Carry mo ba ang bumili ng bahay o maging home buyer. Ako, I am proud of my friends na nakapag-home buying na, ganun din sa mga OFWs, millenials, at young professionals. Pero para sa iba pang nangangarap na maging home owners, narito ang aking mga tips. Ang mga ito ay base sa research, experience, at pakikipagkwentuhan sa mga owners, buyers, real estate agents, developers, at real estate firms.
Phase 1 sa Pagbili ng bahay: do your own research
- Ang smart home buyer ay very choosy sa place
Ang dahilan kung bakit mahal bumili sa loob ng Metro Manila ay simple, nandito ang traffic komersyo. Mas expensive ang price ng property kung malapit ito sa mga business districts gaya ng Makati, BGC (Taguig), Eastwood (Quezon City), Mandaluyong, at Ortigas (Pasig) mamimili. Sa ngayon, marami na rin ang tumataas ang value gaya ng Commonwealth area, Las Piñas, at Paranaque. Iyan ay dahil sa developments at pagiging accessible nito (like San Juan City). Pero siempre dapat hindi lamang ang mga iyon ang criteria.
Halimbawa sa Commonwealth at Fairview, Quezon City, tumataas ang value ng properties dito dahil sa UP Ayala Technohub, at sa ginagawang MRT line. Maliban sa mga ‘yan, narito rin ang ilang ekswelahan gaya ng University of the Philippines – Diliman, NCBA, New Era University, at Far Eastern University – Diliman. Hindi rin nalalayo rito ang Ateneo de Manila, Miriam College, Fatima University at iba pa. Dagdag pa d’yan ang mga pasyalan gaya ng Quezon City Memorial Circle, La Mesa EcoPark, Ninoy Aquino Parks and Wild Life.
Ang mga blankong lote na rati ay may mga establishments, supermarkets, fast food chain, hospital, at iba pa na ngayon. Pagpasok mo pa nga lang sa Don Antonio/ Holy Spirit Drive puwedeng ‘wag ka na mag-mall kung food trip at grocery lang ang hanap mo. Ganda ‘di ba?
Pero dapat maging mapili rin kung saang area ka bibili. Huwag mong i- generalize ang isang buong lugar ay maganda dahil may mga areas dito na…
- madaling bahain dahil mababa,
- notorious sa krimen,
- at prone sa traffic
dahil welgahin.
- Ang wise home owner ay nagtse-check ng transportation system sa kanyang lugar. Halimbawa, along Commonwealth ang Sandiganbayan, Commission on Audit, at Batasang Pambansa. Kaya kapag SONA ng Pangulo, better ‘wag ka na pumasok/ bumyahe kung aalis ka rin lang 7 am- 4pm. Most likely mata-traffic ka o di halos umaandar ang mga sasakyan.
The top 2 factors why you should buy a house outside Metro Manila ay
- Gusto mo nang tahimik, mapuno, walang polusyon, at parang probinsyang kapaligiran
- Mas mura ang residential properties sa mga lugar gaya ng Montalban Rizal, Laguna, Bulacan, at Cavite. Pero malapit pa ang mga ito sa Metro Metro Manila
Kahit iisipin mong malayo at ma-traffic, kung okay ang transportation system, lalo sa pagko-commute, ay laking ginhawa. Ihahalimbawa ko rito ay ang pagbili ng bahay sa Bulacan, na sa laki ay dapat itatanong mo kung via SM North o SM Fairview ka ba?
May kaibigan at ex officemate ako na uwiang Bocaue – Ortigas, Pasig, araw-araw. Minsan ay nauuna pa s’ya sa akin makauwi. Partida within Metro Manila ang Ortigas at Commonwealth ko. Pero lagi siyang nagmamadaling umuwi kasi may oras ang byahe ng bus line na sinasakyan niya. Imagine, kung ginagabi ka sa office at wala kang sasakyan.
Iba naman ito sa kakilala kong nasa Del Monte Bulacan. Halos 24/7 ang byahe ng bus doon at in fact, nandoon sa mga area na iyon ang mga bus na bumabagtas along EDSA hanggang south dati. Hindi n’ya siguro dinadanas ang dinadanas ko na hirap makasakay.
- A place with reliable phone and internet connection
Nagre-research ka pa o nasa pagpili na ng bahay, dapat bago ka mag-yes ay i-test mo rin ang internet connection. May mga kilala ako na nakatira sa lugar na wala o mahina ang connection, bukod pa sa mahina rin ang signal sa mga telco. Hirap silang kontakin at dayuhin.
Nowadays, internet connection is very important hindi lamang kung work from home or may home based business ka. Ito rin ay mahalaga lalo sa mga nag-uuwi ng office work, may OFW o kapamilya na kausap sa malalayong lugar, may estudyante, at modern lifestyle.
A must! Pagbili ng bahay o condo na may parking space
Ideal ang house and lot with parking space. Kasi kung oobserbahan mo ang residential streets sa Metro Manila, ang mga sasakyan ay nasa kalye na. Paano nangyari ito? Kasi nung nagmura ang pagbili ng sasakyan, maraming car buyers ang may bahay na walang garahian. So saan sila automatic maggagarahe? Risky iyon sa sasakyan, not to mention problem sa traffic at pedestrians.
If ever na wala ka pang sasakyan, puwede mong iparenta ang iyong parking space muna, paglagyan ng food cart business, o gawin mini garden. Pero I think if you buy a house outside Metro Manila, mas possible na mapabili ka ng sasakyan.
Second Phase of home buying: research superb real estate development
Home buying is scouting the best real estate developer
Dapat inuna ko itong item na ito, ‘di ba? Ang kaso tendency lang kung uunahin ang pag-scout ng developer o pagkausap ng real estate agent ay makokondisyon ka sa spiel or ads ng real estate company. Doon magsisimula at baka matatapos na rin ang home buying journey mo. Nasa sa iyo kung nagmamadali ka o sure ka. Sila ba ang masusunod o ikaw? Isa pa ay may mga pagkakataon na puwede kang makabili ng bahay directly mula sa previous owner.
Ready for occupancy o pre-selling pa ?
iba kung bago ka kumausap ng real estate agent/ broker ay alam mo na kung ano at saan mo preferred. Mas okay ka rin ka-transaction dahil mas iga-guide ka ng real estate agent pagpili properties based sa trip mo. Iyon lang naman din talaga ang main work nila.
Ang good news ay marami na ngayon websites/ real estate marketplace na makapagbibigay sa iyo ng insight, research, at detalye ng mga real estate firm sa isang lugar.
Ang mga importanteng hanapin about sa real estate company ay
- project nila
- feedback ng mga past and exist clients nila.
Kasi halimbawa ay sablay pala ang pagkakagawa ng mga units nila. Eh aanhin mo ang magandang itsura at accessible na subdivision, kung bahay mismo ay gawa sa substandard materials. Baka sa loob pa lang ng bahay ay may literal na unos, baha, at problema. Malalaman mo ang ganung bagay mismo sa mga clients nila, at sa hindi sa ads.
- Magtaka ka na rin kung if ever wala silang online presence. Meaning they don’t have updated website, updated social media post (especially LinkedIn), at maayos na contact information. Bakit? Baka walang good reviews or wala talagang housing project?
i-Check ang reputation ni real agent
Kung okay ka na sa mga feedback at tips sa mga clients ng real estate ay mag-scout ka na ng legit nilang real estate agent. Doon mo na rin simulang mag-tripping at makinig sa kanilang presentation. Siempre better kung active at magandang presentation sa kanyang social media ito. Kung mareklamo o ma-rant sa mga post, iwasan mo, hehehe. Somewhere out there baka unprofessional yan or mahirap pakitunguhan.
Sa ibang banda, be realistic din na ang abalang agent ay hindi makakapag-online parati. Ang importante ay mapatunayang legit, maalam sa iyong hinahanap, at may paki sa iyong journey hanggang sa moment possibly na makuha mo na iyong bahay at titulo.
- Everything should be documented.
These days na maraming scammers, ‘wag kang mahiya na maging makulit sa paghingi ng kontrata, document o resibo. Kung puwede ay bawat transaction ay kaya mong idokumento kasi bahay at pera ang pinag-uusapan.
Dagdag na rin dito ay para hindi ka nawawala sa progress ng iyong pagbili ng bahay. Alam mo kung ano yung payment scheme, rules, kailan matatapos, etc. paalalahanan ka man o hindi ni agent. As much as possible, do your part din at huwag mong iasa lahat ng documentation sa kanya?