Memorial of the Unborn Child


Noong napadaan kami sa Our Lady of Holy Rosary Parish sa Luisiana, Laguna ay napansin ko kaagad ang Memorial of the Unborn Child ng Knights of the Columbus.  Ito ay kahit bahagyang nakikita ko lamang ito sa malayo dahil sa mga naka-park na kotse.

Hindi na kailangan ng masyadong  notes sa ilalim nito para makuha ang puwede nitong ipakahulugan. Sapat na ang terminong Unborn Child para himukin ang aking atensyon. O nga pala, hinihikayat ang mga napapadaan dito na magdasal para sa mga sanggol na hindi naipanganak at maging dun sa mga fetus na biktima ng abortion.

Isa pa, matagal ko nang naririnig ang Knight of Columbus pero hindi ko alam history, mission and vision nito. Muntik ko pa itong maipagkamali sa Knights of the Round Table ni King Arthur.

Sa aking pagsasaliksik (research talaga ito) sa http://www.laguna-knights.org, ito pala ay Catholic group na ang mga members ay mga lalaking 18 taon pataas ang edad. Ilan sa kanilang gawain ay Assist with Parish Festival, Assist with Needy Families, and Quarterly Rosaries. Medyo na-curious lang ako sa Tootsie Roll Ride to Project Drive.

“The order is dedicated to family lifer and the many benefits it offers. From scholarships to service and social activities and programs all are open to the whole family.”

Wala akong kakilala  na miyembro nito pero nakakatuwa na may ganitong samahan ng mga lalaking may mabuting intensyon, makabuhuluhang gawain, at may matibay na prinsipyo. Mabuhay po sa samahan na ito!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

4 thoughts on “Memorial of the Unborn Child