Reflection: Ano ang life mission mo?


Ngayong Holy Week (sa panahon ng enhanced community quarantine) ay apat na bagay ang pinagkaabalahan ko, Visita Iglesia online, i-browse ang aking old notebooks/planner (2019) para sa paninilay, pakinggan ang Pitong Huling Salita, at maki-misa (Veneration of the Cross). Sa lahat ng ito ay dalawang paksa ang naisip ko, ang “life mission,” at “crucifix.” At sa mga paksang ito ay naalala ko ang isa sa highlight ng first quarter ng 2020 ko, ang 1-week workshop ko sa Baguio tungkol sa bible.

You may check my Visita Iglesia posts here

Ideya ng Accomplished Life Mission    

Ang halos naabutan ko sa pagninilay ng Pitong Huling Salita ni Rev. Fr. Carmelo “Tito” Caluag ay 5th to 7th last words na.  Sa mga gaya ko na nais balikan iyon, ito po ang video:

Ang tumatak sa aking mga kataga ay nasa The Six Word– ang “It is Finished.”

‘When Jesus had received the wine, he said, “It is finished;” and he bowed his head and handed over the spirit.’ John 19:30 

Maganda ang explanation rito ni Rev Fr. Caluag. Anya ang linyang “It is Finished” or “It is Done” ay base sa isang salitang Greek o Aramaic na tetelestai, na nangangahulugan din ng “it is complete.” Ito ay deklarasyon daw ng “mission accomplished” or cry of victory ( battlecry). Dagdag pa n’ya ay nakatadhana na rin ang life mission ni Jesus mula pa lang sa kanyang pagsilang (o higit pa).

Isang istasyon sa Holy Sacrifice Church, UP Diliman

Napaisip tuloy ako. Ako, ano ang life mission ko?  Paano ko ito malalaman? Kung hindi ko pa man ito ma-identify sa termino, baka naman nagagawa ko na? Kung oo, nagagawa ko ba nang tama?

Patalastas

At dahil din sa pagbanggit ni Rev. Fr. Caluag na translated mula sa salitang Griyego at Aramaic ay nagbalik sa akin ang experience ko sa 1-week workshop sa Baguio nitong January 2020. Bahagi iyon ng proyekto na Pinoy Version ng Bible ng Philippine Bible Society (PBS).

Connecting the dots sa Life Mission 

Kung pagtagpi-tagpiin at bibigyan ko ng kahulugan, may koneksyon bago ako umabot sa workshop. May test at requirements bago ma-achieve yon at pinalad naman ako. Tapos, nagkataon na natapos ang week na iyon sa mismong araw ng birthday ko.

clue ng birthdate ko ay ang araw pagsabog ng Taal nitong 2020

Ang workshop ay umikot sa pag-aaral, pag-i-interpret, at paglalapit ng laman ng bible sa mga kapwa ko Millenials ( yes pasok pa ako!!!). Sa lalim ng mga lesson (kasama konti ng Greek, Hebrew at Aramaic) at makabuluhang experience na makipag-collaborate sa iba’t ibang indibidwal ng Christian Denomination, masasabi ko talagang “I will never look at the bible the same way again.”

Akala ko kasi noon na since nabasa ko na ang bible from cover to cover ay ang lalim at lawak na ng pagkakaalam ko sa bible. Hindi pa pala at ang layo-layo pa. Binasa ko nga lang pala, pero hindi ko lubos na naintindihan at naiproseso. 

Goals in 1. May pangunahing “mission” ang workshop na gustong-gusto kong gawin- ang translation. In fact, noong binasa ko ang 2019 journal/planner ko nitong Good Friday ay nasurpresa ako na nasa career goal ko yong translation, na baka January 2019 or December 2018 ay naisulat ko na. Hindi ko nga lang alam siempre na pang-bible at medyo nasa halos wishlist level iyon dahil sa dami ng mga kasalukuyang kong ginagawa. 

At  ito pa, nagkataon din na isa sa social at spiritual goal ko for 2019 ay magkaroon ng grupo sa bible study. Inspired yon sa

  • nabasa ko na nga ang bible,
  • mahilig ako makipag-usap sa iba’t ibang nagsi-share tungkol sa bible ( saan man sila kabilang gaya ng YWAM),
  • at oo, medyo down ako noong 2018.  I thought bakit hindi ako maghanap ng grupo na ka-bible study at baka mas ma-uplift ng aking spirituality. 
basta yan ang planner ko hehehe

Purpose in life goals. Noong November 2019, nag-share ang isang friend ko ng Philippine Bible Society’s ad. Ang ad ay tungkol sa proyekto ng PBS na mai-translate ang Bible sa level ng pananalita ng mga millenial. Naging interesado ako sa tatlong dahilan:

  • Nababasa ko ang bible sa wikang Filipino at English, pero aaminin ko mas naiintindihan ko ito sa English. Iyan ay dahil grabe talaga sa lalim yung Bible ko sa Filipino. 
  • Bilang communicator, naniniwala ako na ang pinakamahalaga sa paghahatid ng mensahe ( even content online or offline) ay kung maihahatid ito sa paraang maiintindihan ng iyong target audience. Opo ang language barrier/gap ay hindi na usapin ng grammar o accent, kundi kasing lalim ng posibleng peace ( instead of war), understanding (instead of miscommunication /misinterpretation) or love and care ( instead of judgement). 
  • Bilang mambabasa o mag-aaral din ay napatunayan ko na ang laking bagay kapag ang librong hawak mo ay nasa conversational tone. Napatunayan ko ito nung binasa ko ang My Maid Invests in the Stock Market ni Bo Sanchez. Siguro kung hindi ko nabasa ang book na iyon, na nasa conversational tone English, ay baka hindi ko lang alam ang tungkol sa Stock Market. Hindi ko rin alam mismo kung bakit at paano mag-invest. Isa pa ay bilang pastor din si Bo Sanchez ay asahan na may aral din mula sa bible ang kanyang book. So isipin mo, how effective you can be as life-long learner kung ang materyal na gamit mo ay naiintindihan mo.
Jayson Lo

Crucifix sa Life Mission

Sa homily sa Veneration of the Cross mass ay tumatak sa akin ang sinabi ng pare tungkol sa ibig sabihin ng Crucifix. Ang literal meaning siempre nito ay yong nakapako sa crus. Pero sa paliwanag ng pare ay ito ay cross + Christ. Kung ikokonek natin sa buhay ay lahat tayo ay may krus na dinadala at napakainam kung iisipin natin na kasama roon si Cristo. Mayroon Syang tulong o biyaya sa ating mga krus na dinadala.   

Sa pagninilay ko sa life mission in general ay isa sa maaaring halimbawa ng cross ay may pauses o detours dahil sa desisyon. Halimbawa ay nagagaya rin tayo kay Moses na nagduda sa ating kakayahan o sa gift na ibinigay sa atin. Kay St. Peter, na dini-deny ang ating goal/dream/mission kasi nahihiya tayo sa consequence o judgement ng mga tao. Pwede ring gaya tayo ni David na nawawala na sa landas dahil nalunod na ideya ng tagumpay. O ni St. Paul na kailangan subukin bago mamulat sa misyon.

Via Crucis (Holy Sacrifice Church, UP Diliman)

Ang mga challenges na aawat, magpapatigil o magliligaw man sa atin ay pauses lamang sa ating life mission.  Uuwi at uuwi tayo sa kung saan nandoon ang ating puso o saan tayo itinadhana. Napatunayan ko na rin ito makailang beses sa aking karera. It doesn’t matter saang kompanya, magkano ang sinasahod, tipo ng trabaho o posisyon. Basta nauuwi ako sa scope ng career na pinangarap ko na since 8 or 9 years old ako.  

Going back to translation at bible study,  hindi ko masabi na life mission ko ang mga iyon. I honestly don’t know. Kung usapin sa workshop ay nag-pause ang journey ko noong gabi ng Jan. 11. Gustong-gusto ko sumali siyempre may nakasaalang-alang. Pero kung sa pagiging proactive at positive thinker, ang focus ko ay saya at kabuluhan ng experience na iyon. Thankful na ako doon. Kung ibi-bless ako sa ibang paraan o anumang daan iyong ipinaubaya ko na sa Kanya. Keep the faith na lang habang nilalakbay ang fate..

Ikaw napag-isipan mo na ba ang life mission mo? Ano ang konsepto mo ng life mission? Paano mo ito malalaman o magagampanan?

Eksakto ang verses sa ibaiba ay isa sa naisulat ko sa 2019 planner ko:

“What do we gain by all of our hard work?  I have seen what difficult things God demands of us. God makes everything happen at the right time. Yet none of us can ever fully understand all he has done, and he puts questions in our minds about the past and the future. I know the best thing we can do is to always enjoy life, because God’s gift to us is the happiness we get from our food and drink and from the work we do.

Ecclesiastes 3:9-13 Contemporary English Version (CEV)

Ano ang mapapala ng tao sa kanyang pinagpaguran? Alam ko na ang itinakda ng Diyos sa tao. Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan. Ang tao’y binigyan niya ng pagnanasang alamin ang bukas ngunit hindi binigyan ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas. Alam kong walang pinakamabuti sa tao kundi magpakaligaya at gawin ang pinakamabuti habang siya’y nabubuhay. Alam ko ring kaloob ng Diyos na ang tao’y kumain, uminom at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran.”

Mangangaral 3:9-13 Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC)



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.