Digital Camera, DSLR, Camera Repair, Photobook, o magandang photo print ng iyong wedding, debut, family picture? Lahat ng ito ay nakita ko sa Hidalgo Street sa side ng Quiapo area. Kaya surely, kung magtatayo ako ng business or laliman ko pa ang pagkahilig ko sa photography ay dito ako mag-iikot muna.
Unlike sa Bambang na bilihan ng murang medical supplies
Pero dikit sa Raon na bilihan ng murang electronics at appliances
ay palagi naman ako napadpad sa Hidalgo Street. Subalit, kailan lang ako naging fully aware na sikat pala talaga ito (sa halos tapat ng SM Quiapo) para sa mga taong into photography, videography, filmmaking, at mga nagpapa-photo print.
Sa normal na araw kasi ay halos takpan ito ng mga tindahan (isa na roon iyong binibilhan ko ng kakanin). Kaya na-amaze ako nang isama ang mga former officemates ko, na balak mag-event-coordination business, sa area na ito.
Binalikan at nilibot ko ang Hidalgo Street para makamusta kong may naiba. May chance kasi at matagal na rin iyong kwento sa mga officemates. Ang tangi ko na lang kasi napapansin everytime na napadpad ako sa side ng SM Quiapo ay ‘yong store kung saan sinamahan ko iyong ilang ex-officemate ko. May kwento ako sa about sa kanila sa baba. hehehe.
Photobook, photo print, at photo frames kayo d’yan!
Ang totoo ay dito sa Hidalgo Street, Quiapo ko na-discover ang word at itsura ng “photobook.” Ang alam ko lang kasi ay photo frame, photo album, at scrapbook. Nung nakita ko ang photobook at na-explain sa akin kung paano ang process ng paggawa noon, na-appreciate ko ang convenience ng invention nito .
Why photobook?
- Wala ng larawang kupas na dumikit sa plastic sa photo album ( kaya better ang scrapbook kasi nakakahinga ang photo material )
- Naka-fix na ang mga photos kaya di problema ang manananggal… ng photos saka na iyong manggugulit hehehe
- Naka-design na ang piniling mga pictures
- Okay din naman ang quality ng kuha o baka mas better pa mga naka-print sa matte o glossy photo papers
- Sarap buklatin ang libro ng iyong mga happy moments ( larawan)
Kung ito ang pakay mo sa Hidalgo Street, nasa bandang unahan hanggang gitna ito from Quiapo Church side).
Framed Blow up photos
Isa ko pang na-appreciate ay yung nagpapa-blow up ng photos at ipina-frame. Lakas ng dating, lalo na kung maganda at may drama ang shots, kapag nilagay sa sala. Ang napansin ko lang, at kung tama ako, ay ginagamitan na ata ng canvass yung mga blow up photos. Maipakakamali mo na ngang painting din.
Camera repair shops sa Hidalgo Street, Quiapo
Kung may numero uno akong babalikan sa Hidalgo Street ay iyon na siguro ang mga camera repair shops dito. Tatlo na kasi ang digital cameras namin ang kailangan ipa-repair eh. May nakita naman ako sa malls, pero ano bang aasahan kong presyo doon, ‘di ba? Isa pa’y knowing bilihan ng mga digital cameras ang lugar, parang mas kabilib-bilib na magagawa at may nakahandang mga spare parts kung may papalitan. Update ko itong post kapag nakapagpa-repair na ako.
Dagdag ko na rin na karamihan ng mga camera repair shops ay nagba-buy and sell ng mga cameras and lenses. So kung gusto mo namang magbenta ng mga ganito, go sa Hidalgo Street, go!
Place to explore for videographers, filmmakers
Nitong huli ko ring pagbisita ay napagtanto ko na puwede rin magbilihan sa Hidalgo street ang mga filmmakers, videographer, vloggers, Youtubers, o sinomang into audio-video production. Na-realize ko ito the moment na napansin ko iyong director board. Yes that famous thing na hawak ng clapper/production staff na sisigaw ng “chiver-chiverlu ( name ng film / series) take 1” o “lights, camera action!”
Tapos iyong mga store na nagbebenta mukhhang kumpleto naman sa lens, lights, dolly, tripod, at anumang accessories sa filmmaking o videography.
Hidalgo Street sa Bilihan ng DigiCams o Digital Cameras, DSLRS?
Patanong pa s’ya kasi hindi ko pa na-experience ng personal. Pero lahat ng kakilala kong may DSLR ( Nikon o Canon) napadpad na sa Hidalgo Street. Knowing them (some are from Rizal) na dadayo pa rito ay may something sa price at availability ng mga hinahanap nila.
Isang beses pa lang ako nakapagtanong sa isang store dito at tungkol iyon sa old still camera namin. Wala hehehe, obsolete na raw at puro digicams na sila.