7 Important tips sa work from home


Work from home (WFH) is one of the new normal daw? Paano mo nasu-survive ang WFH o telecommuting? Hindi ba nakakabuwang ang magtrabaho sa bahay? Ilan lamang ito sa narinig at natanong na sa akin, lalo na ngayon na no choice ang ilang empleyado kundi magtrabaho sa bahay dahil sa ECQ and COVID19. Well, narito po ang aking important tips sa work from home at paano maging effective rito, base sa aking experiences, nabasa, at na-research.

Tips sa work from home set up

Madaling sabihin na trabaho mode ka from 8am-5pm or 9am-6pm kung nasa company office ka. Pero kung nasa bahay ka at sanay kang ma-distract sa TV, radio, smart phone, games at tsikahan nina kapit-bahay—hay naku struggle Kuya at Ate. So, what are the best things to do para ma-switch on ang iyong work mode?

Designate your work station. Mainam kung may sarili kang kuwarto o may extra area sa bahay n’yo na puwede kang pumuwesto.  Alin dito o iba pa mang lugar na effective kang makakapag-work from home ay napakainam. Iba rin kasi yung may space na di ka maiistorbo sa ingay, sagi, at kalabit nang kalabit (hehehe). Saka siempre okay ang lugar na maayos ang ventilation, linis, space, at lighting. Takaw oras at attention din kung hindi ka kumportable at nasa iba’t ibang lugar yung materials na kailangan mo. But the most important thing to remember here is you should only (ideally) work in your designated work station. It is vital because this will serve as your and your housemates cue na when you are there you are in “work mode.” Kaya nga rin para sa mga regular freelancers, telecommuters or work from home employees ay magandang mag-set up ng home office

my work from home office table
my work from home office table
(Christmas everyday theme hehehe)

Your home office or designated work station will also help you to switch on and off your “trabaho mode” at “petiks mode.” Ang ilan sa malalang nangyari sa akin ay nahirapan akong makakuha nang tama at may kalidad na tulog. Nagsimula ‘yon sa parang always work mode ako. Nagwo-work ako sa kama, computer o kahit saang table. Then naging stressed ako, na sa 2-4 hours na nga lang tulog ko per day, ay trabaho pa rin ang laman ng panaginip ko. Nagrereklamo na rin yong mga kaibigan at pamangkin ko na palagi raw akong busy.

Nung binago ko naman yon ay naging kabaligtaran naman. Nahirapan akong labanan ang katamaran at procrastination. I think the usual day-to-day problems of the newbies sa work from home are laziness and procrastination. Ang immediate na panglaban ko sa ganito ay deadline. Gagana lang ang work mode ko kapag forced to submit na kasi deadline. Siempre maganda kung balanse lang dahil doon din naman papasok ang work-life balance. So if effective sa iyo ay mag-set ka ng sarili mong deadline na technically ay advance ng days sa real work deadline ng boss mo.

Informed everyone when exactly you are working from home. Ito ang simple pero I guarantee na iilan lang ang open na magsabi at magkaprangka sa kanilang work from home or “work mode.”  Sa bahay nga kasi madali kang istorbohin importante man o hindi. Struggle ito lalo na sa mga working moms and dads from home. Pero kung gusto mo talagang makapagtrabaho nang maayos ay kailangan mong maging prangka, masigasig at istrikto na protektahan ang iyong trabaho mode. Kailangan mong maging firm na magsabi sa sinuman sa bahay na nagtatatrabaho ka at hindi ka puwedeng gambalain. Wala naman naiba sa hinihinihingi sa iyong productivity output (o baka nga ay mas nadagdagan pa) ang pinagkaiba lang nasa bahay ka. 

Silence all your internal distractions. Maganda ang may sariling home office kasi it is easier to isolate yourself from distractions na na-mention ko. Pero ang mga ito ay external factors lamang, ang pinakalaban mo talaga para ma-switch on ang iyong “trabaho mode” ay iyong atensyon, gana, at disiplina. And it takes a lot of practice of self-control and self-discipline para magawa ito dahil ikaw nga versus sa iyong sariling bad habits.  Teka, anu-ano ang bad habits at bakit nahihirapan ang iba na maging effective na mag-work from home?

Patalastas

  • panay ang check ng social media accounts na mula sa 2 minuto ay puwedeng maging 30 o higit pa ( offline-offline din)
  • panay ang check ng email ( puwede namang sagutin later)
  • trip ang mag-mobile game
  • multitasking na ginagawa hindi lang magkakaibang tasks sa work, kundi may pang-bahay din ( scientifically ang kaya lang talaga ng brain ay isang task at a time. Ibig sabihin switching of focus ang ginagawa mo at hindi multi-tasking kapag nagso-social media, work, sagot sa phone etc.).
  • petiks mode na hinahayaan na matapos ang araw na halos walang nagawa kasi hindi naman physically present si boss o malayo pa naman ang deadline
  • procrastination ( all forms)

Kung tutuusin ay kung gugustuhin ng tao na maging productive o disiplinado ay ang daming libro, artikulo o blog post ( gaya nito) na available para makunan ng tips. Ilan sa mga nakuha kong ideya at napatunayan kong effective sa akin ay  compartmentalization, social media detox, finding your biological prime time.  Itong huli ay tungkol sa kung kailan ang katawan ay in the mood to work. Of course this works well kung regular employee or freelancer ka na hawak mo ang oras mo. Halos ganito rin ang ideya ng Time Warrior book ni Steve Chandler, na binabanggit na mahalagang i-match ang bigat o gaan ng trabaho sa taas at hina ng iyong attention/energy level.  It matters dahil hindi naman tayo pare-pareho na morning person at nocturnal. Ako I can work na early morning mga 5 or 6am to 10am or 7pm to 12 mn. 

Tandaan din na sa telecommuting pangangailangan ang disiplina, propesyonalismo at tiwala. Susunod na rito yung gaano ka committed at organized sa iyong trabaho. Sa ngayon, I am proud na I can work na halos everywhere, even sa bus, with my pocket mobile office (two mobile phones+earphones+mp3 player) dahil kahit papaano ay natutuhan ko nang mentally i-isolate  yung outside noises. Effective yong na-download ko na yung mga docs na need ko. Then offline na ako para mag-work kahit saan. Of course case to case basis ito at depende sa type of work mo.

My Home Mobile Office has:

1. foldable table
2. basket for my materials ( 2 notebooks, pens, mobile mini keyboard, mobile phones)
3 chair
(optional) white board

Tune up your work from home tools

Maintain your gadgets. Speaking of working everywhere or being digital nomad, malaking tulong na mayroong kang gadgets na puwede kang makapag- mobile office. But doon muna tayo sa basic, mahalaga na mabilis at functional ang iyong desktop or laptop computer, tablet, mobile phone o anumang ginagamit mong bagay for work. Hindi lang nakakainis ang mabagal na PC, nakakaapekto nang malaki ito sa productivity at time management. 

one of the Oldest PC na nagamit ko

Choose your internet provider wisely. Next na importante ay pagpili ng reliable internet provider.  Maniwala ka, sakit sa bangs ng mga team work from home at freelancers ang sablay na internet. Ang hirap kung nasa gitna ka ng pagsagot ng importanteng email, pagre-research, training, o deadline. Naranasan ko na dahil sa mismong deadline ko ay nawalan ako ng internet, 10pm-12 mn ay nagwo-work ako sa isang computer shop na ang daming gamers na maiingay. 

Balance sa Work From Home

Maniwala ka even ang work frome home veterans ay nakaka-feel ng pagiging isolated. O iyong pakiramdam na nag-iisa, nababagot, at nalulungkot. Kaya ang theory ko ay mahirap talaga for the extroverts ang mag-work from home o may binabagayang persona ito. This is why also kaya inaral ko na mag-mobile office o magpaka-digital nomad kasi ambivert naman ang personality ko. Saka yung job ko ay need ng certain extent of creativity na nasu-sustain ko kung iba-iba ang nakikita ko (inspiration kung baga). Pero ang best solution for me na hindi mo ma-feel na isolated ka ay don’t forget na makipagsosyalan. Well ngayon na need ang social distancing ay online-online muna. Pero sa normal ( sana mabalik agad sa totoong normal) ay mainam na lumabas-labas ka, makipagkita sa mga kaibigan, o kaya uma-attend ng seminar. Ako I attend events, seminars na (free to mura), at kita-kita with friends na kakayanin. Nanood din ako ng sine o pasyal sa parks/ malls/ churches may kasama o wala. Sa akin kasi importante na ma-feel mong indibidwal ka sa maraming tao. Wag kang mawalan ng pulso sa community at society mo. Bahagi ka ng kahit anong grupo, ganern.

@iBlog 2014

Energize your well-being. Kung stressful ang commuting ay stressful or worse pa ang pagwo-work from home. Nabanggit ko na yung mahirap i-separate yung work at personal mode. Pero ilan pa sa mapagdadaanan dito ay prone na maging unhealthy (pagtaba, puyat), pagiging di maayos sa sarili ( grooming), pagiging negative mag-isip (lalo na kung puro negative din palagi mong kausap), pagbaba ng self-esteem at iba pa.  Dito papasok na baka masyado kang taong work from home at hindi ka na nag-e-exercise, hindi ka na nagpapaganda o nagpapaguwapo, feeling mo OP ka na sa outside world (na hindi mo sila naiintindihan na or sila ang hindi mo na naiintindihan. Limited yung ginagalawan mo e. So baka limited na raw ang lawak ng kaya mong unawain), at parang ‘di na malakas ang loob mo na makipag-communicate ng personal.

Gardening ang isa sa recommended na refreshing hobby ng mga expert

Ang exercise alone ay malaking bagay para ma-activate ang iyong positive energy so don’t forget it.  Huwag ding kalimutan ang halaga ng magdasal at mag-meditate na makakatulong sa iyong spirituality. Kung may iba ka pang hobby na pang-break o makaka-energize sa iyong artistry/creativity o motivation, go! Sa work from home or office man, you have to always take care of your well-being.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.