Ang speaking skills o kasanayan sa pagsasalita ay mahalagang factor sa pag-aaral. Ang speaking kasi ay paraan upang makipag-communicate at maka-connect sa iba, na importante sa learning ng mga estudyante. Dahil din dito ay madaling mapapalawak at mapapadali ang pagkatututo sa mga leksyon. Isa pa’y ang kausayan sa speaking skills ay nakakatulong sa pagiging mainam na mag-aaral.
Bakit mahalaga i-improve ang speaking skills?
Simula nang magkaroon nang pandemic crisis ay na-challenge ang maraming estudyante. Sa kabila kasi nito ay kailangan magpatuloy sa pag-aaral ng bawat isa. Nagtuloy-tuloy ang online classes, modular learning o iba pang distance learning method.
Ako ay isang estudyante din sa online classes at honestly, mahirap talaga ang online classes dahil kailangan nang matinding focus. Siyempre hindi ito ang normal way nang pagkaklase kaya kailangan mag-adapt sa new method of learning. Ganon pa man, nagpapasalamat ako dahil madali akong nakapag-adjust. Marami pa rin akong natutunan kahit naging distance learning na ang setup ngayon.
Para sa akin, ang mga kasanayan sa pagsasalita (speaking skillss) ay susi para gumaling sa pag-aaral. Ito ay daan para makapag-communicate at maki-connect sa iba. Kung marunong at magaling ka sa pagsasalita ay mas nagkakaroon ka ng pagkakatain na ma-expand ang iyong kaalaman. Pinapadali rin kasi nito pagkatututo sa mga pinag-aaralan. Kaya kinakailangan mapabuti ang speaking skills natin para makapag-explore tayo at magkaroon ng oportunidad magkaroon progreso bilang mag-aaral.
Paano nga ba gumaling sa pagsasalita?
Malaki ano ang naitutulong ng kasanayan sa pagsasalita nang mainam sa ating pag-aaral. Narito ang aking mga simple tips para ma-improve ang iyong speaking skills:
Expand your vocabulary. Magbasa nang magbasa ng mga libro katulad ng dictionary o thesaurus. Puwede ring manood ng mga makabuluhang video tutorials o movies. Sa ganitong mga paraan ay makakadiskubre ka ng bagong salita na mas tugma at mainam na magamit sa pakikipag-usap. Kapag nagagamit mo nang makailang beses ay unti-unti na ring masasanay kang gamitin ang new words sa iyong kaswal na pananalita. Isa pa’y mainam na ang salitang binabanggit ay magagamit sa pag-aaral.
Importanteng malawak ang iyong vocabulary. Nakakatulong ito sa pag-unawa ng mga mensahe na nakapagpapadali upang maipahayag nang tama ang iyong nais sabihin. Siyempre malaking tulong din ito sa pag-aaral. Mas nakakapagtanong ka tama ang gamit ang klarong mga salita, gayon din ay mas nagiging epektibo kang mag-aaral sa talakayan, class report at iba pang aktibidad.
Improve your pronunciation. Mahalaga ang pagpapabuti nang iyong pronunciation o pagbigkas ng mga salita dahil maiiwasan na hindi ka maintindihan ng iba. Nakakataas din ito ng kumpiyansa sa sarili. At kapag maayos ang iyong pronunciation, nagiging magaling ka sa wikang iyong ginagamit o nais mong matutuhan.
Hindi naman kinaikailangan na perpekto ang iyong pronunciation, basta ba malinaw naman ang iyong pagsasalita. Ang pakikinig sa mga musika, talk shows, o kaya’y public speeches at mouth exercises makakatulong para humusay sa pronunciation. Malaki ang maitutulong ng pag-rerecord ng iyong boses o panalita. Parang ang weird na mapakinggan ang iyong boses, pero epektibo ito para mapansin at maanalisa kung ano ang dapat mong baguhin.
Talk yourself in the mirror. Oo ang weird nito pero effective ito to improve speaking skills. Dito maoobserbahan ang kung paano mo nagagamit ang iyong non-verbal cues, na malaki ang impact sa communication. Kapag hirap ka sa non-verbal cues, tulad ng facial expression, ay malaki ang posibilidad na iba ang dating ng iyong mga mensahe. Kung ganoon ay mahirap ka ring maintindihan.
Listen and speak. Mapapabuti ang iyong speaking skills kuing makikinig ka palagi sa mga public speakers. Ang inam pa lalo kung gagawin mo silang inspirasyon upang humusay iyong speaking skills.
Hindi naman kailangan na gayang-gaya mo sila pero treat them as your inspiration. Itong paraan na ito ay personal kong ginagamit. Nanonood ako ng mga video ng mga public speaking. Mula sa mga ito ay nakakakuha ako ng mga ideas on how can I make myself better in oral communicatio.
Be confident. Ito ang pinakaimportanteng tips para ma-improve ang iyong speaking skills. Being confident enables you to speak with clarity. It also makes you a more effective speaker. Kapag may kumpiyansa ka ay hindi ka takot na magkamali, na parte ng learning process at papabuti ng iyong pag-aaral.
Tunay na malaki ang bentahe na matutuhan ang speaking skills, lalo na sa learning. Kung iisipin ay sobrang hirap mag-aral nang walang connection sa iyong mga classmates, lalong-lalo na sa iyong teacher. Bagaman mahirap ang proseso para maging mahusay ang iyong speaking skills, pero masasabi kong worth it ito. Kapag nakikita mo na ang ang sarili mong gumaling at na-a-achieve mo ang gusto mo. Just trust the process and give your best.
This is written by- Rica Ella Canasa, a grade 11 student