Sari-Sari Store Business: 7 Paraan para Makaakit ng Customers


Sa isang post ko about Sari-Sari Store business ay may nagtanong kung anong strategy para makaakit ng customers. Ganoon din kung paano mapanatiling loyal sila at hindi lumipat sa iyong mga kakumpetensya. Ang problemang ito ay problema rin ng maraming sari-sari store owners. Understandable, dahil sa sobrang dami at magkakadikit na ang mga tindahan sa iisang lugar kaya uso rin ang gayahan at agawan ng customers.   

Narito po ang aking ilang suggestions base sa experience, nabasa, napag-aralan, at ipinayo rin sa akin:

Paano makaakit ng customers sa iyong sari-sari store?

  • Magkaroon ng kakaiba at buhay na buhay na storefront. Hindi lahat ay nabibiyayaan ng pisikal na tindahan o brick and mortar store. Kapag mayroon ka nito take it as an opportunity na maging spot para makaakit ng customers (a.k.a. advertising/ marketing) agad. Kaya maging masipag sa pagdi-display, mapili sa disenyo, pag-oorganisa ng mga paninda, at paglilinis ng buong store. Ganoon din naman ang ginagawa sa mga supermarket at convenience store, ‘di ba?
paano makaakit ng customers sa sari-sari store? By Hitokirihoshi

Kung ako ang mamimili ay iniiwasan ko ang tindahan na nakaka-intimidate pagtanungan o pasukin, parang walang tao, madumi, at mukhang expired ang mga paninda. Iniiwasan ko rin iyong may inuman o masyadong magulo ang umpukan. Kinakatamaran kong pagbilhan iyong tindahan na aakyatin pa o mahirap tawirin dahil makikipatintero ka pa sa mga tricycle. Pero aminado ako na naeengganyo akong tumambay sa may upuan na tindahan.

Samantala, mayroon din daw dating iyong kulay ng tindahan at maaliwalas (well-lit and ventilation). Sa ilang nabasa kong Feng Shui tips ay pampa-suwerte raw ang mga ito, bukod sa visually enticing at nakakagaan ng loob. Pansinin mo yung kulay ng mga convenient stores – naglalaro sa red, green, and light blue. Tapos mayroon din na gold/ yellow at orange.  

  • Mag-iwan ng markadong pangalan, logo, o imahe ng tindahan. Kung itse-tsek mo ay napakaraming nagpu-food business, marami ang nadadatingan, pero iilan ang nagtatagal at nagiging established na. Kapag nakakita ka ng yellow M at clowns ay ano ang naiisip mo? Ano rin naalala mo sa orange na bubuyog?

Ang tawag doon ay branding, tatak o marka na gusto mong maalala ng tao. Tipong kahit ihilera ang iba’t ibang produkto at magkakamukha sa isang mesa, ang tiyak na papansinin pa rin ay ang kilala mong tatak. Ito rin ang dahilan kaya napakahalaga ng intellectual property rights gaya ng copyright, trademark, at patent para sa mga negosyo. Poprotektahan nito ang kanilang ideya, produkto, at sistema sa pagnegosyo. Bukod sa taktika din ang mga ito para makaakit ng customers at mag-iwan ng recall sa kanilang mga suki.

Sa ibang banda, kung wala kang logo o label ay okay lang (although ideal). Ang mahalaga talaga ay may something na naaala sa iyo, lalo na sa kalidad ng iyong serbisyo at produkto. Tipong ikaw “Iyong kumpleto ang paninda. ” “Iyong may tindero na naka-red palagi at palabati.” So, try to come up with particular name o slogan na malakas ang recall.

Halimbawa sa paraan pagpapangalan ng tindahan na may punch. Kung ang name mo ay Deng, asawa mo si Dung at anak n’yo sina Danilo, Diego, at Dorothy. Ang puwedeng name ng inyong tindahan ay DaDeDiDoDu’s Sari-Sari Store o kaya DengDung’s Sari Sari Store. Tapos puwede mo laruin iyo logo o signage n’yo para magmarka.

Patalastas

Kumpetisyon sa Sari-Sari Store: Paano mapapanatiling suki si mamimili?

  • Walang tatalo sa panalong customer service. Kapag panalo at patok ang customer service mo ay dito magsisimula ang word-of-mouth marketing, at customer loyalty/ customer retention.

Magkakaibang laban ang makahatak, makaengganyo, o makaakit ng customers. Iba rin ang customer loyalty o sa ating mga Pinoy ay pagiging suki. Madugo ito at pinaghihirapan, lalo na roon sa mga baguhan at walang paki sa customers.

Personally, mas bibili ako sa tindahan na maayos at magiliw ang tindero, kaysa doon sa bongga ang laki pero kairita ang mga nagbabantay. Masarap din na magreto sa tindahan na okay ang service at alam mong nandoon yung hinahanap ng customer.

Naalala ko rito iyong small store ng school supplies na binibilhan ko noong elementary student pa lang ako. Doon ko nirereto yung mga estudyante (kasama na ang pamangkin ko) na naghahanap ng kahit anong school materials sa akin. Tumatak na kasi sa isipan ko na kumpleto roon, malapit, at naghahanap talaga si Manong sa mga paninda n’ya. Hindi s’ya tamad at masungit.

what is paper  puncher? Ang may Punch na Sari-Sari Store experience
Ang may Punch na Sari-Sari Store experience

My Own Paper Puncher Business lesson: May printer ako noon na puwedeng mag-photocopy, kaya sinubukan ko pagkakitaan. Kaya lang after maubusan ng ink ay ‘di ko na nagamit dahil ang hirap hanapan ng cartridge (kaya kung bibili ka ng printer, dito ka na lang sa Pinas bumili). Mga buwan na ang nakakaraan nang itigil ko iyon, pero may nagtatanong pa rin tungkol sa photocopy. Well, okay lang iyon kasi bibihira iyong photocopy machines sa amin. Ang nagkakapagtaka ay bakit automatic alam nila na may fasteners, folders, at iba pang office/school supplies kami.

Iyon pala marami sa kanila ay nireto ng mga dati kong naging customers (mostly guwardya). Kapag nagpa-photocopy sila ay napapabili rin sila ng folder at fastener. Inaalok ko sila na ako na ang magpa-fastener ng mga papers sa folders nila. May paper punch (hole puncher) kasi ako, at sanay ako sa ganoon (because of my school projects before). Dahil doon ay mas mabilis pang maubos ang folders at fasteners sa tindahan namin kaysa mga ordinaryong papel.

  • Pa-promo ka naman d’yan. Klasik na ito pero effective pa rin ang naghuhimiyaw na mga karatulang SALE, at PROMO. Sa advertising may tinatawag na “violator” sign na agaw pansin kahit kanino at iyon ang nakikita natin na pinaglalagyan ng kahit anong promo.

My own business lesson: Ang Pa-raffle ni Aling Azon. Bago pa dumating ang anumang malalaking supermarkets sa amin ay nakakatikim na kami ng pa-raffle sa sari-sari store ni Manang Azon. Pagpatak ng September ay may ibibigay sa amin na raffle ticket sa tuwing aabot sa Php100 o Php 200 worth iyong binibili naming items.  

Madaling makarami ng raffle ticket sa Christmas promo n’ya kasi sa kanya kami bumibili ng mantika (takal o bote), itlog,  bigas, at iba pa. Kumpleto nga ata s’ya ng paninda, pero ang pinakapaborito at memorable sa akin sa sari-sari sore n’ya ay ang de-takal/ kutsara na peanut butter o coco jam. Mayroon din siyang per hiwa ng cheese at dairy cream butter.  Nauna pa nga siya sa mismong gumagawa ng company sa pagtitingi).  For years ay naging Christmas party na naming magkakapit-bahay yung pa-raffle niya. May nakakakuha ng isang sakong bigas, delata, noodles, at simpleng appliances. Tapos ang gamit n’ya lang na sound system ay karaoke at mic.   Unfortunately noong manghina na si Manang Azon ay nanghina na rin yung store hanggang sa tuluyang nagsara. Ang dahilan ay may kinalaman sa item #1. Not so good ang customer service ng kanyang mga apo.

sketch of 7-year old nephew Xion
  • Bigyan ng discount sina special customers. Halos walang pinagkaiba ang sale at price promo sa pagbibigay ng discount.  Subalit ang naunang  dalawa ay maiging gawin paminsan-minsan lamang or else baka malugi ka na.  Iyong discount na sinasabi ko ay palagi para sa special customers. Paanong special?

a) Bibili ng marami. Natutuhan ko mula sa isang restaurant businessman sa Marikina at ecommerce/ group buying site na maiging magbenta ka ng mura basta madami ang bibilhin. Bultuhan o wholesale price ika nga.  Ito rin ang isa sa taktika ko sa pagpi-presyo at paglalagay ng tubo. Gusto ng customers na makakamura sila palagi at binibigyan mo ng importansya (malalim man o hindi).  Dito magandang sundan alinman sa mga sumusunod:

  • Worth. Ex. Buy Php 500 worth, and get 10% off
    • a number of orders:  100-150 items (assorted)
    • Buy 2, get 1

b) Palaging umorder.  Kapag ang customer ay, FOR SURE, palaging bumibili sa iyo ay puwede na ‘yang bigyan special discount. Ang dalawang halimbawa rito iyong ginawa ka ng mala-personal shopper (I do this sa mga oldies) o supplier dahil sa iyo bumibili ng paninda niya rin (reseller).

c) Couponing. Hindi ito masyadong uso sa mga Pinoy pero ang couponing ay epektibo rin para sa masisipag at matitipid na gaya ko. Madalas na may ganito iyong coffee shops, botika, at supermarket.

Business idea ng value meal, bundle, at package. Halos walang discount at effort lang puhunan sa pagpapakete (literal o hindi) ng mga items, na kapag binili ng sama-sama ay (mukhang) makakamura si customer. The best example for this ay yung mga nao-order nating value meal sa food chains. Do you think nakakamura ka sa burger/spaghetti/ chicken & rice with soda and fries?  Depende iyan actually lalo na kung gutom ka na o trip mo lang kainan ay isang item sa combo meal na iyon. Pero ‘di ba mukhang makakamura ka kapag buong combo meal binili mo. Ako kung ayaw ko ng inumin at fries ay ipapasalubong ko na lang.

Sa business, in-adapt ko iyong cup noodles with biscuit combo, effective sa mga tanghali magising at nagmamadali. Puwede rin naman yung chichirya + soda with candy.

  • Komonek sa pamamagitan ng mobile marketing. Sa Item #3 ng post kong Pitong Mahahalagang Gabay sa Sari-Sari Store Business ay nabanggit ko ang tungkol sa *mobile marketing.  Ang paggamit ng taktika na ito ay hindi lamang makabago at makapangyarihan, ito ay normal nang bahagi ng pagnenegosyo ngayon.

Gaya ng ipinayo ko kay Sir Emmanuel (visitor/commenter na nagtanong) ay mainam na magkaroon ng dedicated mobile phone/ number para sa iyong business transaction. Hindi ito expense kung ang mobile phone na gagamitin ay pang-loading mo rin at kung makakapag-akyat ng pera sa tindahan.

Ang number na iyan ay puwedeng gamitin ng iyong customer para makapag-order, makapagpa-reserve, magpa-deliver (if applicable), at makapagbigay ng feedback/ suggestion. Bukod pa sa mga posibilidad na ito, magkakaroon ka rin ng direktang contact sa iyong customers para ma-survey, makamusta, at ma- follow-up, at mapanatili sila sa iyong radar. Just be careful lang na ‘wag abusuhin ang kanilang privacy.

By the way, free lang ang mag-post sa Facebook at puwede ka rin makapag-transact using messenger.

Kung kaya mong magpa-event o gimik, go! Iyong binanggit ko na sa itaas na pa-raffle ni Aling Azon ay isang halimbawa rin ng event/ gimik.  May iba naman na business (not sari-sari store) ay may libreng workshops, talk, o kaya mini concert para makaengganyo ng customers. Kung susumahin ang mga ito, inaaliw din nila ang kanilang customers ( o shoppertainment)  habang binebentahan. Puwede rin itong gayahin sa mas simple at murang paraan. Paano?

Ideya sa Business gimik: Sa aking experience sa mga sari-sari store ay okay iyong chess tournament, at simpleng palabunutan/ small roleta na ‘pag sinuwerte ay may candy, chichirya, o softdrinks.

Ikaw mayroon ka bang suggestion o tips para makaakit ng customers, share it in the comment section below!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.