Visita libingan – Graveyard visits


Na-amaze ako sa isang article mula sa Tulay (Chinese Filipino Digest) na nakuha ko sa Bahay Tsinoy. Nandoon ang mayamang kuwento ng mga Chinese cemetery sa bansa. Kung ngayon ay extravagant ang mga nitso at mausoleum ng mga ito, noong Spanish at Japanese invasion sa Philippines ay sensitive issue ito.  Gustuhin man kasi nilang magkaroon ng disenteng libing para sa kanilang yumaong kaanak, pati patay nila ay may discrimination ng mga Spaniard at sabit sa political tiff ng China at Japan noong mga panahon na ‘yon.

Hindi lang naman ang mga Chinese ang nagkaroon ng burial problem, hindi nga ba’t till now nilalakad pa rin ng Marcos Family na mailibing sa Libingan ng mga Bayani  si dating Pangulong Ferdinand Marcos? Bukod sa nakakatakot, pakiwari ko  masaya rin ang bumisita sa mga sementeryo lalo na kung maraming kasaysayan at mga sikat ang nakalibing sa mga iyon.

Manila Chinese Cemetery

chinese cemeteryNoong April gusto kong subukan namin ni Syngkit na mag-cemetery hopping (hohoho) kaso kami rin feeling weird sa balak namin. Paano Chinese cemetery pa lang tensionado na kami, iyon naman pala puwede namang mag-tour doon. Gusto ko pa naman makita ang puntod nila Josefa Llanes Escoda, Don Carlos Palanca at iba pa. Alam n’yo bang sa Manila Chinese Cemetery unang inilibing si Gat  Apolinario Mabini?

Paco Cemetery

paco cemetery 3 _ tres marteres

Puntod ng Tatlong Pareng Martir sa Paco Cemetery

Matagal ng walang kalansay este nakalibing sa sementeryo na ito, like decades ago? Pero kung papasyalan ang lugar kung saan ang pinaka-focal point ay ang cute na cute na Paco Park Church o St. Pancratius Chapel, may kakaiba pa rin itong dating. Animo’y  nililibing ka ng nakalipas este tumutulay ka sa bakas nang unang panahon. Alam n’yo ba  na rito unang pinuwesto ang labi ni National hero Dr. Jose Rizal? In fact, iniba pa ang initial ng name n’ya para magoyo  ang mga Espanyol.  Dito rin nakalibing ang Three Martyred Priests – Father Jose A. Burgos, Father Mariano C. Gomes, at Father Jacinto R. Zamora.

Cemetery of Negativism

baguio _ cemetery of negativism 3Kailangan bang seryoso ang libingan kung puwede namang satirical na lang?  Ang sementeryo na ito na kilala ring The Lost Cemetery or Pet Cemetery ay matatagpuan sa loob ng Camp John Hay sa Baguio at tapat lamang ng Bell House. In fairness, nakakatuwa at talagang tatamaan ka sa mga nakalibing dito lalo na sa mga pamatay nilang epitah.

Quezon’s Tomb (Quezon Memorial Circle)

Dito na ang final destiny ng mga labi ni dating Pangulo Manuel L. Quezon. Pumanaw siya sa New York at dun muna siya sa Arlington Cemetery.  Two years bago naiuwi sa Philippines ang kanyang bangkay na dumaan muna sa North cemetery. Hanggang sa kamatayan mahilig sa travel si Ex. Pres. Quezon.

Luneta o Rizal Park –  

Luneta

wala pa yung epic photobomber

Ito ang libingan na markadong-markado sa kasaysayan. Ang huling hantungan na ito ni Dr. Rizal ay talagang namang tourist destination at famous landmark sa ‘Pinas. Nakaka-curious lang parati yung dalawang guardia na laging nagbabantay dun.

Patalastas

Gusto ko ring marating ang Nagcarlan Underground Cemetery sa Laguna, Camiguin Sunken Cemetery,  Libingan ng mga Bayani at Libingan ni Christ sa Israel.

Nawa’y maging peaceful (mapayapa) & solemn (mataimtim) ang Undas. 

[hana-code-insert name=’Manila Travel Book’ /]



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

10 thoughts on “Visita libingan – Graveyard visits