One of the wonders in life is giving birth or birthing. Hindi ito basta desisyon, plano, o basta pangyayari – isa itong life-changing experience sa bawat babae, bawat mag-asawa, at bawat pamilya. Forever na tatak sa isang ina ang “uha” ng kanyang sanggol. Pero alam din natin na hindi madali ang magdalang-tao, mag-labor, at manganak. Na-imagine o nakasaksi ka na ba ng mga pangyayari sa isang birthing home?
Unfortunately ay hindi lahat ng birthing/ maternity hospital sa bansa ay may presentable pang pasilidad. Isa na rito ang Tacloban Woman’s Club (TCWC) Mother & Child Puericulture Center sa 125 Justice Romualdez Street, Tacloban City. Ang “Puericulture” raw po ay s’yensya ng pagpapalaki ng malusog na bata. Pinakasentro rito ay ang prenatal stage o kung kailan bago ipinganak at panganganak.
Giving help is giving birth: The Mother & Child Puericulture Center’s story
Para sa mga hindi nakakaalam ang Tacloban Woman’s Club ay magdiriwang ng ika-100 taon ngayon sa Agosto 25. Isa sa kanilang mga una at pinakamalaking proyekto ay ang Mother & Child Puericulture Center (MCPC) na itinatag noong 1922-1923. Ang ideya umano nito ay mula kay Ginang Julia Agaton- Jaro (asawa ng noo’y Governor Eugenio Jaro) na umupong lider ng club noong 1920-1921.
Noong una ay simpleng klinik na nagbibigay ng libreng medical services ang center. Ito ay sa kabutihang-loob na rin ni Dr. Agustin Bañez at sa umasiste ritong si Binibining Expectacion Perez. Para naman mapondohan at mapaunlad pa ang proyekto na ito ay nagsagawa ng iba’t ibang programa noon ang mga opisyal ng TCWC. Noong umupo bilang presidente si Mrs. Eulogia Bañez ay dito na naging kongkreto ang pagbuo ng mismong Puericulture Center.
Ang isa pang nagmagandang-loob para sa proyekto ay ang pamilya ni Mrs. Simeona K. Price. Noong 1924 ay ibinahagi nila ang lupang kinatatayuan ngayon ng MCPC na dapat sana ay para sa kanilang family business.
Pagkatapos ng mga ito ay naging sunod-sunod na ang tulong na natatanggap ng TWC mula sa gobyerno at iba pa nilang programa. Ito ang naging daan para sa konstraksyon ng Puericulture Center (umabot ng Php 7,598). Taong 1927 nang magbukas na sa publiko ang ang MCPC.
A Mother’s Bout is A Mother’s Care
Noong Japanese Occupation / World War II sa bansa ay isa rin sa naapektuhan nito ang operasyon ng TWC at Mother & Child Puericulture Center. Katunayan ay ginawang emergency hospital ang center ng mga sundalong Kano noong 1945. Kaakibat pa nito ay ang paggamit ng pondo ng TWC para ay pagpaayos ng MCPC.
Sa pagsusulong ng TCWC ay dahan-dahan nakukumpuni at nagagawa ang kinakailangang rehabilitasyon ng center. Ito ay dahil na rin sa tulong na kanilang natatanggap sa pamahalaan at institusyon gaya sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Subalit ay kinakailangan pa rin ng matindi pang hakbang para maging maayos ang serbisyo at operasyon ng MCPC. Katunayan noong 1996-2003 ay natigil na ang operasyon ng Mother & Child Puericulture Center. Ito ay para mapabuti hindi lamang ang pasilidad, sistema, at serbisyo nito.
Suporta sa Mother’s Care ng Tacloban Woman’s Club
Simula 2012 ay nagpupursige ang Tacloban Woman’s Club, sa pangunguna ni Pres. Aresenia M. Mate, sa pangangalap ng pondo nito para sa kompletong rehabilitasyon ng MCPC. Ang mga no -filter/edit photos sa post na ito ay huling kuha ni TCWC member Manuela Naldoza. Makikita sa mga ito ang pangangailangan para sa agarang rehabilitasyon ng Mother & Child Puericulture Center para magpatuloy pa ang serbisyo ngayon, bukas at sa susunod pang 100 taon. Sana ay matulungan natin sila.
If you want to share your blessings and hopes to many more mothers, contact Mrs. MCPC office. You can also share this plea para maiparating sa iba nating kababayan!
Happy Mother’s Day sa lahat ng ina!
For inquiries and donations, please contact
Arsenia Mate
Tacloban Woman’s Club Pres.
321-72-92/ 09955045890
25 Justice Romualdez St., Tacloban City
Clarissa Cuerpo
Tacloban Woman’s Club Treasurer
09156551202
or
Manuela Naldoza
Facebook: https://www.facebook.com/manuela.naldoza.9
The ruins of typhoon Yolanda @ the Puericulture Center & Birthing Home Nov. 8, 2013. – Manuela Naldoza