Maging matagumpay sa buhay o to achieve success in life. Marami ang may gusto ng nito, pero bakit nga ba iilan lang ang nakaka-achieve? Puwedeng may pakukulang, may mga balakid, unaware, o worst, ay di na naniniwalang magiging successful. Ikaw ano ang dahilan bakit hindi ka umaasenso? Ano-anong balakid ang napapansin mo? Base sa mga nabasa, na-research, na- interview, at personal experience ay narito ang ilang awakening advice na nakuha ko na sana ay makakatulong sa iyo:
Bakit hindi ka successful o matagumpay sa buhay?
Bago tayo mag-proceed sa steps kung paano maging matagumpay sa buhay, here are some of the elements ( in no particular order) that perhaps stopping you to be successful o matagumpay sa buhay:
nega?
Nagkimkim ka ng negative emotions. Ang mga negative emotions gaya ng doubt, takot, despair, inggit, shame, selos, frustrations, guilt o lungkot ay makakaapekto sa pagiging positive thinker at successful mo. Sa umpisa ay parang di kapansin-pansin ang epekto nito. PERO nakapakalaki sa iba’t ibang aspeto ng buhay. May negative bang mag-isip na naging successful, higit sa lahat masaya? Possible pa nga na ang negative emotions ang nagtutulak sa tao para maging tamad, complacent (basta magawa), mediocre (puwede na), stress, o anxiety (balisa). May ilang pag-aaral din na nag-uugnay na stress ay dahil sa negatibong pag-uugali/ emosyon. At maraming sakit ang nag-uugat sa stress. Sa nabasa ko sa libro ni Pastor-Author Ed Lapiz ay pagkakaroon ng mga negatibong emosyon ay ang Magnanakaw! Magnanakaw: Thieves that Rob Us Happiness ay mga negative emotions/ behaviors.
Tigilan na ang paninisi sa iba, responsibilidad mo ang iyong pag-asenso (Stop blaming others, you ‘re accountable for your success)
- Marami akong kakilala na sinisisi ang kanilang magulang (o sino mang kamag-anak) sa kanilang paghihirap. Hindi natin mini-menos ang kanilang napagdaanan, pero hanggang paninisi na lang ba talaga hanggang pagtanda? Kung ang magulang ng isang tao ay di talaga kayang magpaaral o may pagkukulang? It is understandable pa siguro na one to three years ay ang hirap mag-move on. Pero kung dekada na at paninisi pa rin ang ugat kanyang kawalan ng asenso at kalungkutan, implikasyon na ‘yon ng mga aksyon at desisyon ng isang tao para sa buhay n’ya. Anong ginawa n’ya sa mga panahon nabigyan s’ya ng mga oportunidad (tulong, suwerte o nagkataon man)? I know someone na sinisisi ang magulang kung bakit di sya nakapagtapos o tinapos ang kanyang pag-aaral. Nakikita n’ya ang kamalasan nya at suwerte ng iba (= victim mentality) pero it’s obvious na ang problema n’ya ngayon ay hindi na tungkol sa magulang n’ya. Hindi s’ya happy and successful sa buhay kasi pinipili n’yang magbisyo, magpagkatamad, magself-pity, at yes, magpa-victim mentality.
Alam natin na malaking bagay ang support ng magulang. And twice or thrice harder ang effort kung wala kang strong support system. Pero mapipili ba natin ang ating magulang? At may mga magulang na genuinely ginagawa nila makakaya at alam nilang tama (kahit mukhang hindi) para sa kanilang mga anak. Suwerte na talaga na magkamagulang na may-kaya at supportive. So nasa desisyon at diskarte na talaga ng isang ordinaryong adult kung paano aangat ang kanyang buhay. Kung talagang panghahawakan n’ya ang pangarap n’ya o gagawa sya ng paraan para mabago ang kanyang kalagayan. Sino man at ano man ang nagawa ng kanyang magulang.
If you’re born poor, it’s not your fault. But if you die poor, it’s your fault.
Bill Gates
- Isa pang common at nangungunang paninisi kung bakit hindi umaasenso ay ang office politics or favoritism ng amo. Ito raw bakit ‘di tumataas ang sahod at napo-promote. May mga exceptions sa punto ko, pero kung ang empleyado ay nasa kumpanya pa rin one year and above at ‘yan pa rin ang isyu. For me, tinatanggap n’ya ang halagang ibinibigay sa kanya ng kanyang amo. May kakilala akong nagwork sa company ng may four to five years at sa loob ng taon na ‘yon ang baba talaga ng sahod n’ya at delay ang bayad sa mga mandatory benefits n’ya. Siempre magagalit tayo sa company, pero kung aanalisahin din bakit n’ya hinayaan? Graduate ang taong ito sa isang reputable school at alam nyang ang talented s’ya at kulang ang kita nya para sa kanyang pamilya.
Napapalibutan ka ng negative people. Isa itong indirect obstacles sa pagkamit ng success. Sa araw-araw kasi na may taong negative sa paligid mo ay hindi mo namamalayan ay nagiging nega ka na rin. Puwedeng magsimulang bumaba ang self-esteem mo, isipin mong malayong matupad ang pangarap mo o ang ambisyoso mo naman. Ang tricky pa rito ay hindi lahat ng nega people ay madaling ma-identify kaya hindi mo rin alam kung paano i-handle. Result? Day by day ay nade-delay o nade-deter ang iyong success. Kaya kung puwede mo itong i-let go, go!
For more info about negative people you should avoid or handle, read my post Live Brighter: Let Go Energy Vampires
Isa pa’y hindi masama ang mangarap o mag-effort pa kasi kahit daw di ka biniyayaan ng talino o yaman ay may pagtatagumpayan ka sa buhay.
Ito rin ang point ni Andreas Schleicher, director for education and skills ng Organization for Economic Cooperation (OECD), sa kanilang Pisa (Program for International Student Assessment). Ayon daw sa kanilang panayam sa mga Pinoy students ( na bahagi ng kanilang PISA), karamihan sa kanila ay nananiniwala na ang success sa edukasyon ( let’s say sa success sa buhay na rin) ay base sa talinong namana o natural. 🙁
you or them?
Just faking success. To clarify, being great because you are doing great works is far different from feeling great due to extravagance or power. It should not be something delusional to the extent of megalomania. Remember also that popularity and fortune don’t make people great, it’s making a difference.
Para sa akin ang madalas na mayroon nito ay taong gusto lang mag-angas o magmayabang. On the other hand, mayroon din naman pag-aaral na magagamit ang “fake it till you make it.” Subalit dapat careful ka rin daw kung kailan dapat gamitin at klaro sa iyo kung sino at nasaang estado ka.
Trapping yourself in a competition. Malamang marami ka ng nabasa o napakinggan tungkol pagiging “competitive.” Alam mo sa mahabang panahon ay napapaisip ako kung plastik ba ako kung sasabihin kong deserved ng tumalo sa akin ang manalo? Pero totoo na kaya kong maging masaya para sa iba. Siempre malulungkot ‘pag natatalo, pero kapag gusto manalo ay hindi ibig sabihin gusto mo lang ungusan ang isang tao.
Nung nabasa ko yung tungkol sa competition trap, na-realize ko I am actually doing good. It’s just that malabo sa akin ang konsepto ng competition, competitive, at competent. You can be competitive or competent in a competition. At okay lang maging competitive lalo na kung competent ka naman. Pero kung lagi kang nakikipagkompetensya para masabi lang na angat ka ( lalo na sa partikular na tao), eddie good luck. Tina-trap mo ang sarili mo sa pag-asam ng success na hindi satisfying, kundi nakaka-frustrate.
By the way, sa bible ay may verse na “run in such a way as to get the prize” ( 1 Corinthians 9:24).
You don’t “protect your priorities.” Simple phrase lang ang “Protect your priorities” pero may punch, lalo na kung para sa pagkamit ng matagumpay na buhay. Ayon kay Jim Ferris, people tend to give way to other’s priorities kahit sa simpleng pagsagot sa phone o message sa socmed. Puwede rin sapamamagitan ng pagpayag sa bagay na puwede o dapat hindian. Result? Bye sa time at energy para sa sarili mong priority. Not prioritizing your priorities ay makakaapekto sa iyong productivity, time management, life balance, love at success.
luck or lack?
Fine to be just good enough. Nung nabasa ko yung good is the enemy of the great sa isang article ay napa- “wow” ako. I am guilty sa ganitong mindset. Iyong okay na mayroon kaysa wala. Kung above okay ay thankful na. Pero oo nga ang “good enough” ay ‘di rin okay kapag nagtagal. Di rin ito sapat para umunlad o magtagumpay ka. Gaya sa pera ‘di ba, akala mo okay na ang one million pero ‘yang one million na ‘yan five to ten years from now wala na. Kasi bumaba na ang halaga ng piso o tumaas na ang bilihin sa merkado (inflation).
You don’t decide for your success. Ayon kay Dr. John C. Maxwell, a bestselling author and leadership expert, ang pag-abot ng pangarap gaya ng success ay bagay na pinipili at pinagdedesisyunan. Hindi ito hinihintay o ipinagkakaloob basta. Dapat nandoon yung grit, commitment at sakripisyo kung kinakailangan. Anya sa malalaking bagay gaya ng personal at karera ay dapat tandaan na “you may not get all you want, but you can get what you choose.”
You work harder not smarter. In a day you have at least 16-18 hours to divide for the many things you need to do. The big part of this hours would be devoted to your work. If you messed up with your time due to procrastination or overwork, you would end up having little energy for others things. You may realize soon that you don’t have time for your family and friends. Or you are left with little “me time,” which you need to revitalize your energy. Therefore, it’s not surprising if you don’t have time to think and working for your success. You just simply exhausted.
Wrong or vague definition of success. Ayon sa mga life coaches and psychologists na dapat ay maigi din raw na klaro sa tao ang ibig sabihin ng kanyang tagumpay. Kasi kung doon pa lang ay sablay, malabo, o gaya-gaya lang s’ya ay di nga malabong mahirapan s’yang maging matagumpay. Katunayan, may pagkakataon na kahit successful na s’ya ay di pa n’ya naa-appreciate. Sad!
It makes sense sa mga napu-frustrate at nalo-lost sa kanilang success. Frustrated dahil trying hard to fulfill yung success na ideya ng ibang tao o kung ano maganda sa nakakarami. At nakaka-confuse din iyong thought na you exactly pattern your success or your steps toward success sa taong iniidolo mo.
Ang mga ito ay mga common na sinasabi sa mga nababasa kong research at naikukuwento sa aking istorya. Surely, marami pang iba na puwedeng mas malalim o mababaw na hindi na lang napapansin.
Success! This is my anniversary Hoshilandia.com post! 🙂 Being a blogger or content creator is a blessing. And I’m doing my best to improve my site, my skills and my self to offer you “great” contents. Mabuhay!