit nito ay mula sa nabuong bagay mula sa volcanic eruption. Cool lang kasi ang isa sa madalas na nagpapagiba sa mga old churches ay pagsabog ng bulkan. This time ay mula sa adobe/ volcanic tuff binuo ang isang simbahan. Isa rin itong Neo-Romanesque-Gothic style sa labas, at Baroque naman saloob .
Ayon sa marker nito ay 1601 nang simulan ang plano at pagbuo ng simbahan at natapos ito noong 1629. Sinasabi rin na naging lugar ito ng debosyon ng mga Tsino lalo na noong 1639. Kung tama ako, mapapansin na may touch ng Chinese design ang ilang bahagi ng simbahan partikular na sa bintana.
Wala pa kaming nakitang station of the cross dito kaya sa loob na kami nag-istasyon ulit. Ayan ay noong matapos na kami dumalo sa mesa at pagpapalaspas.
Stations 13 & 14 EDSA Shrine
Dapat ang next station namin ay San Pedro de Macati Church o Saints Peter and Paul Parish Church. Visita Iglesia de Macati nga ‘di ba? Pero napagkasunduan namin na i-cut na doon kasi ginabi, at ginutom na kami para hanapin pa ito. May kasama rin kasi kaming bata at senior kaya para convenient ay nag-usap na kami na tapusin na lang sa EDSA Shrine na nasa boundary ng Quezon City at Pasig.
Madalas ako sa EDSA Shrine, pero first time ko na umakyat sa taas ng simbahan dahil nandoon pala angvia crucis nito. Mga 7:30 o 8pm na kami nandoon kaya madilim na sa camera phone pero magaganda ang pagkakagawa ng sculpture/ visual arts sa paligid nito .
Binanggit ko ang ilang bagay na may kinalaman sa bawat simbahan, iyan ay para sa dagdag impormasyon sa paglalakbay. Pero hindi ko sinasabi na ang mga ito ang mas mahalaga sa pagbi-Visita Iglesia. Ang importante pa rin ay pagdarasal ng taimtim at pag-aalala sa iyong pananampalataya sa Kanya. Tandaan din na ang Visita Iglesia ay dapat tuwing Maundy Thursday pero ginawa namin ito sa Palm Sunday kasi pareho kami may trabaho ng kaibigan kong s Mhona nitong Holy Week.
Have a meaningful Holy Week!