Sa tuwing naririnig ko ang spoon-feeding in education parang naririnig ko ang isang magulang o guro na nagagalit sa tamad nilang estudyante. Pero may dahilan naman kung bakit. Mayroon kasing iba-ibang negatibong epekto ang spoon-feeding learning o teaching.
Kailan dapat maging independent learner ang estudyante?
Kapag ang bata ay first-time na papasok sa paaralan, natural na kailangan nito ng gabay sa lahat ng aspeto ng pagkatuto. Pwedeng mula ito sa paggamit ng lapis o krayola, pagsulat ng letra, pagbilang ng numero, at iba pang basic “how-to” in learning.
Ayon kay Thomas Morris, isang education researcher at guro, “The sooner a student can learn without a teacher holding their hand the better. Once a student learns to learn for themselves, and develop confidence in their own learning, they can enjoy the learning process.”
Ang totoo, hindi madali ang magturo, lalo na ng independent learning. Halos kasama rito ang instilling of self-discipline and self-direction. Pero kapag nagawa ito ay namo-motivate ang mga bata na maging masigasig sa pag-aaral. Kasi sa indepedent learning, sila mismo ang okay sa problem-solving, creative thinking at iba pang kasanayan. Higit ito sa karunungan na pagbasa at pagsulat lamang.
Worthwhile din ang pagtututuro ng independent learning dahil ‘pag nasanay at na-adapt ng bata ang necessary skills at right mindset, s’ya mismo ang gustong mag-aral. Hopefully, kasunod nito ay pagiging lifelong-learner.
Parents’ Role in Preventing Spoon-Feeding in Education
Sa realidad, importanteng hakbang sa mga magulang/guardian na masanay ang kanilang (mga) anak na hindi mag-spoon-feeding learning. Isang isyu kasi rito ay spoon-feeding teaching style din umano ang common method sa karamihan ng mga eskwelahan ayon sa Health Action Research Group,
Sa spoon-feeding teaching method/ education, wala o bihira na umano ang aktibidad na sinasanay ang mga estudyante na ma-enjoy at maging independent sa pag-aaral. Ang mas focus ay kung paano papasa o makakuha ng mataas na marka.
“..they are being taught in a way that generates the grades required by the current curriculum (an approach sometimes described as spoon-feeding or teaching to the test) rather than allowing teachers the freedom to teach in a way that encourages critical thinking and independent learning, ” ayon pa sa article research ni Trace Scott.
Why School Assignments Are Key to Educational Growth
Online class or modular learning method man, naging mahirap ang distance learning noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic at lockdown. Na-challenge talaga ang kakayahan mga mag-aaral at parents/guardian. Dagdag pa rito ‘yon pangangamba sa health at hanap-buhay, higit pa sa aspeto ng edukasyon. But still, kailangan magpatuloy sa pag-aaral. May mga hakbang naman habang at pagkatapos ng krisis.
Para sa akin, nung panahon ding ito lumabas ang disiplina, tibay (resiliency) at pagpapahalaga sa pag-aaral. Hindi lamang ng isang estudyante, kundi maging ng kanyang pamilya. Dito ko na-appreciate yung training/ skills na natutuhan dati pa sa paggawa ng assignment o project. Ilan doon ay kusa mong gagawin ang assignments kahit anong mangyari at ipapasa iyon sa deadline. Kung ganito ka bilang estudyante o iyong anak, I would like to congratulate you! I think (based on various studies) this mindset and set skills help to make a person proactive, satisfied, result-oriented, and successful/ happy.
The Debate: Should Students Be Pushed to Do Assignments?
Even before pandemic ay may mga educators, parents, and private schools nang hindi nagpagaggawa ng assignments o projects. Noong 2023, may Senate Bill No 1792 or the “No Homework Act of 2023″ na naglalayon na walang mandatory homework para sa mga estudyante.
May dahilan naman kung bakit may ganitong movement. Ayon sa Healthline at kay Joseph Lathan, program director sa University of San Diego, ang pagpapagawa ng assignment ay mahirap gawin para sa mga ‘di mayayamang estudyante.
Kumpara sa mga may-kaya, bibihira sa mga ordinaryong mag-aaral ang may computer, internet connection at iba pang klaseng tulong (gaya ng tutoring) para makagawa ng assignment ( nang mahayahay). Dagdag pa ni Lathan, ang mga estudyante mula sa mahihirap na pamilya ay kadalasan may ibang inaasikaso bukod sa pag-aaral. Halimbawa, kailangan tumulong sa gawaing bahay, pag-aalaga sa mga kapatid, o pagtatrabaho (lalo na sa mga working students)
- Doing projects or assignments as a public school student: Public school student ako mula prep hanggang grade 7. Sa experience at observation ko, sensitive naman ang mga public teachers sa Pinas kung ano kakayahan ng kanilang estudyante. Oo, may mga assignment o project na gagastos, pero I believe hindi nila bibigyan nang masyadong expensive. Baka puwede pa mas matrabaho lang gawin. Unang-una rin kasi magrereklamo dyan ang mga magulang.
Mapapansin mo lang bilang estudyante na mukhang mas maganda o maayos yung project/ assignment ng iba mong kaklase. Pwedeng dahil iyon sa paggamit ng mas magandang materyal at pagkakagawa.
Ibang usapan naman kung nasa private school ka.
- Doing projects or assignments as a private school student: Noong nag-private school na ako, parang expected ng mga teachers and classmates ko na afford mong gumastos. Nung college ako, may kaklase ako na na direktang nagsabi sa akin ng parang ganito: “nag-aral ka pa dito kung wala kang pambili (ng project).”
I think ang laban ng gaya kong mahirap sa ganun sitwasyon ay creativity and resourcefulness. Halimbawa, bumibili ako ng second hand book sa Recto, nanghihiram ng book sa classmate para ipa-photocopy, at gumagamit ako ng recycled materials. Sikat pa nga ako sa paggamit ng lumang kalendaryo, sa halip na manila paper, cartolina, o powerpoint presentation kapag nagre-report. Nasanay rin ako na magresearch sa mga public library.
Benefits of Doing School Projects and Homework
Sa opinyon ko, nakalakatamad at magastos ang paggawa ng assignments, projects, thesis, field trips, at research. Pero valuable at daming benefits ng mga ito. Hindi kasi iyan sa kung ano mismo ang pinagawa. Normal na mawaglit sa memoraya o itapon natin ang nagawang assignment o project pagkatapos magraduhan. Pero ang paggawa ng assignment at project ay pag-develop ng skills na long term natin magagamit:
- masanay kung paano mag-aral mag-isa (self-study)
- maging creative at resourceful
- mahahasa ang problem-solving at magsaliksik.
- At siyempre self-discipline
Ang mga skills na ito ang kailangan sa anumang trabaho, negosyo, o gawain sa buhay. Independent learner ka na, ready ka pang mag-reskill at upskill, mag-adapt, at mag-level up. Sanay ka e.
Kung babalikan ko yung mga kuro nina Lathan, Healthline at iba pang mababasang articles about sa pagbibigay ng assignment, ang emphasis lagi ay nasa “too much” at “extra.” I agree with that, too much of something is bad. Kahit sa work, puwedeng maging sanhi ‘yon ng stress and burnout. Dun tayo sa binabanggit na “pressure” or “forcing,” which can be subjective. Kapag nagbigay ba ng deadline ang teacher, let’s say one week, forceful o reasonable na ba ‘yon? Ano bang standard natin ng presure o force? Kapag ayaw ba ng estudyante na gumawa ng assignment, forceful or pressuring ba ‘yon?
Nakaka-pressure sa isang estudyante kung gagawa ng assignments nang halos sabay-sabay. Usually, ganyan kapag magkakaiba ang teachers/professors para sa iba’t ibang subjects. Pero kung ako ang teacher, hindi ko naman tatanungin ang kapwa teacher na: “Oh tapos ka na ba pagawa ng assignments? Ako naman ha!”
At alam ko bilang naging estudyante at guardian, ang “cramming” sa paggawa ng takdang aralin, pagre-review. Iyong tipong three to one day na lang bago yung deadline. Guilty tayo d’yan. But if we encourage yung constant reschedule of deadline or tolerate late submission, ano ang saysay pagpapagawa ng assignment? Let’s be careful what we tolerate. We may encourage students not to adopt the most important life skills they need.
Paano makatipid sa paggawa ng school assignments o projects?
As I am writing this, napa-reflect ako sa sarili sa katagang: mahirap gawin ang mga assignments o projects para sa mga ‘di mayayaman. Paano ko nga na-survive ang gumawa ng projects at assignment bilang mahirap?
Bukod sa paggamit ng recycle matrials,
- Humihingi ako ng tulong sa mga kaklase ko kung kinakailangan. Pag mahirap ka, unang-unang bagay na dapat mawala sa iyo ay hiya at yabang. Ang dapat magkaroon ka ay pagpapakumbaba (humility) at pagpupursige (perseverance).
- Palatabi ako ng mga ‘di nagagamit na bond paper, yellow pad o magagamit pang school supplies.
- Biyernes pa lang gagawin ko agad assignments at projects kung kaya. Naranasan ko magtinda sa sari-sari store, mag-alaga ng baboy, at iba pang sideline habang nag-aaral
- Naghahanap ako ng murang computer/printing shop at tindahan. Kaya sanay ako mag-iikot sa places gaya ng Recto (books), Divisoria (anything), Raon (electronics), at Bambang (medical/dental supplies).
I think mahalaga rin na sumama sa tamang barkada. Iyong hindi man kayo pare-pareho ng estado sa buihay, magkakasundo kayo sa pag-aaral. Nakakatulong iyon para ma-motivate ka at hindi ka panghinaan ng loob.