Para maisipang magnegosyo, tiyak ako na rason at gusto ng isang tao ay mapalago ang kanyang finances mula rito. Kung inspiration lang naman, maraming motivational materials and speakers na puwedeng mapagkunan ng tips. Pero isa sa dapat pag-aralan ay kung ano-ano ba ang mga katangian ng negosyante na matagumpay at ‘di matagumpay. Iyan ay dahil sa pagnenegosyo, ang qualities ng tao ang nangungunang magpapalago o magpapabagsak nito. Agree or disagree?
Ang layon ng post na ito ay upang magkaroon ng kamalayan at praktikal na pag-aanalisa sa pagnenegosyo. Ito ay base sa pag-aaral, pakikisalamuha sa mga negosyante at personal na pananaw ni Hitokirihoshi. bow!

Paliwanag sa Matagumpay na Negosyante
Kahit ano pa ang ibig sabihin ng matagumpay na negosyo ay kabuntot nito ang galing ng negosyante. Ibig sabihin nito ay ang kanyang ugali (behavior) at abilidad (skills) para umunlad. Kaya mainam na matukoy ang personal na paliwanag sa matagumpay na negosyante. Kung negatibo, mali, mangongopya, o sabaw lang ay baka hindi pa nagsisimula ay palugi na ang isang negosyo. Sabi nga ng isa kong businesswoman friend,
“Kung malulugi ang negosyo, kasalanan iyon ng negosyante.”
friend ni Hitokirihoshi
Sa bagay, ang katangian ng negosyante ay direktang may epekto sa pamamahala sa business, sa pakikisalamuha sa mga tauhan at business partners. Gayon din kung paanong magdesisyon lalo na sa panahon ng kasaganahan o krisis.
Ang matagumpay na negosyante ay nakapagpapaunlad at nakapagpatatag ng negosyo/ kompanya na kinikilala, lalo na ng mga empleyado at kliyente nito.
Hitokirihoshi
Kasama sa kahulugan ng “nakakapagpaunlad” ang:
- ang pagpapalago ng kita, cash flow, o net worth nito – #sales
- ang branding ng product o service nito ay maayos na naiparating sa mga tao – #marketing
- maayos na ang proseso at sistema – #businessoperation #humanresource

At iba pa
Bahagi ng terminong “nakapagtatag” ang:
- reputasyon o public image nito,
- ang sales ay aalagwa o mananatiling positibo o stable kahit anong lagay trend sa merkado,
- pagkakaroon ng network ng loyal kliyente at business partners
At iba pa.
Ang mga binanggit sa taas ay base pa lang sa na-achieve nila at kung ano alam ng tao. Wala pa ‘yong hirap at istratehiya para magtagumpay.
3 Simple Steps para magkaroon ng katangian ng isang entrepreneur na matagumpay
1. Be aware. Wala namang super secret formula at short cut, pero may epektibong pamamaraan para humusay ang negosyo at maging matagumpay na negosyante. Siyempre, nakasaalang-alang dito ang kanyang personalidad (ex. introvert or extrovert), civil status (single or married), money status, at tipo ng negosyo. Kung baga kailangan aware ang tao sa kanyang kakayahan, sitwasyon, at ano ang dapat n’yang hakbang.
2. Be open to learn. Nakakabuti na matututo mula sa mga marketing, sales at self-help materials and training na nagbibigay na ng akmang steps for you. Kung hindi pagbabasa ang iyong studying style, pwede naman manood ng video tutorials, um-attend ng seminars/ webinars, o magtanong-tanong sa totoong may ALAM sa negosyo. Rekomendado ko rin na um-attend sa paid or free seminars (with certificate).

Ang hirap isipin na maging matagumpay ang negosyante na puro stock knowledge ang gamit. Ganun din ang panay ang balik sa na-experience dati, puro lakas ng loob, at lalo na ng yabang. Mostly, ang mga successful entrepreneurs ay proud sa kanilang pinagdaanan, pero humble enough para aminin ang kanilang mga pagkakamali at gustong matutuhan. Napakaganda na magkaroon ng growth mindset at beginner’s mindset, dahil sabi nga ni Kuya Kim, “ang buhay ay weather, weather lang.” Na susundan ni Hitokirihoshi ng “kung hindi ka open na matuto, mahuhuli ka sa pagbabago.”
3. Flexible and adaptable to change. Bukod sa aware, open to learn, at mapagkumbaba, ang kapansin-pansin sa mga successful entrepreneur ay mayroong ‘di matatawarang sipag, pagsisikap, diskarte at aksyon sa pagbabago. Hindi sila natitinag sa mga hamon, bagkus ay sinusulosyunan nila ang mga problema. Kaakibat ng lakas ng loob ay iyong pag-asa at pagsisikap na maging problem-solver.

Gusto mo rin ba malaman > Ang mga katangian ng negosyante na ‘di matagumpay