Social Good Summit: What’s the purpose of your Social Media?



Social Good Summit in Manila 
organized by Rappler of Maria A. Ressa and TweetUpManila was different from other blogging events that I attended – because the core of the conference was to persuade people to utilize social media for good purpose.

Inspired by Rappler’s Mood Meter hayaan n’yong gamitin ko ito para magkwento sa event.

Sad

Ewan ba naman kung bakit ang daming event (na interesado ako) na sabay-sabay na idinaos noong mga panahon ito.  Kaya medyo nag-alangan ako nung una na magpunta rito pero ang nag-motivate sa akin na tumuloy ay:

  1. Free admission
  2.  Mapapakinggan at makikita ko in person sila (dating) Tourism Sec. Ramon Jimenez Jr., (dating) Communications Sec. Ricky Carandang, Tim Yap, Chris Lao, Bianca Gonzalez at Maria A. Ressa.
  3. Matutuhan ko tungkol sa paggamit ng Social Media

Annoyed

Tourism Sec. Ramon Jimenez

Hindi ko naman masisisi ang iba na hindi makapunta sa event na ito dahil maraming puwedeng dahilan. Pero kung tutuusin interesante ang t ang Social Good Summit (global event organized by Mashable) dahil maraming Pinoy ang active sa iba’t ibang Social Media sites. Ayon nga sa research ni ex Sec. Carandang (September 2012):

  • Out of 98.5 million Filipinos, 31.6 million dito ay internet users
  • In Facebook, pang-number 8 sa buong mundo ang mga Pinoy dahil 29.6 million sa atin ang may account.
  • 5.08 million naman ang may Twitter account
  • Pang -top 3 naman tayo sa Asia na sumisikat  active sa Youtube.

Na-realize ko rin na marami sa  atin na tumatangkilik sa social media pero bibihira ang may interest na malaman kung paano ito magagamit nang tama at sa mas makabuluhang paraan.

I Don’t Care

Mag-isa lang akong nakapunta pero wala-akong-pakialam kahit inaalala ko parati kung kanino na naman ako magpa-picture. Hehehe! Iyong nalaman ko, investment ko ‘yon sa pagiging netizen.

Alam mo ‘yong gutom ka sa magagandang aral sa teknolohiya, sa mga bagay na may kinalaman sa gusto mo at sa lipunan, hindi ka dapat papipigil dahil nag-iisa ka. Kapag gusto mo, gusto mo!  

Patalastas

Ang investment na ito ay hindi babalik eksaktong pera pero naroon ‘yong feeling rich ka sa  knowledge sa matagal na panahon. Sa pakikinig sa mga ibinahagi ni Chris Lao at ang mga quotable quotes ni Tim Yap pa lang, solve na!

Amused

Nagkaroon ng ibang imahe sa akin ang mga speakers lalo na nga’t nasa harapan ko lamang sila at nagbabahagi ng kanilang mga sentimiento.  Mukhang seryoso sa buhay at sa kanilang  trabaho sina Carandang at Jimenez pero approachable naman.

Base sa kanilang ulat, malaki nga ang pakinabang government  at ng publiko sa mga kagaya ng Twitter, Facebook at blogs.

  • Madali nilang naipaparating ang impormasyon, as is (hindi ‘yong lalagyan pa ng ibang angle ng media)
  • Nagkakaroon sila ng interaction sa mamayan
  • direktang na-e-explain ang kanilang  panig
  • mas broad and effective ang dissemination ng news

Hindi nga ba’t  marami na ngayon ang naka-follow sa twitter account ng MMDA for traffic updates, PAG-ASA for weather report at  Project Noah.

Amused din ako sa simpleng kulit ni Gonzalez, ang geeky pero motivating na style ng speech ni Ressa, ang law and psychology ni Lao, at sa iba’t ibang photo booth sa paligid ng summit.

Inspired

May common denominator ang bawat talk, pero iba-iba sila ng style at nais iparating. Like sa tourism, hindi na lamang mga Pinoy ang na-e-encourage na suportahan ang It’s More In the Philippines campaign kundi maging ang mga dayuhan na nakakatanggap ng share or retweet. Maniniwala ako na tumaas nga ang bilang ng mga dumarating na turista sa bansa dahil patok sa Internet ang kanya-kanyang masasayang reasons ng mga Pinoy tungkol sa Pilipinas.

Kung tungkol naman  sa cyberbullying maraming masasabi d’yan (siguro  hiwalay na post ko rito) si Lao. Sabi n’ya ay napakalaking impact sa kanya ng mga na-receive niyang comments at hanggang ngayon ay nasa healing process pa rin siya.  Mabuti hindi niya naisip na mag-Bullicide gaya ng mga ibinigay n’yang halimbawa – ang kaso nila Megan Meier at Ryan Halligan.

Nakaka-inspire din ang talk ni Gonzalez (na gagawin ko rin ng separate post) na may kinalaman naman sa Twitter.  Pero sa lahat ng nagsalita, sobrang espesyal ‘yong segment ni Ressa.  Parang good combination kasi ng voice niyang smooth pero audible tapos sini-sense hindi lang ‘yong thinking kundi pati emotion mo.

Pero sa kabuuan, ang nais niyang iparating ay kung ang bawat internet/social media users ay  mag-share ng relevant thing, hindi malayong makabuo ito ng malaking ingay o sabihin na nating people power revolution   para sa Social Good sa Internet.

Happy

Iyon ang ending ng mood meter ko.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

12 thoughts on “Social Good Summit: What’s the purpose of your Social Media?