Madalas kong sabihin dati na isa sa kinatatakutan ko kapag yumaman ako MASYADO ay yung tipong pati paglalakad ay ‘di ko na magawa. Ngayon ayoko pa rin yung idea na wala akong layang maglakad, pero dahil na sa mas marami at makahulugan pang mga bagay. Ano nga ba ang kahalagahan o benefits of walking?
Ano-ano ang dahilan ng paglalakad… ayon sa ilan?
Walang pambili ng sasakyan. So far ay halos puro lalaki talaga ang pumapansin sa palagi kong paglalakad. Isa na sa kanila ay yung kapit-bahay namin na nagsabi na “bakit hindi ka pa kasi bumili ng sasakyan?” Ikinumpara pa nga n’ya ako sa kaedaran kong kapit-bahay namin na may dalawang sasakyan ata. Sinagot ko s’ya at ang sabi ko ay kaya n’ya at ako ay hindi pa. Iyong kapit-bahay namin afford na may pang- vehicle maintenance, ako hindi. #diretsahan.
Siempre naman gusto ko rin magkasasakyan. May tatlong klase nga ng behikulo gusto kong mabili – pickup truck, toy car, and multicab. Subalit hindi ako bibili ng sasakyan para magpasikat, at alam ko sa sarili ko na impractical. Definitely bibili ako ng sasakyan dahil mayroon akong paggagamitan.
Nagkukuripot. May kaibigan ang kuya ko na kapag nakikita akong sumakay sa tricycle o taxi ay manghang-mangha. Nabanggit n’ya minsan na himala naka-taxi ako, eh ang kuripot ko.
Weirdo/ Geek kasi. May kaklase ako noong high school na palagi raw akong nakikitang naglalakad. Hindi ko alam bakit parang kakaiba iyon para sa kanya, pero ang conclusion n’ya ay weirdo/ geek kasi ako. Dati nalalabuan ako sa idea na iyon, pero na-realize ko na may point s’ya. Explain ko sa later kung bakit.
Benefits of walking
To answer ang kanilang mga sapantaha ( yes lalim!), ganun din para mabigyan ka ng dagdag –kaalaman tungkol sa walking o paglalakad ay narito ang mga rason:
Walking for Creativity. Totoo nga sigurong weird ako, pero okay lang kung ganun ang tingin sa akin. Unpopular lang talaga siguro sa marami na ang walking is a way to get inspirations (positive or negative). Kung may panlaban ako sa sinasabi nilang writer’s block ( o blogger’s block/ dry spell sa creativity), isa na nga roon ang walking.
Kapag naglalakad ako ay nagkakaroon ako ng opportunity na makapag-reflect. Nakatingin ako ng diretso sa daan pero nahahati ang diwa ko sa iba’t ibang bagay. Madalas pa nga sa paglalakad ay nakakapag-isip ako ng maipo-post sa aking blogs, ng konsepto sa pagnenegosyo, ng karera na puwedeng pasukin, o ng sagot sa mga tanong. Ang awareness at observation ay keys to be creative.
For self-awareness. Ang paglalakad din ang nagpapaaalala sa akin na nakatuntong pa rin ako sa lupa. Ibig sabihin nito ay marami akong dapat ipagpasalamat, lalo na iyong freedom at health. Kapag nakakapaglakad ka pa ay blessed ka na magkaroon ng kakayahang makalakad, makakita ng kabagayan, o madama ang iyong paligid.
Sa paglalakad ko rin napagtatanto kung saan ako nagmula, ang aking progreso, ano pa ang aking magagawa, sino ako sa kanila, at sino ako sa iniisip nila.
For money management. Noong estudyante pa lang ako ay mapag-ipon na ako, at ang walking ang isa sa aking money-saving trick bilang mag-aaral . Baka nga ito rin dahilan ba’t ang slim ko noon at mataba ang aking alkansya. hohoho!
For fitness. Kung pinag-igi ko siguro ay sumasabak na ako sa marathon noon-noon pa. Mabilis kasi ako maglakad at matulin tumakbo dati. Pero ngayon, ang paglalakad ay ang aking pinaka- exercise. Puwedeng hindi ka kasi makapag-gym o magkaroon ng time para magsayaw, pero definitely mahahanapan mo ng paraan na makapaglakad.
Ilan sa aking mga kaibigan ay nakita na ang difference at sinasabing pumayat ako. Isa siguro sa masasabi kong reason dito ay ang paglalakad. Of course kung tirik na ang haring araw ay hindi ko na gagawin yun. Baka bumulagta na lang ako sa daan na duguan ang ilong.
Tips: The best time na maglakad ay sa morning, na kung kailan papasikat ang araw o kaya’y papalubog na. Sinasabi rin na maganda kung makaka- 5,000 to 12,000+ steps per day.
To deal with sadness. Hindi ko makakalimutan nong time na feel kong down ako, kasama ko yung friend ko na naglalakad sa may breakwater somewhere in Luneta o Intramuros. Parang nililinis ng tubig doon yung pain kahit sandali lang at yung tama ng araw binibigyan ng warm ang aking cold heart.
May isa pa akong kaibigan na paglalakad sa buong Ayala, Makati ang trip. Nagkukuwentuhan kami habang naglalakad mula Glorietta hanggang Greenbelt patawid ng Ayala Triangle at iba pa. Dahil ata sa kanya kaya nasaulo ko ang part na ‘yon ng Makati.
Pero ang punto talaga rito, bukod sa socialization o friendship, ay kapag malungkot ka ‘wag ka palaging magmukmok sa kuwarto. Ang kailangan mo ay hindi palaging pag-isipan o damdamin yung dahilan. Kung pipiliin mong maglakad maiisip mo na hindi ka nag-iisa, hindi lang ikaw ang nahihirapan, at kung kinakaya nila na suungin ang laban sa buhay ay kaya mo rin. Mare-realize mo yon kung makakakita ka ng ibang tao o ng ibang sitwasyon sa labas.
Isa pa’y yung loneliness ay nakakadagdag sa sadness. Ako kahit naglalakad ako mag-isa, hindi ko napi-feel na lonely ako. Bagkus ay mas naiisip ko ang aking kalayaan.
Hi Hoshi. Yami ito, first time ko dito. Sarap pala tumambay dito ha…I can be myself…parang may ibang karakter ano? hihi…daan lang muna ako ha…bising-bisi masyado…di ko pa nauupdate blogroll ko ha…sa susunod… gandang araw!
sure dalaw lang po kayo ulit dito at salamat at nasiyahan po kayo. mabuhay!
Marami talagang benefits ang paglalakad. May nabasa pa nga ako na may iba’t ibang klase ng paglalakad para talaga makabawas ng timbang. May mabilis na biglang babagal, may mabilis lang etc.
parang feel ko gusto mo lumakad papalayo sa pc mo bago mo matapos itong comment mo. hahahah
sige share ko mo sa akin yung lakad na nakakapayat. nang magaya na kaakad, pero wag namang sanang lakad na pasuray-suray yan ha.
gustong-gusto ko maglakad. at tama ka freedom yun freedom.
dito sa baguio uso ang lakaran kasi naman medyo presko naman kaso nitong summer nakakabwisit. mainit. pero lakad mode pa rin ako.
masarap talaga maglakad kahit polluted. yun lang kasi ang exercise ko. hakhak!
tama ka dyan masarap maglakad pag malamig ang panahon. gusto ko maglalakad lalo na bandang november – february.
saka yun nga yan na ang pinakasimpleng exercise na maaari nating magawa every day. makapag-baguio na nga. hehehe
I love walking. True, dun din ako pumayat.. nyahaha.. tara lakad tayo? Im kinda depressed eh.. idadaan ko sa lakad ang pagkainis.. nyahaha..
pakendeng hoshi…
pakendeng talaga. sure na sure!
oo gawain ko na ri yang paglalakad kapag loka-lokahan ako. basta hindi lang ako nagppambahay kasi baka lalong mahalata na loka-loka mode ako. hehehe
tara ate!! let’s walk..umpisahan naten sa enterprise bldg, tapos greenbelt, landmark, glorietta, then SM..haha!!
gandang araw!
hindi ba pwede mula MRT to Landmark na lang, wag na lumabas ng mall . nyhahahaa
ang tawag sa ganyang paranoia ay kris aquino syndrome
hindi naman siguro BOY!(from Malibay) hahaha
i hate boy abunda
hehe
ay ganun? sayang pinapapabati ka pa naman niya.
e hi hi hi hi!
in fairness, iritable rin siya sa local (kasi may international ka rin e) misis mo.
thats why tumitira yung mayayaman sa napakalaking mga subdivision para pwede silang maglakad ng walang iniintinding security reason na mga yan.pero,oo…contained pa rin sila.contained but content siguro.
sa bagay tama ka naman dyan. makapaglakad-lakad nga sa mga mamahaling subdivision. punta ako ng Dasma, Forbes or BF Parañaque kahit taga-QC ako. wala para makapaglakad-lakad lang. hehehe
Pag hindi ka na makalabas for security reasons, magdala ka na ng baril. For security reasons din. Saka babae ka naman, hindi madaling mangatwiran na self-defense lang ang nangyari (kahit hindi). LOL.
ah babae ba ako? wahahahaha
ayoko magdala ng baril kasi baka masyado akong maging confident dito, nasagi lang ako papasabugin ko na ang bao ng ulo niya. lol
wala bang anting-anting, gusto ko yung hindi lang ako tatamaan ng kahit ano. heheh