7 Saving tips Para sa mga Estudyante   wow updated !


Napag-usapan namin ng ate ko, kasama ng kanyang anak, ang mga saving tips and techniques namin noong estudyante pa kami. Pero bago talaga ito ay ang paksa ay kung saan napunta ang aming first salary dati buhahaha. S’ya kumakain s’ya sa mamahaling restaurant (kasi puro s’ya karinderya noon at helpful naman kasi nasa food industry s’ya) at ako ay ako bumili ng DVD player sa next sahod Raon hehehe. Pero pareho naman kami nagbigay ng entrega kay Nanay.

Ang pagtitipid namin sa baon noon ay dala na rin ang aming estado. Single parent si Nanay at nagkataon ay palaging may 3-4 sa magkakapatid ang sabay-sabay na nagka-college (10 kami).  Masuerte pa nga ako kasi ako na ang bunso kaya noong ako na ang nag-college ay nakaluwag-luwag na rin kami. Ang bragging rights ko ay may ipon ako na Php 7-10K pagka-graduate ko mula sa baon ko lang. (pinang-print ko lang ng resume lahat charrot!). So ito na nga ang akinh 7 Saving or Tipid Tips para sa mga estudyante:

Matutong makisama at makipagkaibigan lalo na sa kapwa matipid (at sa galante rin).  Una ay mahirap makatipid kung ang palagi mong kasama ay magastos. Hindi na n’ya masasaskyan ang laban mo sa buhay, bak ikaw pa ang tuksuhin at hilahin sa pagkagastador n’ya. Ako, I’m very vocal kung gaano ako kakuripot na nilalang kaya siguro nakakahanap rin ako ng mga  kaklaseng kaibigan na matipid din. O kahit man lang marunong umintindi sa laban ko sa buhay.

May mga kaklase ako na lagi kong kahati na bumibili ng foot long, pack ng tinapay o isang litro ng softdrinks, pamasahe sa tricycle, at kahit pa sa baong kanin at ulam. Pagdating naman sa galante, hindi iyan usapan ng pakapalan ng mukha para malibre at tungkol lang sa mahihiram na pera. May galante sa pagpapahiram ng libro, pagsasabay sa hatid (kahit bike), o pagpapatuloy sa dorm/ bahay.  Hello minsan maulan, wala kang dalang payong, naiihi ka eh kaso Php 5-10 per ihi o jebs, at bote ng mineral water Php 12-15 per 350 ml. Realidad ‘yan friend!

CR Door sa 8 Cuts

Bumili ng second hand at mag-recycle ng gamit – para sa mas malalim na usapan , read my “Awesome tipid tips for Students: Halaga ng pag-recycle edition

Mag-ipon ng hiwalay para sa layaw/ hobby/ passion.  Elementary pa lang ay pala-ipon na talaga ako, ang kaso noong high school hanggang college ay nag-level up ang pagiging anime fanatic at cinephile ko. Gustong-gusto ko ang movie experience sa sinehan (moviegoing) at bumili ng posters, texts, magazines at iba pa.

My Questor Magazines – di ko magupit at mabenta. Precious!

Eh hindi kaya ng konsensya ng patay kong kuko sa paa na ihingi pa sa nanay ko palagi ang pambili ng kung anu-ano.  So ang gagawin ko kung halimbawa ay alam  ko ang playdate ng movie ( gaya ng film series na  Harry Potter / film festival) ay magsisimula na akong mag-ipon ng hiwalay para rito. Ang mantra ko ay di bale na ‘wag madagdagan ang ipon ko, huwag lang mabawasan dahil sa layaw. Pero nakakaipon din kasi ako kasi…

Mag-sideline business. Nakabenta na ako ng pastillas, yema, polboron, ube, notebook, ballpen, organizer, ice cream on stick, chocolate, at roses noong estudyante pa lang ako. Oo ateh at koyah, habang nagba-Valentine’s date ang mga classmates ko ako ang nag-aayos ng panregalo nila ahahaha. Kung nalaman ko agad yung sa prepaid loading bussines ay kakagatin ko rin for sure.

Sapin Sapin Tanzan sa Alabama Art Fair

Mag-part time job. Iyong mga ate at koya ko ay naranasan nila ang mag-summer job. Bata pa ako noon e, pero parang part ‘yon ng programa ng gobyerno noon para may ginagawa ang mga estudyante ‘pag bakasyaon.   Kung may negative man effect ang pagpa-part time sa ibang kakilala ko (noon at ngayon) ay minsan mas gusto na lang nilang magtrabaho kaysa mag-aral lalo na kapag okay ang sahod nila.

Ako naman kasi ay mas mulat o may experience sa pagbebenta so I think ang edge between sideline business at part time job sa isang estudyante, ay mas in control s’ya sa oras kung sa una. Sa pangalawa naman ay stable ang income pero sa time at effort depende sa kanino at saan ka pumapasok. Siempre hindi ka lang naman nag-aaral sa school, gagawa ka rin ng homework at projects. Paano kung malalayo ang pagitan ng school, work, at bahay n’yo?

Mag-walkathon with friendsAlam mo ba kung bakit maraming studyante ang payat? Walkathon kasi hobby nila every day. ahehehe! Minsan-minsan noon ay lumakad ng mahaba, pero noong college ay ang teorya ko lagi ay kapag minimum fare pa ang halaga papunta sa isang lugar AYY malamang sa alamang kayang lakarin. Pero ‘wag i-compromise ang kalusugan at kaligtasan.  Kalimutan mo na ang magtipid sa pamasahe kung  dadaan ka naman sa delikadong lugar.

Maghanap ng mura at malinis na kainan.  I will never ever recommend na ‘wag kumain para makatipid. Magsa-suffer ang health at grade mo in the end. May ilan akong classmates na hindi pa man graduate ay  may hyperacidity na (kaka-soft drinks/ iced tea) at ulcer.  So better mag-hunt ka kung saan malinis,mura, at kung maaari ay healthy. Hehehe Kaya favorite term ko ang “Estudyante Combo Meal”  at by the way noong college, kaya ko na hindi kumain ng kanin sa isang araw.

Sa Isawan ni Mang Larry (UP Diliman)


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *