Boracay Island in the Philippines is one of the dream destinations in the world with its white sand, clear water and fantastic view. Thank God, I finally experience this tourist spot together with my dearest friends.
Note: I’ll just share my experience and lessons to encourage you to come. I can’t guarantee that my tips are budget friendly because my ‘galante’ friend Cherime treated us to enjoy this wonderful trip.
Boracay Resort: check online or ask travel agencies
Nakakahiya na mas marami na akong napuntahan pero olats pa rin ako sa paghahanap ng maganda at affordable na Boracay packages. Good thing may kakilala na travel agency si Che na nahanapan s’ya ng airfare tickets at hotel na swak sa budget. Actually, mahal pa rin yung expenses sa ticket at hotel kasi bukod sa station 1 ang gusto ng kaibigan ko, Holy Week (peak season) pa ang date na puwede s’yang gumala. So I guess para makatipid, piliin ang date na hindi peak season at baka may menus sa ibang station ng Boracay. By the way, mas mura yung nahanap namin kaysa lahat ng na-check namin online.
What’s with Station 1
Sabi nila ay sosyal daw sa Station 1 at isa rin sa inasam namin ay makakita ng artista pero waley kami nakita na trip namin. Subalit kung bihira ang artista, sagana sa foreigner ang station 1 (siguro meron din naman sa iba). Sa aming estimate ay nasa 75% ang naroon ay mga banyaga gaya ng mga taga-Europe, taga- Middle East (nakatabi at nakausap ko sa airplane ay taga Saudi Arabia), Australian ( hula ko sa nanghingi sa amin ng bayabas), Chinese, Korean, Malaysia, American, at iba pa.
Ang nakakatuwa na pagmasdan for me ay yung parang nagiging local na rin yung mga dayuhan na parang komportable silang mag-iikot at ang mga taga-Boracay mismo ay sanay na makihalo-bilo. Pansin din namin ang pagkakaiba ng buhangin kahit mismo sa station 1 pa lang. Pinong-pino at puti ang bunagin na puwede nang isipin na dirty powder or white cement. Pero may ilang bahagi na may mga lumot or algae sa dalampasigan, I’m not sure kung ano ang indikasyon nito pero may nagsasabi na resulta ito ng polusyon pero mayroon din nakapagsabi sa amin na ito ang dahilan kung bakit white sand beach ang Boracay. what do you think?
Boracay Island Nightlife: fire dance, food trip and more
Hindi uso sa akin ang nightlife dahil sa maraming rason, pero kapag nasa Boracay ka na ang hirap magdahilan na wag kang magkaroon ng social life sa gabi. Pero actually, gustong-gusto ko mag-night swimming dahil safe and enjoy lang ang drama sa Bora.
Isa pa nga sa ikakatuwa ng mga sanay sa urban living ay halos lahat ng uri ng establishments na hinahanap ng turista ay nakahilera sa dalampasigan mismo. Yes, wag kabahan kung hindi nakapag-withdraw sa ATM dail mayroon doon na mga machines at bangko, food chains at siempre money changer. Iyong pagka-commercial ng lugar ay puwedeng ayaw ng iba pero pabor sa nakakarami. I think for as long as hindi nakakakadumi at nakakaapekto sa dagat ang mga tindahan na ito ay wala namang problema. Nakarating na rin kasi ako sa ibang beach na madalang ang tindahan, pahirap kahit pagbili man lang ng drinking water at biscuit.
Samantala, isa sa madalas na mapapanood sa mga bars and restos especially sa open-air side ay ang fire dances at live bands. Iyong mga fire dancer akala mo talaga hindi apoy ang hawak dahil sa bilis at galing sa pagsayaw. Sa ibang banda, may ilan ding kabataan na gumagawa ng sand art (di ko masabi na sandcastle kasi hindi naman castle) na kung gusto mong magpa-picture ay bigyan mo na lang ng tip ang gumawa nito.
Dagdag ko na rin sa kagandahan ng nightlife sa Bora ay ang yaka na bumili ng gabi kung katamad sa tanghali o umaga. Maraming mabibilhan ng souvenir items and iba pang pasalubong sa paligid kaya huwag manghinayang na mag-ikot-ikot. Kami, sa D’ Mall napadpad at dito maraming tindahan doon pero sabi nung napagtanungan namin ay mayroon din sa station 3 na mas mura.
another article: Is it worthy to visit Boracay ?
[hana-code-insert name=’Boracay Travel Book’ /]
Nakaka tuwa basahin ang blg post mo kasi natural na Tahalog. anyways! Boracay is my dream vacation also peru hindi na ngayun for so many bad reviews it discourage me a lot.
http://itsbeyondimaginations.blogspot.com/
salamat sa iyong pagbisita at comment sa aking blpg post 😉
Oo nga sad na may bad reviews about Bora and puwedeng ikaw rin ang magkaroon ng ganito pag doon ka na. Pero I think better na kung may chance ka, i-visit mo pa rin to know what’s the fact and mere opinion lang. Mabuhay!
Pingback: How To Retire Earlier Than Usual? - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Boracay: Place to Visit in the Philippines to enjoy water activities, nature’s beauty