Bago mangopya! Ano ang Plagiarism at Copyright Infringement?


Ang sarap mag-create ng content dahil kung hindi ay baka walang nag-e-exist na Hitokirihoshi o Hoshilandia. Masaya kapag naipapahayag mo ang iyong sarili sapamamagitan ng video, text, infographics, photo at iba pa. Pero may mga nakakaapekto para ‘di maging masigasig sa content creation. Sa akin ay hindi low traffic o blog monetization ang pipigil sa akin para mag-blog o vlog.  Ang pinakamasakit ay ang kawalan ng respeto at pagnanakaw sa iyong likha na tinatawag (na puwedeng) plagiarism o copyright infringement.

Konektado ang plagiarism at copyright infringement pero may pagkakaiba ang mga ito. Ito mismo ang linya ko sa kapitbahay namin na ganun ‘din ang paniniwala. Lasing s’ya noon e, pero nawala ata ang amats nang magdetalye’t maghalimbawa ako tungkol sa copyright issues ng isang sikat na banda.

What is copyright?
copyright nga e, so sa right tayo.

Pero para mainam, ang ihahalimbawa ko ay ang nangyari sa akin upang magkaroon din ng ideya  ang mga kapwa ko content creators at ang aming mga giliw na  readers, subscribers,likers, followers, at netizens.

Copyright Infringement and the Rights of Creators 

May mga nag-share ng tsika ko about Fake News at opinyon sa Bakit Emergency Fund Muna bago Mag-Investment. In general gusto ko iyan siempre at ikinakasaya ko. Noong naisip ko mag-search ay nagulat ako may mga posts na pala ako na puwede ng mai-level sa viral contents, PERO…

Itong kuwento ng pagsi-share ng Bakit Emergency ay nalaman ko na lang mula sa isang kaibigan na naalalang nabasa n’ya na rati iyon sa hoshilandia.com. In fairness sa entity na iyon ay pinangalanan ako bilang source (napagkamalan din ata akong lalaki) at inilagay ang link ko. Doon thankful ako at mabuti naman.

Iyon lang, maglalagay na nga lang kakapiranggot na link ay hindi pa inayos kaya iyon broken link (kapag klinik mo ay error). Resulta? Nakaani sila ng maraming comment at share dahil sa content ko, pero ako na author ay latak lang ang hits ang nakukuha.  Hindi na ako magrereklamo kasi tinitingnan ko na lang ‘yang exposure at complement na rin. Pero honestly I’m not totally happy sa ginawa nila.

Ayon sa Copyright Law (Republic Act 8293) ay ang author, publisher, blogger o sinuman manlilikha ng sining o gawa  ay ang may ekslusibong karapatan kung paano isi-share, ita-translate, o gagawing sa ibang porma ang kanyang creations. Technically ay dapat ay bago nag-copy paste itong entity na ito ay nagpaalam sa akin para humingi ng permiso. Eh wala nga akong kaalam-alam kung ‘di pa sinabi sa akin ng kakilala ko.  Kaya rin siguro  napagkamalan nila akong lalaki kasi hindi nagtatanong. Heto pa, supposedly ang dami ng pagkuha nila ng content ay dapat limitado lamang. Eh halos buong-buo e, kaya kahit sinong mambabasa ay hindi na mag-aabala na pumunta sa site ko kasi Facebook post na nila lahat.  

Patalastas

Facebook users who share info.   Pinakanasaktan ako siguro sa nakita kong paraan ng pag-share sa Facebook ng Fake News post ko. Nakapag-share nga sila ng tamang gabay tungkol sa Fake News, pero parang sila pauso rin ng fake news hohoho, paano?

Okay ako sa paglagay ng credit na siempre  binanggit nang tama at kumpleto iyong info. Kahit nga name at link na lang, okay na ako n’yan. Pero hindi iyon ang ideya ng ibang nag-share, na feeling ko nagamit ‘yung content sa school projects (students and teachers?). May naglagay ng credit ng kanyang source, pero MALI, at may NO CREDIT AT ALL. I wonder hindi sinita ng teachers kung tama ba ang source. Kung naging Prof nila ang Prof ko noong college ay naku…hohoho. 

Palitan talaga ang source?

Doon sa nagbigy ng wrong credit, ibang name ang ipinalit sa hoshilandia.com. And oh my gulay ang isa pang nasa credit ay si Google! For all students doing reports may tip ako (bilang nakagawa na ako ng mga thesis at may alam sa pagbibigay ng attribution) bakit mo iki-credit si Google na source, eh search engine nga ito. Ibig sabihin ay nagbibigay ng resulta ng mga sites o sources ng sini-search mo. Hindi ito ang content creator o publisher.  Aaminin ko masakit na hindi ka na pinasalamatan sa naitulong mo (sa anumang malaki o maliit na paraan), pinalitan ka pa?!

Alam mo bago itong mga masasakit sa bangs na nagsi-share este, nagka-copy paste ay para na akong inililipad sa alapaap dahil sa mga na-discover kong nag-share ng ilang contents ko with credits. Masarap sa pakiramdam kahit papaano kasi nakikita yung relevance ng ibina-blog mo. Pero nung makita ko iyong mga pasaway para akong nilunod sa Mariana Trench.  Nagawa nilang mag-copy paste nang buo at tamang gabay (naks!), pero hindi ng tamang source site?  Bakit gaano ba kahirap sa loob? (question with padausdos sa wall sa tono ni Liza Soberano sa My Ex and Whys). Kung itsi-check ang mga posts ko particularly about Fake News, Movie Review ng Barcelona: A Love Untold, Fashionable Outfit made in recycled Materials, at Bakit Emergency Fund Muna … ay naisip sana ng mga nangopya kong anong effort ang nasa likod ng mga iyon bago na-upload? In fact hindi lang knowledge ko ang kinuha, pati karanasan ko hehehehe. Pinagdaanan din nila? 

May nakakatuwa kung mag-share!  May ilang nag-share ng post ko na tuwang-tuwa ako. Iyong gumawa ng meme o slide show sa Facebook na kulay Violet (one of my favorite colors). Though ‘di nila ako in-form, nasorpresa ako sa pag-reproduce nila sa gawa ko. Sakto lang ang paggawa nila ng mga punto ko at may credit. Thank you!

Para sa mga nag-share nang tama at may respeto!

Mayroon din isang nag-share ng Tips ko para sa mga Estudyante. Ang saya  nang ma-discover ko sa site nila (isang reputable media company) ang pag-translate nila in Visaya noong post na iyon. Masarap sa pakiramdan na mabasa rin ang ideya mo sa ibang lenguwahe at para sa ibang kababayan na di ko ma-reach. Sa lahat ng nag-mention ng info mula sa Hoshilandia.com ay thankful ako sa kanila—ganoon din sa isang Universidad, at sa gumawa ng Wikipedia info tungkol sa isang artist fromn Angono. SEO, Copyright o Art man ay na-feel ko ang pagkilala nila hoshilandia at relevance ng site sa sangkatauhan, hohoho!

By the way maliban sa literary works, ang puwedeng i-copyright ay gawang pang-musika, drama (mga play), choreography, audio-visual presentation, pelikula, sound recordings, at iba pa. Pasok din sa saklaw ng copyright ang mga derivative works gaya ng translations, adaptations, arrangements, collection and compilation, at iba pa.

old books

Wonder why there blocked or terminated accounts? Sa Youtube, Instagram, Pinterest at Facebook ay ang dami-dami kong nakikita na pasok sa copyright infringement. Nahuhuli naman ang iba and I believe may take down notice yung nag-e-exist pa. Basta po kahit basura sa paningin natin ang isang likha, kung ito ay pag-aari ng iba at kinuha ng walang pahintulot o sa hindi naayong limitasyon, iyan po ay copyright infringement. In fairness may magagaling sa video clippings.

Samantala, may nag-copyright complain na rin sa akin sa Pinterest. Dahil ata sa photo ko para sa Vince, Kath, and James ng JoshLia at Ronnie Alonte. Ito ‘yong blurred photo na inireklamo.


Within the day, naalis ko ang strike sa account dahil sa complain na ‘yan. Una ang complainant ay ‘di nagpakilalang producer, photographer o creator ng poster na ito. Kung sila ang naagribyado ko ay sana ay sila ang nagreklamo, at kikilalanin ko ang kanilang reklamo. Sa halos lahat ng movie reviews ko ay ang madalas ko pa man ding accompanying photos ay movie poster sa sinehan at movie ticket.

Pangalawa, saan ko ba inilagay ang watermark ko? Kung aanalisahin ang photo na ito, ang ipinapahiwatig  ko rito ay kinunan ko ito sa sinehan. Hindi ko inangkin ang movie poster o pelikula. Patunay din ito na kuha ko ito sa labas ng sinehan at nanood ako sa sinehan kaya ako may movie review.  Baka gusto ni complainant ay selfie ko sa movie poster, hehehe. Eh kaso hindi ko style ang mag-selfie sa blogs ko. Baka kapag nakapag-picture ako sa JoshLia, puwede!

Ano ang Fair Use?

Ang “limitasyon” na binabanggit sa copyright ay iksi ng puwedeng kopyahin o anumang kondisyon ng content creator gaya ng nabanggit ko sa itaas. Ang isa pang maiuugnay dito ay “Fair Use,” na kapag ginawa mo ay puwedeng hindi na hingan pa ang permiso ang creator para kunin ang parte ng likha n’ya.

Sa isa sa mga iBlog talk ni Atty. JJ Disini, sinabi n’ya na dapat limited sa 20 words ang puwede mo lamang hiramin salita kung text ito.  Kaya kung babalikan natin ang mga personal examples ko sa itaas ay dapat kumuha lang sila ng “certain phrase” sa mga na-blog ko para fair use lang sila. Mainam din kung may pa-quotable quotes o paglalagay ng quotation marks na indikasyon na ibang tao ang nagsabi at binanggit kong saan nakuha.

Halimbawa ay itong part na ito mula sa Fake News post ko.

ito ang original text:

ito kung paano isulat sa iyong report o post:

Ang responsableng reporter/impormante ay ikakarangal  na ilagay ang kanyang pangalan sa kanyang ulat at mailalahad  kung paano n’ya nakuha ang impormasyon,paliwanag ni Hoshi Laurence, publisher ng Hoshilandia.com, tungkol sa Fake News.

Iyang 20-30 words na sinasabi ay masyadong maikli, lalo na kung maganda talaga ang sinasabi. Pero magagawa ng paraan ‘yan, kung isusulat o ipapaliwanag sa sarili mong pagkakaintindi.

Halimbawa

“Ang responsableng reporter/impormante ay ikakarangal  na ilagay ang kanyang pangalan sa kanyang ulat at mailalahad kung paano n’ya nakuha ang impormasyon,” paliwanag ni Hoshi, publisher ng Hoshilandia.com, tungkol sa Fake News.

Dagdag pa ni Hoshi na sa ngayon ay naglalagay na rin ng maiksing profile info ang mga manunulat at reporter sa bawat artikulo na kanilang sinusulat.  

Copyright is not just giving right credit!

Ang copyright ay hindi lang pag-aangkin at paglilinaw kung kanino iyan o iyon. Ito ay una ay pagbibigay din ng RESPETO at pagkilala sa pinaghirapan ng iba. May “moral rights” at “economic rights” tayo. 

Ako, hindi ako magaling sa photography, painting, drawing o architecture. Kaya ‘pag may nagustuhan ako, eddie kinikilala ko kung sino ang artist sa likod noong work of art (moral rights). Kasi deserved noon! Kung gusto ko makuha, eddie bilhin ko (economic rights). Paano maipapakilala ang galing nung artist kung ‘di ibibigay ang tamang info? Paano rin s’ya kikita o ma-motivate na gumawa pa, kung babaratin na ay nanakawan pa ng karapatan? By the way, ang tawag sa amount of money o cut na nakukuha ng creator sa kanilang produkto kapag ginamit ng iba ay royalty.

Good examples ng royalty are the cases of JK Rowling’s Harry Potter, and Rey Valera’s Pangako Sa Iyo.

Ang pagpirata o piracy ay paglabag din sa copyright at intellectual property right ng isang manlilikha, I wonder kung bakit mababa ang pataw sa piracy sa pelikula kung maraming copyrighted works ang nakapaloob dito gaya ng gumawa ng musical score, direction, script, photography at iba pa. Whole production na ba ang bahala?

Ilan pang interesting cases about copyright ay iyong Rivermaya’s name case  at Rico Blanco’s case as a song author, ito ang examples na ibinigay ko sa kalasingan ng kuya ko hehehe.  

Ikaw ay Plagiarist kung…

Punta tayo sa may pinakamaraming nagko-commit, ang plagiarism. ‘Di ba nabanggit ko sa itaas na may nakita akong nag-copy paste ng Fake News content ko na walang inilagay na credit? Ang sakit din noon! Technically ay hindi lang s’ya nag-copyright infringement, nag-commit din s’ya ng plagiarism. Paano?

Ang plagiarism ay pagkuha ng copyrighted works o orihinal na likha ng iba na ipinapalabas mong sa iyo. Dahil hindi naman nagbanggit  ang nag-share kung saan n’ya kinuha (DITO sa Hoshilandia) kaya technically ay lalabas s’yang plagiarist (intentionally o unintentionally).  Kahit untian pa n’ya ang pagkopya ay nag-commit s’ya ng plagiarism, unless nga magbanggit s’ya ng source.

Barcelona A Love Untold move poster

Mayroon na rin akong nahuli na  mula text hanggang photos ko about Barcelona: A Love Untold ay inilagay sa blog n’ya. Sana nga hindi na lang iyon nag-effort na gumawa ng blog site, kahit free WordPress pa iyon, kung nakaw na content ang ilalagay n’ya. Wala rin s’yang mapapala dahil..

Bakit hindi magandang mag-duplicate content o mag-plagiarize?

  • There are available plagiarism tools–  alam n’yo po sa Internet ay ang daling manghuli ng plagiarist with the help of software, apps at websites na kayang  mag-trace ng duplicate contents online. Kahit pa nga simpleng pag-search sa Google ay possible na maka-spot ng mga duplicate contents and photos. Pero itong copier (hehe) ko ay nahuli ko dahil sa kakakopya n’ya ay pati mga lihim kong links ay kinopya n’ya. Ayan nag-pingback sa akin yung mga internal links. Huli!
  • Google penalizes duplicate contents. Ito ang dahilan ba’t inasikaso ko agad na ipa-take down sa WordPress yung post noon. Baka kasi magaling itong copier na ito at ako pa ang palabasin na nag-duplicate content. Eddie sinaktan n’ya ako emotional, mentally, digitally, at economically (nagbayad ako ng ticket no at pamasahe makapanood lang).
  • You can’t earn money and trust in posting plagiarize/ duplicate contents… Especially in free open-source content management system(CMS). Itong nangopya ng Barcelona Movie Review ko ay sa WordPress.com nagpa-publish. Sa pagkakaalam ko ay kahit ilang kunin n’yang high ranking posts ay mahirap mapagkakitaan iyon. Ito ay dahil una ay hindi naman allowed mag-post ng ads or ad codes gaya ng Google adsense sa WordPress.com or iba pang free sites. Sa experience ko ang puwede ay sa blogger (ex. intheezone.blogpost.com) dahil products din ito ng Google na may hawak din ng Adsense at Youtube. 
One of  my most favorite posts, hehehe

May nai-report na rin ako sa Google, isang website na kinopya ang mga 2-3 paragraphs sa content ko about sa damit na gawa sa recycled materials at inihalo sa ibang texts.

Ang labo noon! Una ay English ang site at nasa Filipino ang content ko. Pagkatapos ay iba-iba ang sinasabi sa mismong article, na kung babasahin ay walang relevance sa bawat 3-5 paragraphs. Feeling ko lang ay pinagkonek lang yung mga laman dahil all about art. 

Kahit bilang mambabasa na lang ay paano ako maniniwala na matino at totoo itong site na ito? #PageAuthority.  Kung naloko n’ya ako sa ilang words, hindi sa sentences at paragraphs kaya aalis ako agad within few seconds. #BounceRate Malamang hindi na rin ako babalik ever sa site n’ya. #Readership.    

Pero hindi ko iyon  pinalampas dahil lang sa isyu ng plagiarism, kundi dahil  mayroon s’yang ads.  Aba ninakawan n’ya na kami (damay ko na yung ibang ninakawan n’ya ng content) ay kikita pa s’ya? Inabala n’ya na masyado ang moral and economic rights namin.

Allow me to defend kahit my moral rights na lang. Yung post ko tungkol sa damit na gawa sa recycled coffee wrappers  ay creation ko mula outfit, hanggang photos, at texts. Hindi iyon 5 hours, one day, o one week. More or less ay one month in the making ‘yon dahil personal project ko iyon from curtain (na nanalo sa isang pa-contest)

to outfit for my niece’s school project  (na nanalo ng second runner up). I think any artists or creators can relate sa himutok ko.

crafting

Ang isa pang interesting case to check tungkol dito ay ang isyu ng “Pangako” song ni Sir Ogie Alcasid. Sobrang relate ako sa sentimiento ni kuya Ogie Da Pogi (close?) doon sa interview n’ya.

Samantala, plagiarist din ang isang tao kung papalabasin nito na kanya ang ideya pero ang totoo ay hinalaw n’ya ito sa iba. Mahirap idepensa ito kung tutuusin, pero ang naiisip kong isyu na maiuugnay rito ay yung mga rip-off sa mga kanta. Interesting cases to check for reference ay yung kay Ed Sheeran vs. Marvin Gaye at isyu ng Pinoy Ako ng Orange and Lemons.

Pinoy Music Festival leaders Mel Villena, Patricia Hizon, Jong Cuenco, Bayang Barrios, Felipe De Leon, Ogie Alcasid, Dingdong Avanzado, Noel Canagon, Bactidol official and an OPM artist.

Common Knowledge versus Plagiarism

Sa partikular na isyu ng pagsasalin ng info, abswelto ka sa plagiarism kung ang content mo ay common knowledge naman at lalo na kung ibinahagi mo sa sarili mong paraan ng panulat. 

Halimbawa  nabalitaan mo pa lang na nanalo si Catriona Gray sa Miss Universe. Puwedeng hindi mo na kailangan i-mention kung sino ang unang nakasagap ng balita (una hindi rin naman ito fake news) o kanino mo nakuha kasi it’s known in the whole world, the universe rather na s’ya ang kinoronahang 2018 Miss Universe.   

Hindi ka rin makakasuhan sa pag-mention ng info mula sa news of the day, official statements, at tsika ng mula sa government.  Kaya kung magka-copy paste ng buo ay safe at dapat ay mula sa known official statement/ press release o interview sa mediacon/presscon proper ng isang public figure. Iyon, walang lalabas na plagiarist doon.

(L-R) Raimund Marasigan, Ebe Dancel, Gabby Alipe, and now National Artist for Music Ryan Cayabyab at media conference for Elements 

Media Conference of Buwan ng Sining

The commendable! Ang isang hinangaan ko sa balitang plagiarism ay ang Business Tycoon na si Manny Pangilinan. Napag-alaman noon na yung speech n’ya sa isang event sa Ateneo de Manila University ay hinalaw o kinuha sa iba. For delicadeza ay hindi lang s’ya nag-public apology, kundi nag-resign din sa puwesto n’ya sa Ateneo.

Of course may penalties for those who violate copyright law and intellectual property rights. Kasama na rito ang 1-6 taong pagkakakulong, at pagbabayad ng Php 50,000 to 1.5 million.

Samantala kung gusto mo na-copyright ang iyong likha, check mo itong post ko about Music Expo.

Mabuhay!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.