Test Your Strength with a team at the ASICS Relay Philippines 2018


Bob Marley once said, “You never how strong you are until being strong is your only choice.” This quote is very motivational for people currently struggling or looking for challenges. For me, your strength can be test in different ways like championing a race with a team.  Go test your physical strength and experience extra kilometers of excitement on May 26 in the first ever Night Relay Race in the Philippines – ASICS Relay Philippines 2018 at SM By The Bay (Pasay City).

 

How to do the  ASICS Relay Philippines 2018?

Ang event na ito na ay challenging for newbie and veteran runners.  Sa media launch ng ASICS Relay 2018 ay ipinaliwanag ni Mr. Adrian Mok (managing director, HiVelocity PTE LDT) na kasama sa mechanics ay dapat bumuo ng 4-player team na  pipili kung alin layo ang kanilang tatakbuhin:

  • 42K para sa full marathon
  • 21K para sa half marathon

Sunod dito ay pagpili sa aling 3 kategorya mapapabilang,  ito ba ay:

  • Male,
  • Female
  • Mixed team

Siyempre dapat ding magtalaga  kung sino-sino sa grupo ang mauuna at magkakasunod.

 

Narito naman ang Runner’s Entitlements sa Relay Race courtesy ng ASICS ay ang mga sumusunod:

  • Event Tee  na may 4  colors
  • Race Pack
  • Relay token na isa para sa  bawat grupo
  • Finisher Medal
  • Personalized Race Bib

 

Paano gagawin?  Ang pangalawa at pangatlong  miyembro ay hihimpil sa itinatalagang transition zone. Kung saan nila hihintayin ang team mate na magpapasa ng kanilang ng relay token. Para sa full marathon, ang bawat miyembro ng team ay kailangan makumpleto ang 2 leg ng 5.2km. Sa half marathon naman  ay 1 leg lamang.

Samantala, para mga gustong tumakbo na kulang pa ng miyembro o makabuo ng running mates, maaaring makipag-ugnayan sa pamunuan ng ASICS.

Patalastas

 

Eyes on the prize at ASICS Relay 2018

 

Ang relay race na ito ay hindi lamang bongga mula sa venue, setting, lights, at music.  Ito rin ay may kaabang-abang na mga premyo na aabot ng may Php 790, 000 .  Ilan sa maasahan na makakamit  ng mga magwawagi ay finisher’s medal, exclusive ASICS branded tee, at cash prizes. May espesyal naman na makakamit ang magiging kampeon sa full marathon at ito ay:

  • team slots sa anumang bansa na bahagi ng ASICS RELAY 2018
  • Kasama na rito ang flight tickets
  • At accommodation

Sa mga hindi pa nakakaalam ay bahagi ng ang ASICS Relay ang   Malaysia, Indonesia, Thailand, and Singapore. Ngayong taon ay ang unang pagkakataon na dalhin ito sa Pilipinas at dito rin ang uumpisahan ang ASICS Relay 2018.  Sa pahayag ni Andy Neo, ang Sports Marketing Manager ng ASICS Asia,  ay na paunti-unti ay nag-e-expand sila sa iba’t ibang bansa kaya posibleng lumawak pa ang running race na ito.   Sa ngayon narito ang petsa ng paligsahan sa limang  bansang nabanggit:

  • Philippines – May 26
  • Indonesia  – July 28 (TBC)
  • Malaysia  –  Sept 1 (TBC)
  • Thailand – Oct.6 (TBC)
  • Singapore – November 3 (TBC)

 

How are you with a team? Nasa event din si Mary Joy Tabal, na ASICS Athlete at Olympian and SEA Games Gold Medalist. Ayon sa kanya ay interesante ang race na ito dahil may grupo na makakasama sa buong tanan ng takbuhan.  Paano nga naman maitatawid ng mga magkakampi ang ganitong klase ng takbuhan kung  may kanya-kanyang abilidad, bilis at liksi.  Dagdag pa ng runner ay nasubukan na n’ya ay triathlon at talagang dito ay nasubukan ang kanyang galing at enerhiya.

L – R : Mr. Adrian Mok, Andy Neo, and Mary Joy Tabal

Ang hosts sa media launch na sina Vince Velasco and sportscaster Dyan Castillejo na pinuri rin ang  galing ni Mary Joy. Sa liit din kasi nito na hindi pa umaabot ng 5 talampakan ay nilalampaso ang kanyang mga kalaban.

How to register in this exciting relay race?

Ang good news ay may promo sa mga stores ng ASICS, na kilalang brand sa apparel, accessories, footwear most especially running shoes, at iba pa.   Kapag bumili ng footwear sa saan man participating store ng ASICS mula March 14 to April 14 ay makakatanggap ng complimentary team slot (Terms and conditions apply).

Narito naman ang fees sa pagsali sa relay race

  • March 14th hanggang April 4th ay makaka-avail ng early bird rates

21km: Php 3,400 kada grupo

42km: Php 3,600 kada team

 

  • Mula April 5th hanggang April 27th) ang Normal rates na ay

21km: Php 3,600 per team

42km: Php 3,800 per team

with event’s hosts ( middle) Vince Velasco and Dyan Castillejo



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.