5 Tips sa Mabisang Pag-aaral at Pagre-review ng Aralin


Ang pag-aaral at pagre-review ay isa pa rin  sa ginagawa ko magpahanggang sa ngayon na nagtatrabaho na ako. Alam mo ba kung ano ang nadiskubre ko? Mas enjoy pala mag-aral kung hindi mo iisipin na mayroon ang iba pang bagay (focus), kung maglalaan ka ng oras  para  gawin ito ( time management) at kung alam mo na kung sa anong paraan ka epektibong matututo ng iyong pinag-aaralan. Narito ang 5 paraan na natutuhan o nagagamit ko:

Music and Study.  Madalas ay nagpapatugtog tayo ng background music habang  may ibang ginagawa. Sa pag-aaral at pagre-review, nakakatulong din ang pagpapatugtog ng musika kung ito ay may saktong tunog at lakas na hindi nakaka-distract. It helps in studying because playing music sets mood. It helps you to be “in the zone” or sa phase na makakapag-focus ka. Hindi mo na halos kailangan lumipat sa lugar na tahimik  o walang tao. Basa magpatugtog ka lang at dadalhin ka na nito sa “zone.” Ginagawa ko ito kapag nagbabasa/nag-aaral ako sa bus, food court o matataong lugar.

Ang music din magagamit sa pagkabisa. Sige subukan mo ang banggitin ang alphabet. Hindi ba’t halos pakanta o may tono mo itong mabibigkas? Anong alam mong mga gulay? Malamang ‘yong nasa lyrics ng Bahay Kubo. Ganito ka-epektibong matutuhan ang mga lessons, lalo na para sa mga bata. Ganun din sa iba pang lessons at bagay na kung kakayaning kantahin o saliwan ng musika ( kahit pa may pagka-corny o weird). Natatandaan mo kasi yung bagay base sa pagkakabigkas, sounds like, tono, ritmo at iba pa. Epektibo sa akin ito ‘pag ang tinatandaan ko ay may kinalaman sa serye ng numero gaya ng bank account, reference or subscription number, o contact number. Natatandaan ko kapag ang number ay nai-dial ko sa telepono at least two times. Base sa tone ay napi-pick up ko na. May isa ngang account na a year ago ko pa huling nai-transact, naalala ko base sa rhyme ng pagkakabigkas ng mga numbers.

Write important notes and outline what you understand.  Ang literal na pagsulat sa papel ang effective style ng pag-aaral at pagre-review sa akin.  Tama ‘yong college dean namin, na sa pagsusulat ay gumagana ang mas maraming senses kaysa pagbabasa lang kaya mas natatandaan at natutuhan ko. Okay din naman ang pagha-highlight ng mga importanteng notes o terms sa libro, pero I’ll just tend to memorize those particular terms or phrases. Hindi ko ganun kalalim na napag-aralan o napag-isapan (critical thinking) kung hindi ko sinusulat.

Actually mula pa junior high ang paraan ko ng pag-aaral at pag-review ay pagsulat ng outline ng mga natutuhan ko. Ito rin ginagawa ko kapag ako may class report at paggawa ng review paper. Paano?

  • Kumuha ng intermediate paper, yellow pad, bond paper o scratch paper at panulat
  • Basahin at intindihin ang mga lessons, magagawa iyon
  • habang nagbabasa ng mga lessons ay ina-outline ko with bullet points and enumeration ang mga important notes ko. Hindi ko na nilalagyan ng explanation kung confident ako na alam ko na. Pero as much as possible siempre mayroon, at lalo doon sa medyo mahirap tandaan. Ang sense ng outline ay nakikita ko ang koneksyon, serye, at maliliit na topic sa ilalim ng malaking lesson. Di ba ganyan din naman sa pag-aaral ng kasaysayan balarila o grammar, at kahit pa saligang batas.
  • Tapos dinadala ko iyon kahit saan (siempre mas magaan sa libro e). Puwede habang nakapila, nakaupo sa trono sa CR, at habang may hinihintay. Malabo ring pag-iinteresan para gawing kodigo mo o ng iba, lalo na ‘pag gaya kita na distinct na parang kinahig ng manok ang handwriting.
spaced learning technique sa pag-aaral at pagre-review

Spaced practice. Guilty naman ako sa pagka-cramming. Pero ginarantiya ko na may kapanatagan kung alam mong mas nabigyan mo ng oras ang iyong pag-aaral at pagre-review. Mas panatag ka ring makakapasa, kaysa suwerte ka kung makakapasa ka.

Advertisements

Para sa akin ang karaniwang dahilan ng cramming ay procrastination. Para malabanan ang procrastination ay kailangan may gawin kang study technique at isang suggestion dito ay ang spaced practice. Ang spaced pratactice, studying or learning ay pagtatalaga ng sapat na oras sa isang lesson/ aralin gaya halimbawa 30 minutes to 2 hours per day.  Pagkatapos ay lilipat ka na sa pagre-review ng iba pang subject. Ito ay para hindi ka mabagot at ma-absorb mo talaga ang iyong pinag-aaralan.

Halimbawa sa Hoshilandia ay nagba-blog ako ng iba’t ibang topics gaya ng personal finance, business, travel, culture,  film review, crafting, at career. Kung ang target ko ay makapag-blog ng 10 articles per month,  ang puwde kong gawin ay…

a. petiks muna ako ng isa o dalawang linggo saka ko sulatin

b. tapusin ko agad lahat para maaga ako makapagpasa

c. o mag-spaced practice blogging ako

Ideal siempre ang letter “b” o magsulat agad para makapag-publish agad ng content.  Pero unrealistic somehow iyon dahil may iba akong ginagawa sa buhay at kung aim ko ay quality posts.  Siempre, hindi lang naman write at publish ang pagba-blog.  Magre-research, kukuha ka ng picture, mag-e-edit, proofread, io-optimize para searchable online, at isi-share sa ibat -ibang social media sites. Sa pagsusulat pa lang ay may phase na wala kang maisulat o nahihirapan kang magsulat. Kaya sa pagbablog o pag-aaral at pagre-review man, para hindi matorete, maumay, o mataranta ay mag-spaced practice/learning/blogging na lang ako.

sketch g pamangkin ko papuntang school nila

Mag-Sketching o mag-flow chart. Ito ang way ko  ng mabilisag note taking o mabisang sariling brainstorming style/ planning.  Kung pamilyar ka sa itsura ng Ikagai at flow chart o organizational chart ay ganitong-ganito ‘yon. Automatic ko itong ginagawa kapag kumukuha ako ng instruction or direction na mabilisan o no need ng masyadong detalye. Ilan sa halimbawa ng pinaggagamitan ko nito ay 

  • kung paano mag-commute patungo sa lugar na liblib, alternatibong ruta, at sa  lugar na hindi ako pamilyar.
  • kung paano gawin sa computer yong kakumplikadong bagay- i.e. Paano mag-layout sa InDesign at video editing
  • kung may series na gagawin or requirements. Halimbawa paano maglakad ng business permit
  • kung pinag-iisipan ko kung paano ko palalawakin ang isang paksa o ideya

Check mo kung saan ka effective na matuto. Nakakaranig ka na ba ng mga katagang “ma-visual akong tao?” Iyong taong sa halip na pagbabasa ng text ay mas gustong makakuha ng information sa pamamagitan ng picture o video kaysa pagbabasa ng texts sa libro. May mga tao rin na  magaling sa Math, pero walang interes sa ibang asignatura. Mayroon din na ang bilis matututong gamitin ang mga makabagong gadgets. Ang mga ito ay  maaaring may kinalaman sa literacy ng tao.

game literate ka ba?

Ayon sa UNESCO, ang sa literacy ay kasanayan, aplikasyon, at kakayahan na maunawaan, makalikha at matukoy ang bagay na kanyang natutuhan. Nang sa gayon ay mapagyayaman ang kanyang kaalaman at sarili para magawa o makamit n’ya ang kanyang pangangailangan. Ibig sabihin, ang literacy ay hindi simpleng kakayahan na makabasa at makasulat. Ang iyong literacy ay basehan din kung ano ang yong kalakasan o pangangailangan pagdating sa pagkatuto o learning, pag-aaral at pagre-review. Nakapaloob dito hindi lamang kung ano ang nasagap mo sa loob ng classroom, kundi maging ang kultura sa iyong lipunan, kaugalian sa iyong tahanan, at iyong interes. Katunayan ay may iba-ibang klase  ng literacy ( emergent, cultural, functional, digital, at critical literacy). At maaaring magkaroon ka ng higit pa sa isa sa mga ito. Halimbawa sa digital literacy (o ICT literacy) ay puwedeng na-develop mo na rin ang media literacy, art literacy, at games literacy. Sa Critical Literacy ay maaaring pasok din ang media literacy at financial literacy.

pag-aaral at pagre-review gamit ang computer

Sa pagtukoy kung ano ang iyong literacy ay malalaman mo rin ang medium na makakatulong sa iyong pag-aaral at pagre-review. Puwedeng through video tutorial sa Youtube (recommended ko si NumberBender sa Math at Team Lyqa sa English Grammar), audiobook, infographics, powerpoint or experience (visit museum, art gallery, playing sports). Bagaman mahalaga pa rin ang pagbabasa ng libro (it’s irreplaceable), makakatulong kung alam mo saan ka pa effective na matututo depende sa klase ng iyong literacy.

Ang mga ito ay ilang  paraan pa lamang ng pag-aaral at pagre-review o studying techniques, na kapag swak sa iyo ay mas mapapadali sa iyo na matututo at masiyahan sa pag-aaral. May alam ka pa bang ibang technique? Share mo naman sa comment section.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Old Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.