Movie Review: The Wolverine is Dramatic & Oriental


Hindi man ako fan gaano ng fairy tales,  mahilig naman ako lately sa mga mutant or superhero movies. Isa rin sa tipo ng mga kino-collect ko.  Pero  so far, aminado ako na mas favorite ko ang Ironman, Spiderman, at X-Men. Ano ba ang pinagkaiba ng X-Men sa ibang  fantasy films? Mutant sila na puwede nilang piliing maging malakas pero lumalabas ang kanilang weakness and fear. Kahit pa si Wolverine, ang immortal  at metallic na mutant.

The Wolverine vs. X men Origins: Wolverine

Between  kay Logan at Scott Summers (Cyclops) mas trip ko ang huli.  Pero nung ginawa yung live action parang napaisip ako nang bongga, si Hugh Jackman kasi ang macho! Hehehe! Pero bagay naman talaga si Hugh sa character  maliban sa ang macho n’ya kaya hindi pa siya napapalitan. Basta ‘yung kaangasan niya hindi natatanggal ever.

Mas maaksyon at tingin ko mas ma-appeal sa mga lalake ang X Men Origins: Wolverine (2009) kaysa itong The  Wolverine (2013). Sa una ay marami-rami rin ang familiar faces like Ryan Reynolds (The Proposal)Liev Schreiber (Salt), Will.I.Am (Black Eyed Peas),at  Daniel Henney (Korean actor – My Name is Kim Sam Soon & Spring Waltz). Bukod pa dyan sa umaatikabong aksyon, parang sige lang ng sige.

Dito sa The Wolverine, medyo ma-dialogue pero humanistic, it explores ‘yong thought ng grace of death . Maganda rin na isa sa binigyan nila ng special feature ang pagha-harakiri (honorable suicide of Samurai) ng mga Japanese.

Oriental touch

Kung okay sa iyo ang mga Asian films na lalagyan mo ng isang Hollywood actor, gorah sa panonood ng The Wolverine.  Hindi ka naman madi- disappoint dahil bukod kina Hugh Jackman at Svetlana Khodchenkova (as Viper) ay halos Japanese na ang cast. Pamilyar ako kay Will Yun Lee (Korean pala s’ya) na nauna kong napanood sa Elektra (starring Jennifer Garner) at Total Recall (Colin Farell) na nakakapanghinayang na supporting cast. Loser na loser kasi ang peg n’ya rito, eh ang galing-galing pa naman n’ya sa bakbakan to the max. Dito kasi dinuraan lang s’ya,  patagong lumaban at pang-rebound sa love life.

Between naman kay Mariko (Tao Okamoto) at Yukio (Rila Fukishima), mas exciting  and interesting si Yukio maliban pa sa red ang hair at kakaiba ang itsura n’ya.  Itong si Fukishima ay magandang maisama sa any adaptation ng anime like Rurouni Kenshin dahil sa kanyang look, aura at style sa pakikipaglaban. Magaling din naman umarte ang Japanese na ito kahit minsan hindi ko makuha ang sinasabi niya. Sa bagay, isa naman ‘yan sa isa kong marereklamo sa kabuuan. Hindi sa accent e kundi parang mahina ang boses ng pagkaka-dub.

Hindi ko mapigilan pero, nako-compare ko si Tao Okomoto kay Koyuki na leading lady naman ni Tom Cruise sa The Last Samurai.  Hindi sa labanan ng  kagandahan o kaseksihan ha,  dahil pareho naman silang maganda -kundi yung pagpapares. Malayo ang built ng katawan nila Hugh at Okomoto na nung nagtabi sila sa higaan, mapapa-oops ka. Minus naman doon sa ganoong aspect ay nakakadala rin ng damdamin ang kadramahan si Okomoto.  Alam mong traditional s’ya kaya pumayag s’yang makipag-you know kay Wolverine.

Patalastas

The Gratitude is Revenge

Isa sa masakit sa pagtulong ay tinulungan mo na ikaw pa ang babanggain. Para hindi ka naman ma-ano kung manonood ka ng film na ito (pagkatapos basahin at mag-comment sa blog na ‘to), ayoko munang magbigay ng detalye kung sino pero masarap lang kutusan yung nangganito kay Wolverine.  Alam mo ‘yong minsan ka na nga lang maging mabait at tinodo mo ‘yong bait pero ito pa ang igaganti sa iyo.

Ito naman ang gustong-gusto ko sa The Wolverine, kahit parang dragging ‘yong execution ng mga scenes at dialogues- thrilling ang story-line.  Maganda yung internal conflict sa pamilya ng mga Yashida.  Hindi mo man masundan ang pinaghuhugutan ng dilemma ng mga character may klaro naman silang aim at dito naman interesting ang pasok ng characters ni Shingen (played by Hiroyuki Sanada) at Yashida (Hal Yamanouchi).

Ratings:

Drama: *****

Action:***

Comedy:

SFX:***

Story:****

Warning: Huwag kaagad lumabas o magwewee after ng credits. may 2 powerful gorang na a-appear. 😉



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

8 thoughts on “Movie Review: The Wolverine is Dramatic & Oriental

  • Rogie

    ewan ko pero sa tagal ko nang nanonood at nagbabasa about xmen, parang ngayon lang nasasabi or naeemphasize ang pagiging “immortal” diumano ni Wolverine. Ang alam ko lang may healing ability siya bukod sa malakas na sense of smell niya as his mutant abilities (not his claws). Pero alam ko may limit yun and hindi siya imortal. Pag may bumali ng likod niya or leeg, deads siya for sure. hehehe.

  • Nortehanon

    Ay, ako rin like ko si Wolverine. Yung sa Origin, nabitin ako dun sa ending, yung naglalakad si Wolverine palayo tapos wala na siyang memory. Parang gusto ko pa may kasunod, may resolution yung memory loss niya hehe