May nagtatanong kung bakit dapat mag-business permit pa o gawing legal ang negosyo. May kumikita na rin kasi kahit walang permit at may bad trip na sa daming proseso at gastos kapag gawing legal ang negosyo. Narito ang pitong dahilan kung bakit mabuting mag-legal business base sa mga natutuhan ko sa ibang negosyante, business experts, at sariling analysis.
Ang mag-business permit ay mag-business identity
One of the earliest business lessons na natutuhan ko ay mula sa “21 Steps on How to Start Your Own Business” written by Dean Pax Lapid and Ping Sotto. Ang sabi sa book nila ay ang mag-business permit ay parang pagbibigay ng birth certificate sa iyong anak.
- Ayaw mo maunahan. Dagdag na rin dito kung may particular ka ng company name, brand name, or business identity ay kailangan makuha mo na iyon bago ka maunahan. Sa DTI pa lang ay mahihirapan ka nang makakuha ng pangalan kung may katulad ka na sa iisang lugar o siguro kung marami kayong nakaisip na ng ganun.
Para sa branding and marketing. Noong na-interview ko si Mr. Wilfred Sanga, manager ng Wil-Fel’s Delicacies, ay sinabi n’ya na pinayuhan nya ang kanyang magulang na gawing legal ang kanilang family business. Ayon pa sa kanya ay itong kakanin pala nila ay matagal ng sikat. kung bibigyan nila ng maayos na packaging/ branding ay mas makilala pa ito hindi lang sa San Fernando Pampanga.
At saka, siempre, ikaw na traveler at foodie ay gusto mong malaman/ matandaan kung saan mo nabili iyong masarap na pagkain na bumago sa buhay mo, hehehe. FYI, hindi okay na maglagay ka ng label sa iyong produkto, tapos hindi ka naman pala legal entity. Masisita ka talaga ng authority

Property by. Kung iisipin din ay kung walang name, iyong mga gaya nilang food business ay baka yung credit ng “sarap,” “quality” at “originality” ay mapunta basta sa iba. Kapag naka-register ang business mo with copyright, trademark, patent at iba pang patunay iyon ay puwede mong sampahan ng mapangheng kumot kaso.
Legal ang negosyo, seryosong magnegosyo?
Para sa akin ang mag-business permit o hindi ay desisyon pa rin ng negosyante. Pero ganito na lang, maraming nagbi-business o paraan ng pagnenegosyo, ‘di ba? Ako noong grade 3 ay may monkey business ako. Iyong kita ko ay ibinibili ko rin ng paper doll, puzzle, at luto-lutuan. Noong nagwo-work ako ay may business din ako, pero that’s sideline business. Iyong tipong makabenta pang-dagdag ng pambayad ng bills, panggala, o pang-shopping.
When you go legal hindi puwedeng ganoon kasi ito mas pundar o investment na. Hindi na lang ito yung isang araw, linggo, buwan ay okay ka na. Taas ang paa, nganga na sa kama. Dito mapu-push ka talagang magseryoso kasi hello maglalakad at magbabayad ka ng anu-anong dokumento ( hi notary public at photocopy people!). Wala pa roon iyong pagbabayad mo ng buwis bago ang due dates, at iba pang expenses.
Ang mag-business permit ay magplanong maging bigatin
Ito talaga ang motivation ko, na ipinapayo ko rin sa iba, lalo na roon sa mga naba-bad trip na. Ito ang advice sa akin ng business mentor-friend ko. Ang sabi n’ya ‘pag hindi ka legal parang wala kang balak na palakihin ang negosyo. Siempre puwede namang palaguin pero since hindi legal ay tago ka ng tago.
Preferred by big companies/ clients. Sa experience ko rin at comments na nasasagap ko sa blog na ito ay most likely ay preferred ng mga big companies ang mga registered businesses. Iyong isang nagkwento ay may matagal na daw silang customer na hihinto sa pagkuha ng supply sa kanila kung hindi sila makakapag-isyu ng official receipts/sales invoice. Bakit ganern?
It downs to accounting process na kung saan kailangan documented ang kanilang mga transactions like expenses, purchases at iba pa. I think madali yung petty vouchers kung maliit lang din yung binili o isang beses lang, pero iba kung palagi kayo may transaction. Sayang naman ‘di ba iyong big accounts na sustainable at tumataas ang orders, kaysa random selling na paisa-isa at baba ng kita.
Para walang legal issues kina LGUs at Gov’t agencies
Sabihin na natin na matagal ka ng may business (mga 1 year +), okay na kitaan, may physical store/ office, may kasangkapan, at talk of the town ka. Eh nasita ka? Tapos wala kang maayos na permit na maipakita. Pinag-iinitan ka man o hindi, kapag kinasuhan at ipasara ang negosyo mo ay medyo mahina laban mo. Sayang naman ang pinagpaguran mo at kinabukasan kabang yaman ng sangbahayan mo.
Ma-enjoy ang privileges ng mga Pinoy entrepreneurs
Marami sa atin ay ilang taon ng nagtatrabaho pero walang ideya kung paano, ano at para saan ang buwis na binayaran natin. Ako masaya lang ako dati ‘pag nakakatanggap ako ng income Tax Return. Hehehe! Pero mag-iiba na ‘yan kung ikaw ay legal entrepreneur kasi somehow intentionally o unintentionally ay maku-curious ka sa taxation, accounting, government policy, economy, at ano-ano pa.
Tax exemptions/ special. Mainam din kasi malaman kung ano ang tax exemption, tax planning, tax avoidance, at tax evasion. Iyong dalawa huli ay nalaman ko sa kakabasa lang ng column at book ni Mon Abrea. Kakabasa nga sa kanya at kapapanood kay EmelinoTMaestrosa Youtube baka balang araw karerin ko na ang maging Tax Specialist.
Kung tama ako ay may pagkakaiba ang tax ng mga nagnenegosyo kumpara sa mga empleyado. Pansinin mo, bakit mas marami at mas mataas ang ibinayad ng mga individual top tax payers. Tapos hindi lahat ng top companies sa SEC/ Stock Exchange ay pasok din sa Top Company Tax Payers ng BIR. In fairness din kasi ay may privileges na ibinibigay sa mga companies (especially under PEZA). I think isang way na ito to say thank you doon sa tumutulong sa economy and employment. At mayroon din personal tax exemptions.
Strong legal proof and document. Isa rin sa silbi ng business permits and income tax return ay maging proof ang mga iyon sa iba pang legal transaction. Puwedeng magamit para makapagpa-approve kung kukuha ng loans sa mga financial institutions, visa sa mga embassy o anumang travel out of the country, at…

VIP treatment ng Private at ilang Public agencies. Sa agency so far ang pinakaaktibo ay ang Department of Trade and Industry (DTI). Mayroon silang mga programa, negosyo fair, at seminars especially doon sa mga may permit na. May iba ring private companies na nagbibigay ng special discounts, rewards, at delivery/ payment arrangement doon sa may ipapakitang Business permits.
Ang Legal ang Negosyo ay Insured at may proteksyon
Isipin mo na ang ganda ng puwesto at takbo ng business mo, then may biglang nakursunadahan ang business/ puwesto mo. Iyong taong iyon ay susubukan kang mawala sa kanyang landas kahit matagal ka na sa baluarte mo. Eh wala kang solidong proof (business permits) para angkinin ng legal kung ano mayroon ka. Ano ang laban mo?

Isa pa’y balang araw, hindi ba’t maayos mo itong maipapamana at maipapasa sa iba kung dokomentado, may kontrata, at legal. Gayon din if ever na gusto mo na i-give up or i-retire yung business may chance din na mas madali itong gawin o mapataas ang value. Parang pagbebenta ng lupa na may titulo o rights lang.
Ang mag-business permit ay pagpo- “formal economy”
Iyong mga binanggit ko sa items 4, 5, at 6 ay actually ay ilan na salik ng pagiging bahagi ng “formal economy” dahil legal ang negosyo mo. So para mas malaman natin ang bentahe ng formal, tingnan natin anong mayroon sa informal economy.
Sa ulat ng International Training Center ng International Labor Organization (ITCILO) na may pamagat na “Transition from informal to formal economy: Awareness Raising on R204 towards designing an integrated policy framework in the Philippines” ay ang pagiging bahagi ng informal economy ay nagdadala ng problema sa manggagawa, sa mga kompanya, at lipunan.
Ang mga manggagawa na sa informal sector/ economy (o not legal businesses) ay may limitadong hanggang walang proteksyon sa batas at maihayag ang kanilang karapatan. Samantala ang pagiging informal ng isang negosyo ay gaya ng nabanggit ko sa itaas, nakakatanggap ng limitadong tulong pinansyal (government/ private companies). Gayon din ay hirap sila sa pakikipagtransaksyong legal, kompetisyon sa mga legal na kompanya, at pagsuri kung sila ay sumusunod sa tamang pamantayan. ‘Di ba saan most likely makakabili ng peke, huwad, low class, at iba pang produkto? Saan ka nakakasiguro na may fire exit, may sanitary permit etc. ?
Sa usaping pang-lipunan, ang informal economy ay medyo sakit din daw ng ulo dahil una nga ay walang kita/ buwis na nakukuha sa kanila para gawing pondo o ipaikot sa ekonomiya. Binanggit din ng ITCILO na dinidiskaril nito ang pagpopondo sa ibang bagay gaya sa SSS.
Kaya iyong mag-business permit o gawing legal ang negosyo ay maraming nakapaloob na bagay. Ilan na nga rito ay kontribusyon na makatulong sa iba sa pamamagitan ng serbisyo, trabaho, negosyo, at pag-angat ng ekonomiya ng Pinas. Kasi kung part ka ng formal economy nakikita at kinikilala ka ng gobyerno.
Ready ka na gawing legal ang negosyo mo? Below are the links for the steps on how to legalize your business in the Philippines?
Soon I’ll blog about the challenges when you have legal business.
ang small sarisari store n nasa bahay lang po located need pa pong iparegistered? saan po?…slamat po..pls help…