Apart sa panonood ng mg dance flicks medyo may konting hilig din ako sa mga Hollywood action films na ang bida ay mga babae. Sad to say kasi wala pa atang magaling o believable female actress na puwede sa mga action dito sa bansa. Kung hindi drama, ay comedy ang madalas na genre kapag bidang babae ang binebenta. Pero puwede siguro dyan si Angel Locsin kung maganda ang project. (sorry rafter!) anyway,
ito ang Hoshilandia’s top female action films
7. Tomb Raider – hindi ko masyadong type si Angelina Jolie pero sa Tomb Raider gusto ko siya lalo na yung sa first part ng movie. Sa makapal este pouty pa lang niyang labi ay in action na kaagad moood ng girlalu na ito. Sana lang ay magawa ko yung kung paano s’ya mag-exercise. wahahaha!
6. DOA (Dead or Alive) – according sa aking bubwit (Wikipedia), flop ang film na ito pero i don’t care. Mas naniniwala ako sa recommendation ni Pao Iglesia na maganda yung movie. siempre don’t expect naman na pang-award winning yung acting at yung flow ng story. siguro kaya rin okay for me ito kasi ‘di ko naman ito kino-compre sa original (computer game) dahil hindi ko naman yun alam. Kapag ang Bookworm ang ginawang live action film ah kalokohan na yun!
5. So Close – Para itong Charlie’s Angels pero iba ang flavor at atake. Gustong-gusto ko yung intimate set-up ng ikot ng istorya sa mga bida plus yung twist ng mga action scenes. Eh alam nyo naman ang mga Chinese parang live animation ang dating nga mga stunts, sobrang cool! Sa aking pagkakaalala ay it was big project noong 2002 considering na pinagsama-sama ang mga popular sa Asian female stars from Taiwan/Hongkong (Shu Qi), Hong Kong (Karen Mok) and China (Vicky Shao) plus nandito rin si Song Seung Hun na isang Korean actor na kilala sa kanyang role na Johnny sa Endless Love 1.
4. Charlie’s Angels – mapa-part one or part two I super like Charlie’s Angels. pero kung papipiliin ako sa dalawa, mas gusto ko ang una (as always naman e). Tama ang timpla ng film na ito kasi nandoon yung astig na talents nung bawat isang member pero ipinapakita rin yung kanilang soft side. As a star, gusto ko lang sa kanila ay si Drew Barrymore pero sa character sa movie mas trip ko yung role na Alex Munday ni Lucy Liu. Hindi lang ako naniniwala na masyado siyang lapitin ng mga guys tas patatahimikin niya. shhhhh!
3. My Wife is A Gangster (Jopuk Manura) – tatlo yung part nito pero yung last hindi na yung bidang korean (Shin Eun-kyung ) na ang star kundi si Shu Qi. Gustong-gusto ko siya as in at nai-imagine ko talaga ang sarili ko na ako yung bidang babae pero puwede yung mukha ni Shu Qi na lang hehehe. Okay naman yung bidang Korean wala akong masasabing pangit sa kanya mas maganda nga lang si Shu Qi sa kanya. hehehe. Balita ko isa ito sa susunod na ia-adapt sa Hollywood.
2. Kill Bill – Ito ang isa sa mga hina-hunting kong films na sana ay mag-sale para masama sa collection. Honestly,i believe ay baka mayroong mas fit sa role ni Uma Thurman but hindi ko sinasabi na hindi niya nabigyang justice ang kanyang karakter. Kakakaiba itong film na from presentation, editing, effects (so bloody effects), stunts and action moves. Gusto ko yung mga scenes na dinukot ni Black Mamba (Uma) ang mata ni Elle Driver (Daryl Hannah),ang bloody na bakbakan sa the House of Blue Leaves sa Tokyo, at ang Five Point Palm Exploding Heart Technique.
1. Elektra – this is my favorite female action film so far. Kagabi pinanood ko siya ulit at pina-ulit-ulit pa ang favorite scenes dito. Gusto ko rin kasi ang built ng body ni Jennifer Garner and ang movie na ito ay proof na okay talaga siya sa action. Medyo dark ang mood ng story pero yung angas at galaw ni Jennifer as Elektra wahhh galing!!!
next target kong tingan ay ang Resident Evil at Violet.. at ang interesting independent action film na Slasher Star.
Pingback: Movie Review: Gabriela (part 2) - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: My Shining Shimmering Korean Stars - aspectos de hitokiriHOSHI
Ung Naked Weapon the best talaga para sakin ang Pogi ni Daniel Wu Lalo na si Andrew Lin ung bad Guy si Maggie Q din maganda…..
just read your blog. :)) haha! agree din ako! try mo Resident Evil lahat ng sequels. ASTEEEEEG! 😀 hmmm, Serenity din ganda. tapos, SALT. :)) pati Aeon Flux. :))) yun yung mga favorite ko eh. HAHA! 😀
hi Kevin,thank you sa pagbisita sa Hoshilandia!
napanood ko na yung Resident Evil, Salt and Aeon Flux… naalala ko nung nanood ako ng Resident Evil nakahuli ako ng daga. feeling action star din ako. hahaha
sige hahanapin ko yang Serenity.
mabuhay!
Pingback: The 5 celebrities I currently admire | aspectos de hitokiriHOSHI
i like my wife is a gangster too.
isn’t nice to watch a film that the lead actress is strong and powerful?!
Pingback: slasher star (sci fi inde-film) « kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI
Agree ako sa number 3 at 4. :p
aba alam ni len armea ang my wife is gangster?!
revelation yun ah
bakit walang jodie foster dito?
silence of the lambs?
panic room?
flight plan?
the brave one?
really?
kunwari di ko nabasa yun last statement mo
hehe
last statement? baka naman yung first? wahahaha
sige isusunod ko yang mga sinabi mo. thanks sa suggestion.
malay mo mabago na ang list ko sa mga susunod. si-share ko ang review ko sa mga yan once na mapanood ko na.
di ba angel raft3r?! nyahahahahahahahahahahahahahahaha!
again
di ko napansin yun last sentence sa reply mo sakin
ah ok, got it angel raft3r! nyahahaha
akala ko pahabaan ng nguso ito haha
mahilig din ako manuod ng action film kapag may time manuod ayun gusto ko din si drew barrymore i love her hahaha ilan lang yata napanuod ko dyan pero yun charlies angel napanuod ko lahat yan..
hi lambing! welcome sa hoshilandia! na-miss kita.
yes mga Barrymore admirers pala tayo.
mabuhay!
sensya na ganto talaga kapag patakas lang mag net hahaha
pasulpot sulpot lang 😉
ah ganun ba. okay ang yun. at least buhay na buhay pa rin ang blog mo. may chance pa tayo magkaroon ng communication.
thanks sa pagsulpot mo dito. i really appreciate it!
mabuhay!
At saka UNDERWORLD pala! Kate Beckinsdale FTW!
gusto ko yang underworld. pero pinanood ko siya na malabo yung kopya. kaya panonoorin ko ulit. kapag nagustuhan ko yan ay isasama ko yan sa next collection ko.
mabuhay!
Try mo yung Le Femme Nikita saka yung Alien. Wala na sigurong mas aastig pa Sigourney Weaver na nakikipagface-to face sa alien na asido pa ang laway.
parang napanood ko na lang le femme nikita pero hindi ko na matandaan, itse-check ko na lang. peru yung alien na yan baka hindi ko magustuhan. kadiri e. hahahaha
Talaga? Maganda yung Elektra? Sabi kasi ng kapatid ko boring kaya hindi ko pa pinapanood.
oo maganda para sa akin pero baka hindi trip ng kapatid mo. hanga kasi ako sa katawan at astig ng galawa ni jennifer garner doon. saka walang masyadong about sa love scenes puro action scenes. wahahaha
Kill Bill lang ang napanuod ko dyan sa list mo, siguro dahil hindi ako masyadong mahilig sa bakbakan. Pero medyo mahilig naman ako don. Ewan ko ba bat yan lang napanuod ko dyan. Hahaha.
Anyways, napanuod mo na ba ang Naked Weapon? Isa yon sa mga pinakamagandang movies na napanuod ko na babae ang lead roles. Pero dalawa sila. Astigen ang action, saka ampuge ni Daniel Wu. Yon lang. :p
Oops. Napanuod ko ren pala ang Charlie’s Angels.
ayos ba?
sino gusto mo doon?
yes napanood ko na. oo guapo ni daniel wu at maganda si magie Q. pero gaya ng sinabi ko kay sows…
“okay din ang naked weapon, maganda ang bida rin at astig din naman yang mga fighting scenes. pero parang na-o-overpower ako ng mga loopholes ng istorya. medyo hindi ko trip ang screenplay. unbelievable na sa tagal ng panahon na mula bata pa lang ay sinasanay mo na then isa lang pala ang kukunin mo doon sa maraming kinidnap (then ginawa na lang 3). hindi ba’t waste of time yun? at part din ng training ang pagpapa-rape? kalooka. saka medyo intriguing yung age gap between sa bidang lalake at bidang babae, although trip ko ang tandem
waaaaa.. wla akong hilig s action ahahha.. Ang gusto q LNG ay drama or fiction eheheh
at gusto q c angel kya korek k Jan..bagay s knya lht ng roles 🙂
okay lang yun, kasi sa action din bihira or dapat wala kang i-expect na msyadong drama. saka ang girls naman bihira ang nagkakagusto sa action.
anyway, siya lang talaga ang naiisip ko na puwede makagawa niyang action-drama genre sa henerasyon ngayon. yung built ng katawan niya at astig ng porma kapag makikipaglaban.
ay gusto ko yang so close ate hoshi! tapos alam mb, ung gelay dun na si shuki eh me kahawig d2 sa ofis at pinagkakaguluhan d2 sa ofis. maganda din po ung naked weapon kc may epek xa na binabali nila ung spinal column ng tao. tapos tapos.
haha.
:p
korek super ganda nyang so close na yan. aba’t tingnan mo nga namana ng suerte ang hawig ni shu qi nasa office nyo. well more power sa kanya, mahirap ang pagkaguluhan. nadama ko na yan eh, joke!
okay din ang naked weapon, mganda ang bida rin at astig din naman yang mga fighting scenes. pero parang na-o-overpower ako ng mga loopholes ng istorya. medyo hindi ko trip ang screenplay. unbelievable na sa tagal ng panahon na mula bata pa lang ay sinasanay mo na then isa lang pala ang kukunin mo doon (then ginawa na lang 3). hindi ba’t waste of time yun? at part din ng training ang pagpapa-rape? kalooka. saka medyo intriguing yung age gap between sa bidang lalake at bidang babae, although trip ko ang tandem nila.