Ilan sa rason kung bakit may takot na maging virtual assistant, freelancer, o telecomuter ang ilan ay dahil sa sahod at job security. Totoo na may mga employers na mababa, matagal at hindi nagbabayad. Bukod pa ito sa mga may isyu sa mga telecommuters o freelancers. Noong una apektado rin ako ng mga taong ganun, pero ngayon ay queber!
Isang sagot kung takot kang maging freelancer o virtual assistant ay maghanap ka ng karamay at gabay. Saan mo sila mahahanap? Puwedeng online forums, webinars, at sa face to face seminars. Personally, malaki ang naitulong sa akin ng pag-attend ko ng mga seminars kahit na ba bago pa man ako ng naging telecommuter ay may freelancing experience na ako. Nakaka-uplift ng spirit na personal mong malaman na hindi ka nag-iisa sa journey mo, may mga taong totoong successful virtual assistants o freelancers, at yung mga matutuhan mo hindi base sa theory lamang kundi sa experiences and challenges ng mga kapwa mo Pinoy. Total investment!
Bakit nga ba nakakatakot maging freelancer o virtual assistant?
- Employers who delay, don’t , or pay less their freelancers – Ayon sa Rappler, ipinanukala ni Sen. Bam Aquino IV ang Senate Bill Number 351 na naglalayon na maproktektahan ang mga Freelancers at patawan ng Php 250, 000 parusa ang mga employers na hindi magbabayad serbisyo. Maaari umanong isuplong sa Department of Labor and Employment (DOLE).
“Further civil penalties will also be imposed for every day that the employer refuses to compensate the freelancer. The aggrieved party has the option of filing a civil case against his or her employer,” nakasaad sa panukalang batas ni Sen. Aquino.
Sa aspetong ito ay nagtataka rin ako sa mga companies why they neglect their freelancers or outsourced employees. In fact, Businesses save more in outsourcing and hiring virtual assistants.
- Use of electricity and computers – sa bawat empleyado na may work station ay may gastos ka. Mahusay man o hindi sa pag-alalaga ng gamit o kunsumo ng kuryente. Naiintindihan ko na may kinalaman sa productivity kung bakit pini-push na pumasok araw-araw. Subalit, dahil gamit ng mga freelancers ang kanilang sariling gadget at kuryente kaya mapu-push din sila na gawin ang kanilang trabaho because of “no work, no pay policy”. May ilang freelancers na mas nagtatrabaho pa ng matagal at may quality output kaysa noong nag-oopisina sila. Aheem!
- Benefits and other fees. Karamihan ng freelance jobs ay walang ino-offer na benefits at kinakaltasan pa ng tax. Hindi ba ang laking menos sa overall budget at paper works ng business ‘yan?
Pero hindi lahat ng sisi ay maaaring ibato sa mga employers, may mga virtual assistants and other online workers na nagpapadehado rin. Ito ang panawagan ko sa mga freelancers/ telecommuters, bago tayo mag-accept o magpatuloy sa trabaho, calculate! Sa aking okay lang yung may mababa at mataas depende sa gaano katagal, kahirap o ka-confident kong gagawin pero definitely may standard rate akong sinusunod.
Nitong mga nakaraan ay nakakabasa ako ng ads na $1 to 2 per article/ research/ or other work – kalokohan! Ilabas na natin yung usaping skills, talents or experiences. Kung ang bayad sa iyo ay mas mababa pa sa pambayad mo ng kuryente, merienda, at paggamit ng gadget mo – wag kang pumayag. Huwag mo ring balewalain ang oras mo kasi may magagawa ka d’yan na opportunity lalo na kung business-minded ka. Especially pag peak season at malawak network mo, puwede ka kumita ng Php 1500 to 4000 per hour sa pagtitinda. Tanungin n’yo pa ang mga magtataho, magkakanin, at nagpa-Pop Corn (aheeem).
May magsasabi rin na baguhan ka lang naman. Okay, puwedeng start ka sa mababa pero siguraduhin mo at nila na kapag nag-improve ka lalaki sahod mo. Huwag lang tayo magtrabaho para mag-survive kasi kung usapang personal finance ito, hindi talaga aalwal buhay natin kung papayag tayong hindi masuwelduhan ng tama. Maiging alamin natin ang standard price, check itong Pinoy Freelancer’s Salary Guide ng freelancing.ph.
2. People judge and criticize you na tipong near-bum, poor, and incompetent ka. Realistically, nasa tao kung ano ang mindset n’ya at paano nya iti-take ang challenges sa freelancing at work from home or telecommuting. Hayaan muna ang makikitid at old-fashioned, sayang ang oras na mag-explain ( actually di natin dapat mag-explain) kasi why bother to debate? Time is gold, per hour ang rate, Charrot! Saka here are…
(sundan sa part 2) the Reasons Why telecommuters or virtual assistants are cool people
—
Meantime, here the seminar you should attend if you’re interested sa na maging virtual assistant or telecommuter: