Partly, I’m fond of vintage or antique stuff pero dahil sa mga kagaya ng Halimaw sa Banga (hindi ko pa napapanood ‘yong Segunda Mano) ay duda akong tumangkilik. Mas gusto ko na makapagtago ako ng luma o makatanggap ng bagay na alam ko kung kanino nanggaling. Basta ang ilan sa luma sa thrift shop con room ko (chus) ay typewriter na nabili raw bago pa ako ipinanganak, isang libro na pagmamay-ari ng isang namayapang abogado, at ang aking disc phonograph player.
(Invitation! please SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel for more travel tips and stories. Salamat and Mabuhay 🙂
Sa Remnants na isang thrift shop ay maraming makikitang old books, cameras at audio players like Walkman and cassette tape players. Pero karamihan na nakita ko ay mga bote ng alak at iyon nga mga plaka. Iyong naunang nakita kong may cover ni Michael Jackson na nakatago sa ilalim ng mesa, akala ko plaka ng Dangerous, iyon pala ay LD na sabi nung tindero. Tagal ko rin inisip kung ano iyong LD (Long Distance? Long Play> dapat LP ahhh Lengthy Disc) ayon naisip ko ring Laser Disc. Hahaha!
Medyo kailangan lang na maging maingat sa galaw dahil maraming gamit sa loob. Isa pa knowing na mga luma na ito kaya mas delicate ang skin. Hehehe. Hindi naman ako nangati pagkatapos maghahalungkat at hindi rin ako binangungot masyado noong nauwi ko ‘yong mga napamili ko.
Pingback: The F#%K Art Exhibit @ Cubao X | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Sparkbook: my upbeat journal/ planner | aspectos de hitokiriHOSHI
May idea ka ba kung magkano yung books at may mga magaganda ba? Mga tipong Sartre-ish. :)) Salamat! Parati akong nandito nung college, ngayon kasi wala nang time.
sorry janinegerz pero pagdating sa book hindi ko na naitanong pero if you like at para hndi naman masayang yung pagpunta mo roon, tawag ka muna sa kanila ( na nasa itaas din)
maraming salamat sa pagdalawa at sana nandoon ang iyong hinahanap.
mabuhay!
Oh, I love it there too, Hoshi!
Idagdag pa yung mga kainan dun, esp Halo! Love it there! 🙂
Hi Brainteaser! Welcome sa Hoshilandia Jr!
Naman, iba ang feeling no?! Once pa lang ako nakakain sa Halo, sana makabalik ulit at ma-try pa iyong iba.
ahaha, nakapunta na ako ryan dati. nagtingin-tingin lang, di ako nagtanong ng presyo. mura pala… :]
naku pareho tayo noong una. kinakabahan ako na magtanong man lang kasi ini-expect ko nga na mahal. pero yung nabili ko na na candle holder mas mura pa doon sa halaga na pambili ko. hehehe
tiba-tiba dito yung may mga plaka player. hohoho!
bakit puro michael?
nasan si wifey?
ilabas mo sya!
hehe
natural doon na ako sa pinakasikat. buhahaha!
saka papayag ka bang antique na asawa mo, siempre hindi di ba.
doon pa siya sa nasa malls. hohoho! peace tayo Ralph!
I love their thrift shops, lalo na when buying second hand books. And some stores are selling artworks by independent artists.
hi Gene and welcome sa Hoshilandia jr!
oo nga dami nilang libro. may isa ngang inalok book about michael jacksom. kasi hindi ko muna kinuha kasi dami ko pang librong babasahin. ang itse-check ko sa sususnod ay yang sinasabi mo na artworks. gusto ko ang mga ganyan kahit makuhaan lang. pwero kung mura puwede naman akong bumili. hehehe
salamat sa pagbisita at mabuhay!
ate Hoshi, lezgo to Cubao X together 🙂
sure! kailangan lang ma-set yan ng bongga at isama natin si Shea, if you know her…
mabuhay!
Yan ba yung U Shaped na area na punong puno sa likod ng cubao na punong puno ng mga stalls and mini restos?
ito nga yun Kuya Verne. hehehe!
Wow! mahilig ka talaga sa mga collections at mga antique pa yata ang mga yan. Saang part yan ng Cubao? matagal tagal na rin akong hindi nagagawi sa Manila.
Medyo pa lang kuya, pero tingnan natin sa mga susunod na araw. hehehe!
Ito yung dating Marikina Shoe Expo. Halos katapat siya ng dating Rustan at nasa hilera ng Ali Mall (nasa kanto ng P. Tuazon).
Napakahilig kong bumili mula sa mga thrift shops! Marami na akong nabiling mga bargain talaga. Gustung-gusto ko diyan sa Cubao X. Bumili ako ng mga vintage postcards diyan sa Angel Store.
Hi Michelle B and Welcome dito sa Hoshilandia Jr!
wow, good news ‘yan and mai-share ko nga dun sa kakilala kong mahilig mag-collect ng stamps and post cards. Kailan ka pa nakapunta sa store na ‘yan? Yung napuntahan ko pa lang kasi that day ay yung Remnants at The Reading Room.
Salamat sa pagbisita at mabuhay!
visiting thrift shops is a very interesting activity. I think, it’s best to do it when you are about to build your own house. Coz you’d really get a lot of good bargains 🙂
That was the first time I visited a thrift shop on my own. It was very interesting and refreshing because most of the time, we go to mall or somewhere like Divisoria. Apart from that, I’m into novelty, artistic/creative, recycled thingy than high tech gadgets.
thanks po sa pag-visit, napa- English ako. hohoho! Mabuhay!
Mukhang interesante sa Cubao X – noon ko pa naririnig yan, pero hindi talaga ako encouraged na magpunta sa Cubao kahit noon pa. Feeling ko may masamang mangyayari sa akin doon. LOL.
Mabuhay sa semi-bago (kasi hindi pa kumpleto) na theme mo! Level up!
Ako laging napapadaan dyan pero paminsan-minsan at paisa-isa lang yung napapasok kong mga shop. Kahit saan naman lugar ay kailangan mong mag-ingat, mas marami lang kasing tao sa Cubao mula sa iba’t ibang antas ng lipunan (wahhh ang makata, bow!)
Salamat! Courtesy yan ng Verjube Photographics at sa malaking tulong technical ni Oliver Calingo! hohoho!