Creative Thinking Skills: Tips for Filipino Parents and Students


Kahit sa creative thinking skills mahina ang mga estudyanteng Pilipino? Ito ang unang reaksyon ko sa artikulo ng Philippine Star na may pamagat na Philippines ranks at the bottom of new PISA test on creative thinking. Hindi ko inaasahan na mataas pero ‘wag naman sanang pinakamababa. Nakapagtataka at nakalulungkot dahil base sa aking research dati ay kayang-kaya maengganyo at mapaunlad ang creative thinking skills natin. Ipapaliwanag ko ang mga elemento ng malikhaing pag-iisip sa article na ito. 

Importance of Creative Thinking  

Ayon sa PISA (Program for International Student Assessment), ang creative thinking ay “the competence to engage productively in the generation, evaluation and improvement of ideas that can result in original and effective solutions, advances in knowledge and impactful expressions of imagination.”

Sa interpretasyon ko rito, ang malikhaing pag-iisip ay ang kakayahan ng isang tao na makapag-isip ng naiiba o bagong ideya, solusyon, o posibilidad mula sa kanyang nalalaman at lawak ng imahinasyon. Nagagamit ito hindi lang sa paglikha ng sining at  imbensyong  teknolohiya, kundi sa anumang aspeto ng buhay lalo na kung problem-solving ang pag-uusapan.  

Tinanong ko pamangkin paano papunta sa School nila, ito ang sketch n’ya

The creative thinking examples in real life 

Iyong mga businesses o companies na nagpakilala ng naiibang produkto o serbisyo ang isa sa magandang ihalimbawa sa real life creative thinking. Sa modernong panahong, isa ang Apple sa nagpakilala ng ilang makabagong mobile and personal computing devices. Ilan ay original na konsepto, habang iba ay pinaganda o pinainam nila. Kung pag-uusapan ang smartphone ay hindi ang iPhone 1 ng Apple ang naunang naimbento. Ayon sa Techwire Asia, ang kauna-unahang smartphone ay gawa ng IBM Simon na nilunsad noong 1992. May isa pa ngang lumabas na klase ng smartphone na may handy built-in keyboard at screen na kaya ng makapag-browse ng internet—ang Nokia 900 Communicator, bago ang iPhone 1. 

Ilan pang halimbawa ng malikhaing pag-iisip ay ang

  • Bagong recipe sa pagluluto – pwedeng nag-e-exist na ang isang putahe pero mas pinasarap o nilagyan ng ibang lasa
  • Naiibang taktika para makabenta o promosyon para sa business gaya ng promosyon ng sari-sari store at guerilla marketing.
  • Paglikha ng bagong lesson plans o teaching style para epektibong mahikayat ang mga estudyante na mag-aral.

Ano ang pagkakaiba ng critical thinking at creative thinking?

Halos kakambal ng creative thinking ang critical thinking lalo na sa problem-solving pero s’yempre may pagkakaiba pa rin ang mga ito.

  • Ang creative thinking ay kakayahang mag-isip ng ideya o bagay na naiiba o bago. 
  • Ang critical thinking ay kakayahang mag-isip ng palagay, konklusyon at ebawalsyon base sa nakalap na impormasyon.

Kaya sa creative thinking kinakailangan ng iba’t iba pang skills and elements. Mahalaga ang mga ito upang epektibong magamit Ang malikhaing pag-iisip sa trabaho, negosyo, o sa mga problemang hindi na masolusyunan ng praktikal o available options.  

Patalastas

Sabi nga nina 

Henry Ford: 

If you always do what you’ve always done, you’ll always get what you’ve always got. 

Peter F. Drucker: 

If you want something new, you have to stop doing something old. 

Albert Einstein: 

Imagination is more important than knowledge. For knowledge is limited, whereas imagination embraces the entire world, stimulating progress, giving birth to evolution.”

Note na ang ibig sabihin ni ka-Albert ay hindi literal na imagination kundi ang kakayahang mag-imagine. 

What are Creative Thinking Skills?

So far, sa aking research, hindi limitado sa partikular na skills upang magkaroon ng malikhaing isip. Subalit may mga kasanayan na kadalasang bahagi nito na kayang-kaya matutuhan ng libre at ‘di kailangan ng teknolohiya o formal education. Ang hamon lang ay dapat bigyan ng halaga, pag-aralan, at palaging gamitin. 

5 common skills in Creative Thinking

1. Curiosity and problem-solving

Maging masigasig sa pagtuklas sa kaalaman at kasagutan. Para sa mga magulang, mainam na maging bukas at mapagpasensya sa pagsagot sa mga katanungan ng inyong mga estudyante. 

Pero alam natin na nakaka-frustrate kapag hindi na makasagot. In my humble opinion (IMHO), hindi naman talagang kayang sagutin ang lahat ng katanungan at lalong hindi maganda sumagot ng mali. Kaya sa halip, tulungan ang sarili at ang estudyante na matutuhan ang mga paraan at kagamitan para tumuklas ng impormasyon o kasagutan. Halimbawa ay paggamit ng search engines gaya ng Google sa halip na social media. At ang tamang [pagpili  Maituturing na rin itong hakbang sa problem-solving.

2. Imagination and Innovation 

Paliparin ang diwa at maging malayang mag-isip ng mga bagay na hindi mo pa man nakikita o nararansan (imagination). Mula rito hayaang lumikha ng ideyang bago o kakaiba (Innovation). Sa totoo lang, napakadali at natural mag-imagine para sa mga bata dahil wala silang limitasyon.

Bakit mahirap sa ilang matatanda na maging imaginative at innovative? 

Sa opinyon ko ay dahil marami ang nagpapaapekto sa sasabihin ng iba. Ayaw ng kritisismo, magkamali, o mapahiya. Kaintindi-intindi naman kung minsan. Ang masakit lang kasi minsan ay sa magulang, kapatid at iba pang mahal sa buhay nakakarinig ng ‘di maganda. Marami kasi maniniwala lang ‘pag nandyan na ‘yong resulta o kung nakikita nila sa iba. May pagkukumparahan sa alam nila. Pero isipin na lang natin kung walang kakaiba o malikhaing mag-isip ay baka walang telepono, eroplano o internet hanggang ngayon.  

3. Write, read, paint, listen to music, watch movies or use a skill that makes you creative. 

Ano ang malikhaing pag-iisip kung walang masining o malikhaing gawain? Gaya ng nabanggit ko sa mga mabisang paraan sa pag-aaral, may kanya-kanya tayong sining o paraan para maging malikhain. Puwedeng magsulat, magbasa ng libro, manood ng pelikula o makinig ng musika. Alin sa mga ito ay puwedeng gamit din para maipahayag ang ating saloobin at imahinasyon. Gayon din para makapagproseso ng ideya. Gaya ng sa pagsulat, halimbawa, na puwedeng mauwi sa brainstorming at mind mapping

Sa ibang banda, tandaan na hindi kailangan na magaling ka sa arts or creative tasks. Puwede rin ang exposure o pagkuha ng inspiration mula sa malilikhaing bagay. Being observant is a key. Naalala ko si Rey Valera nay nakasulat ng kanta sa pagtambay sa sementeryo. Si J.K. Rowling naisip ang konsepto ng Harry Potter habang lulan ng train patungong London. Ayon pa sa profile n’ya sa Bloomsbury, karamihan ng kanyang notes sa pagbuo ng 7-book Harry Potter series ay handwritten at sa scratch papers. 

4. Collaboration 

Totoo na may mga estudyante pa lang ay mahiyain na o hindi gusto ang makihalubilo sa iba. Magandang palakasin ang kanilang loob na maging komportable sa group work or discussion at collaboration. Dito nasasanay ang estudyante o sinuman na…

  • Makinig at makipag-usap sa iba
  • Malaman, makilala, at pag-aralan ang ideya ng iba, 
  • At Makibahagi para sa ikakaunlad ng grupo. 

Kapag exposed sa iba’t ibang opinyon at pananaw ay mas lalawak din ang pang-unawa ng isang tao sa iba’t ibang bagay. Dito rin nahuhubog ang kanyang sarili sa…

  • pagtanggap kritisismo, 
  • intindihin ang ibang tao (empathy), 
  • maging mabait (kind), 
  • At maging responsable sa gagawin (accountability) 

5. Analytical and Critical Thinking  

Sa creative thinking kailangan din ng critical thinking dahil dapat pag-aralan alin sa mga ideyang naisip ang akma sa problema o plano. Tandaan na ang decision-making ang isa sa pinakamahalaga at maaaring, pinakamahirap na gawin dahil ito ang susi sa ikakatatagumpay o ikakabigo ng proyekto, pangarap o maging buhay.  Kaya maiging magkaroon ng “informed decision” base sa ideyang naisip, impormasyong nakalap, at pag-aanalisa sa saysay ng mga pinagpipilliang bagay.

Sa aspetong ito dapat ding maging bukas upang kwestyunin ang mga naunang palagay, klaruhin ang malabong konsepto o impormasyon, at subukin o pag-eksperimentuhan ang mga ideyang naisip. Ang layunin ay dapat halos sigurado sa desisyong gagawin. Kung hindi man 100% ay dapat na may “calculated risks.” Ito rin ang madalas na ginagamit sa investing, expense management, major career decision at iba pa. 

Pangwakas

Sanay nakatulong ang post na ito sa mga estudyante at magulang para maengganyong magkaroon ng malikhaing pag-iisip. Ang mga benepisyo ng creative thinking ay hgit pa sa mga nabanggit dito at tiyak na magagamit sa pag-aaral sa loob at labas ng eskwelahan.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.