10 Twitter Rules of Bianca Gonzalez


Mas mahilig na ako mag-Twitter kaysa mag-Facebook. Ang dali kasi nitong  mag-access  sa phone ko, na not so latest, at  mas madali rin na makipag-communicate. Sa 140 characters, active ka na sa social media. Saka marami akong followers dun  na strangers/foreigners.

Bianca Gonzalez Twitter Personality
Bianca Gonzalez

Pero  like sa ibang social media  sites  kailangan din na aralin ang perks  and  limitations nito. Characters  pa lang dapat alam mo ng  i-maximize. Noong una, hindi ko masakyan ang ganda ng Twitter pero eventually  after thorough mediation (chuz)  ay na-pick up din ng not so narrow at so wide kong kokote ang ganda ng Twitter.  Heto na nga’t panay na ang gamit ko at nakakilala ng iba’t ibang tao na hindi lamang pang-blogging kundi sa arts, business, personal finance, entertainment  at kung anu-anong anik pa.


In Social Good Summit in Manila, isa sa nagbigay ng cool at informative tool tungkol sa social media ay ang  TV Host at active Twitter user  na si Bianca Gonzalez.  Medyo fan  ako niya  hindi lang sa hosting, kundi sa kabuuan ng kanyang personality. Hindi mayabang, simpleng porma, intelihente, at may kumpiyansa.  Iilan lang ang morena  na  proud sa kulay nila and I admire  them. Ang mga sumusunod ay ang payo n’ya at sinamahan ko ng aking sariling comment:

1. Post online what you can say in real life – Bianca Gonzalez

Sabi niya may iba na kung makapag-post sa Twitter ay terrible ang mga words. Iyong akala mo ay kaya nilang sabihin face to face.  Siguro magagawa mo makakuha ng followers  at makapagbigay ng impression sa iba na ganito ka,  pero eventually  lalabas din ang  totoong ikaw. Be true and be decent!

2. On Bashers: Ignore them or Just Be  Nice.

Nakatikim din ng pangti-trip ng bashers ang isang Bianca Gonzalez. Sa kwento n’ya tungkol sa isang experience n’ya ay kesyo bad daw ang ugali niya at may pasabog na laban sa kanya.  Sa bandang huli ay umamin din  ‘yon na tini-test n’ya lang ang patience  ni Bianca.  Actually, ang biktima ng mga bashers ay mga celebrities. Pero para sa akin, malalaman mo ang temper ng celebrities depende  sa kanilang reaction sa kanilang mga bashers.

3. It won’t hurt to Retweet.

Isang powerful tool ang Twitter to disseminate information and  once you get one — from  your  followers or pina-follow — ay retweet na! Parang equivalent ang saya nito sa comment na natatanggap mo  sa blog. Saya-saya ko kaya nung i-retweet ni Noel Cabangon ang isang tweet ko na ni-retweet ko lang din hehehe. Iyan ay bukod pa sa direct message sa akin ni Bianca mismo.

4. Be sure  to credit what you retweet

Sa word na “credit” lalo na kung may kinalaman ito sa intellectual  property right or copyright, I think ang isang taong may delicadeza, pagpapahalaga sa sining, at paghihirap ng gawa ng iba ay automatic na magbabanggit ng source  ng kanyang retweet o na-share na content.  At kapag makalimutan at magkamali, puwede namang mag-sorry.

Patalastas

5.   Be careful  before retweeting

Bianca Gonzalez _ be twitter user

This is true at talagang mag-ingat tayo. Ang daling makakuha ng wrong information o fake news at mai-tweet ito.  Hindi lamang ito nakakaapekto sa iyong image sa Twitter, kundi  maaaring makasama sa ibang  nagbabasa  sa iyong mga  Tweet. So careful-careful!

6. Make  friends,  but also do not trust blindly

Ang pag-iingat talaga ay hindi natatapos sa real life kundi virtually din. After all kahit dumadaan sa machine at programs ang mga kabagayan sa social media , tao pa rin ang gumamit nito. At ikaw ay kagaya kong tao- marupok, may kahinaan at nadadarang din. Hohoho!

7. Be constructive and not destructive

Gaya nga sinabi ni Bianca puwede ka namang mag-comment na against, pero dapat mag-stick ka sa issue at hindi  sa ibang bagay.  Kapag may ginawa ang isang tao na mali, punahin mo siya sa  pagkakamali niya hindi dahil sa physical n’yang anyo.

8. When big News breaks, Be Sensitive

Ang mahirap sa Twitter, para kang nagbo-broadcast sa sambayanan kada tweet mo. Naiintindihan natin na may kanya-kanya tayong sitwasyon pero siguro with or without calamity ay hindi kailangan ng ibang tao ang masyadong mayabang. Iyan ay lalo na kung kung irrelevant.

9. Keep vanity in moderation

bianca gonzalez twitter rules

Bianca Gonzalez is one of then beautiful Morenas I know

Nakakatuwa at nakakatawa ‘yong example ni Bianca about sa item na ito kasi totoo naman.  Naiintindihan ko na may mga tao, especially girls, na mahilig mag-picture  ng sarili nila  pero sa totoo lang hindi ko masakyan ang gawaing ‘yan. Biruin mo  pagbukas mo ng wall mo, puro picture ng isang tao na puro close up ng mukha niya lang.

10.   Live in the present

Alam n’yo nakakatuwa na  easy na maka-access sa internet at sa mga social media.  Pero  gaya nga ng sabi ni Bianca may buhay pa rin tayo offline.  Super agree!

my twitter page is https://twitter.com/hitokirihoshi

follow na!

 Here’s the video of Bianca’s talk 

here’s the article of Rappler’s about her

 


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

16 thoughts on “10 Twitter Rules of Bianca Gonzalez