Naturally if we’re unemployed or in LBM [looking for better management] mode, our ultimate goal is to find new job as soon as possible. Luckily, job search for vacancies is easier these days because of job websites and ways to connect with potential employers [ LinkedIn and Facebook groups]. However, job hunters should also think twice before pressing that “apply button.” Here are the red flags and questions to ask about your job search:
Bakit palaging looking for new employees? Mainam kung naka-subscribe ka sa mga job search sites para makikita mo kung anu-anong trabaho at sinu-sinong company lagi ang naghahanap. Here are the possible reasons of companies that always looking for people:
- Job agency? Job agencies will refer you to their clients. Minsan they offer trainings and other services to ease your job search problems. Nakakatulong din sila sa mga companies to lessen their burdens when it comes to matching and trimming down the candidates. Hindi naman masama actually, iyon nga lang ‘di ka “direct hire” na mas better kung tutuusin. Sa iyo ang sahod ng buo at anu man ang problema wala ka pang dadaanang kung sinu-sino. Base rin sa mga tsika ng mga kapatid kong OFWs, may mga nagpapapirma ng kontrata na ganito ang sahod pero pagdating doon ay hindi sinusunod at may politics din. [I am open for any job agencies to discuss their sides].
- Manpower pooling? Okay din naman mag-apply sa ganito pero expect na matagal ang response at iba pang disadvantages. Kung pooling pa lang sila ay ibig sabihin “possible” pa lang ang opening at ipipila ka pa lang sa bilang aplikante. Kaya kung nagmamadali ka ng magkatrabaho ay ilagay mo sa least or alternatives mo ito. In short, ‘wag kang umasa agad sa paasa pa lang.
Isa pang tip na nakuha ko sa kuya kong OFW [puwedeng teorya n’ya lang ito] ay may instances na kukuha lang ng resume and for interviews ang mga hiring agents or agencies. Para lang may masabi na marami silang supply ng tao sa kanilang mga kliyente.
Parang may something wrong sa company? For me, think MULTIPLE times before you apply sa isang company na naghahanap PALAGI ng tao sa PAREHAS na posisyon. Why?
- Their employees come and go because of the bad system
- The job is very demanding or toxic
- Terror or hard to please bosses
Ano pa kayang mayroon pa sa company? Don’t underestimate small or unpopular companies because maybe they’re lucrative and have better management than those big ones. In fact, it’s good to ponder why it’s good to work in small enterprise or big corporation. Ang need mong alamin ay:
- Legal-
- Address – malayo o malapit? Nasa business districts o hindi? Bahain? Palaging ma-traffic? Iyong building matatag sa lindol?
- Confidential? Minsan nakakakita tayo ng job ad na may nakalagay na “confidential” ang company and I wonder… why din. Puwedeng bagong malaking company na ayaw pasabi sa mga competitor or palaging nagha-hire na hindi makakuha ng maha-hire kapag naka-reveal ang name?
- The officials/ owners – Mahalaga rin ito dahil kung ang amo ay hindi na marunong sa negosyo at matino sa pakikisama sa kanyang mga tao ay ano pa? May mga reviews na rin na nalalaman ngayon sa Google and Jobstreet.
Kaya mo bang ma-comply sa kanilang requirements? Magandang part ito ng job ad for me. Dito mo malalaman kung talagang particular at seryoso ang isang kompanya sa hinahanap nila lalo na kung detalyado. Yeah it hurts, if parang pinatamaan ang height, age, at skills mo pero maigi na yun para move on ka na agad. Mas mahirap naman siguro kung sa interview mo na ito malalaman di ba? Mas mashakeeet at magastos!
Bukod dito, sa descriptions mo mapupulsuhan ang culture ng company. Red flag ang mga words or phrases na “perfect,” can do “multitasking,” willing to “work longer hours or “work on holidays,” and “shifting.”
Ito ay personal ko lang naman na opinyon at maaaring magkaiba tayo ng personalidad. Siguro nasa point na rin kasi ako na mas mahalaga na sa akin ang “work-life balance,” health, at passion kaysa salary at pagiging career-oriented. So it’s up to you kung ano bina-value mo when it comes to work, ang kaya mong i-compromise, at challenges na willing mong gawin.
If fresh grad ka, mahalaga ang experience so be brave at sacrifice muna siguro. Minsan okay sa akin ang “below expected salary” basta hawak ko oras ko… may buhay at kita sa ganun.
Magiging okay o happy ka ba kung magtatrabaho ka sa kanila? Walang makakapagsabi kung ano ang kapalaran mo sa isang company, dahil ang sagot ay nasa iyong puso’t isipan [lalim, lupeet]! Kung di ka naman usually nega, maniwala ka sa kutob or gut feeling mo. More or less, may dating naman sa iyo kaagad ang dating at reputasyon ng isang kompanya sa una mo pa lang itong makita. Ganun din kapag nabasa mo sa kabuan nang buo ang isang job ad o offer.
Mabuhay at Good luck!