Hindi ako gaanong mahilig magbasa pero gusto ko ang nagbabasa lalo na Filipino books. Inirerekomenda ko pa rin ito kahit may access na tayo sa Internet, ebook at audiobook.
Naalala ko nung High School ako na option ko talaga ang mag-Recto at mag-photocopy na lang para makatipid. At ang pinakaunang major book na binili ko ay ang Webster’s Dictionary ko na halagang P200 plus. Para kasing ang dating noon ‘pag bumili ka ng book ay nerd ka at dami mong pera. Hehehe!
Noong nag-work na ako nag-start na akong bumili ng mga books na magustuhan ko. Kakatwa lang nito ay hindi ako nahilig sa pagbili ng mga latest novels. Karaniwang binibili ko ay maliliit o kaya ay Filipino books. Ilabas na natin ang isyung tangkilikin ang sariling atin dahil bumibili ako ng libro dahil may gusto o interesado akong malaman.
Why small or Pocket size books? Ikaw na umistambay sa mahabang pila, maipit sa traffic sa EDSA, paghintayin ng sobrang galing mong tagapagpahintay, o tumunganga sa isang lugar na feeling mo mukha kang kawawa kasi wala kang kausap. Kung may maliit kang book na dala ay mailalabas mo kaagad ito nang hindi ka hirap na hirap. Hindi mo kakalikutin ang cellphone mong nag-aagaw buhay ang load at magpanggap na may iniisip kang malalim.
Why Books written by Filipino writers? Alam mo sa tingin ko, ang isang bagay kung bakit kulang sa reality ang pinag-aaralan sa school ay dahil bibihira ‘yong pinapabasang Filipino books o akda ng mga Filipino writers. Okay naman ang mga foreign writers o books made in “Otherlands.” Binibigyan ka nila ng mas malawak na idea. Pero may mga pagkakataon na kailangan mo ng konseptong local gaya halimbawa sa pagnenegosyo at ilang propesyon. Uso ba ang tingi, 5-6, junk shop/repair shop o pag-o-OFWs/pag-a-abroad sa ibang bansa? Their system ba ay like ng system here in The Philippines? ‘Pag okay ba kay Uncle Sam swak na rin kay Juan dela Cruz?
Why abridged version? Of course mas maganda kung unabridged books (lalo na kung Bible) ang pag-aaralan mo? Pero kung gusto mo lang makakuha ng mas madali at mas mabilis na kaaalaman sa isang bagay, alam mo na kukunin mo. And I don’t think naman maituturing na abridged ang mga books na kinunan ko dahil lahat sila ay mahusay na sinipi at nagbigay ng pinakamaayos na detalye. Ang…
So You Want to Become Freelance Writer- ay ang pagbababahagi ni Elizabeth Ong ng kanyang experience at mga natutuhan bilang freelance writer. Actually kinuha ko ito sa pag-iisip lang kung ano ba ang buhay freelance. Sa kuwento pa lang n’ya alam ko na ang dapat i-expect once na mag-freelance ako, kahit hindi bilang writer… pero pwede rin.
Malictionary – ay ang mga nasaliksik na termino o words ni Ernie Zarate na magbibigay ng kapaliwanagan sa mga salitang ginagamit o nabuo ng mga Pinoy. Sobrang nakakatuwa ito at nakakayaman ng knowledge!
My Maid Invests in the Stock Market (…and why should you, too!) – sinagot na ni Bo Sanchez ang aking mga katanungan at hirap kong unawain. Nai-explain niya rito sa mas kainti-intinding pamamaraan ang pag-i-invest sa Stock Market na parang chocolate lang nguyain.
May mga libro pa akong ‘di nababasa at gustong basahin … hindi ko lang matapos kasi hindi ko madala kahit saan, hehehe!
San niyo po nabili ang Malictionary by Ernie Zarate po?
Thankyou po sa future response.
National Bookstore po
Correct! Hindi talaga lahat ng swak kay Uncle Sam ay swak din kay Juan dela Cruz!
To be honest, maraming magagaling na Pinoy writers na dapat subaybayan ng iba.
Hi Basa Tayo! Maraming salamat sa iyong pagbisita!
Yes, ikampanya natin ang magagaling na Pinoy Writers! Mabuhay!
Pingback: Pandayang Lino Brocka: Filmmaking + Social Awareness - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Filipino authors impart how to manage money with good attitude - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Confession of a Freelancer | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Want to do part time job? | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Sparkbook: my upbeat journal/ planner | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Notification: Pasabook received | aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Filipino authors impart how to manage money with good attitude | aspectos de hitokiriHOSHI
Pareho tayo. Mas gusto ko din magbasa ng mga libro na sinulat ng mga Pilipino. Apir tayo dyan. 🙂 ganyan na ganyan ang balak ko pag nagkatrabaho na din ako, ang bilhin ang mga librong gusto kong basahin.
napadaan lang po. 🙂
hi emotero, welcome sa Hoshilandia Jr.!
oo maganda yan yang balak mo. investment yan para sa iyong sarili at entertainment na rin.
mabuhay!
tingin ko maganda talaga ang mga maninipis na libra lang, yung tipong kahit saan pwedi, pero syempre konti lang yung mga araw hindi tulad sa novela, parang nagpapaliwanag lang, kung sabagay ang aral naman nasa tao yan kung papaano nya iintindihin ang maliit at manipis na libro, mas maganda pa kung isasabuhay nya ang mga aral na napulot nya.
hi ajieluz, welcome sa Hoshilandia jr!
tama ka dyan pagdating sa pagsasabuhay ng mga napupulot na aral. kasi kahit anong basa at pagbili ng sandamakmak na libro ay mababalewala lamang.
siyempre pagdating naman sa babasahin depende pa rin yan sa hilig ng tao. kahit gaano kakapal at kalaki basta trip nya basahin. ok na ok. iyon nga lang hindi madaling dalhin kung saan-saan. naalala ko nung high school din na nahumaling ako sa Mga Ibong Mandaragit ni Amado Hernandez wahhh ang laki-laki ng book nya pero dinadala ko saan-saan(parte ng bahay namin hehehe).
mabuhay!
mahilig akong magbasa ng libro, at nakahumalingan ko rin ang mga akdang Pinoy. Bukod sa pamatay oras, nakakalibang mas marami akong natutunan at mas lumalawak ang aking pag-intindi at pananaw sa iba’t-ibang bagay. Iti-try ko nga yang mga librong iyong binabasa 😀
hi gnepalleo02, welcome sa Hoshilandia jr!
nakakatuwa naman na malaman na magkakatulad tayo ng nakakahiligan at pareho rin tayo ng mga punto kung bakit natin ito gustong-gusto.
oo magaganda yung mga nasa itaas. hindi lamang sila nakaka-aliw kundi nagtuturo rin ng maraming kabagayan.
Basa lang ng basa ng libro para sa ikauunlad ng ating utak! 🙂
At pahiramin mo ako niyan. 🙂
naman, iba ang pakiramdam pag marami kang alam. hehehe. although ayoko ng taong masyadong maputak pag may alam. hehehe
Nakakatuwa naman.. Ako may mga nabasa na rin akong mga books na gaya nyan. Popular ang kay Bob Ong. Sometimes nga sa mga malilit na aklat ay mas napapabilis ang learning natin dahil talagang naka shortcut na at praktikal ang mga nakasulat. Salamat sa article na to. Marami ako nyan sa bahay. Mga maliliit lang na aklat at hanggang ngayon di ko pa nababasa. I will take time to read them na lang.. God bless.:)
Welcome sa Hoshilandia Jr Blotspace!
salamat at nagustuhan mo itong post/ article ko. nakabasa an rin ako ng isang akda ni Bob Ong.
sana’y maipagpatuloy pa natin at mahikayat na magbasa pa ang iba.
God Bless din!
good reason yung sa traffic, hahaha
seryoso na, magaganda ang point lalo na sa mga books na isinulat ng mga Filipino writers. Nung HS ako, may mga book review kami and most of the times mga Filipino books ang pinapareview sa amin, tanda ko pa yung mga lika ni Lualhati Bautista ang mga nireview namin. Siguro dahil na rin sa kurikulum ng DepEd kaya di masyadong nabibigyang pansin ang mga likhang Pinoy. I mean, dapat idagdag nila ito, kagaya ng mga likha ni Rizal. Maliban na lang kung ang school ay nagooffer ng mga elective subjects na kung saan pwedeng isama ang mga literary masterpieces ng mga bantog na Pilipinong manunulat. Natatandaan ko tuwing patapos ang school year ay nagdadagsaan na ang mga publishing house para sa mga review copies ng mga textbooks na gagamitin sa next school year, ipapasa ng principal sa mga subjects teachers para masuri, wala lang share ko lang, walang konek hahaha,
gusto ko yung tungkol sa Bible, usually binabasa ko yung mga amplified version o kaya naman yung student version, para mas detalyado ang explanation.
yehey naman!
mabuhay!
yehey talaga Pong! mabuhay sa mga mapanuring mambabasa na may adhikaing maisulong ang mga literaturang Pinoy!
salamat at nagustuhan mo ang mga punto ko. anyway,dagdag ko na rin na dapat hindi lamang natatapos kila Rizal, Balagtas at iba pa ang mga ganyan. i don’t know pero sana magkaroon ng pagkakataon na mabigyan ng oportunidad na maipakilala ang mga modernong manunulat at mahikayat na magsulat ang iba. mabuti na lang at nauso ang blogs ano?!
mabuhay!
hindi na ako masyadong palabasa ng libro mula ng matuklasan ko ang libreng mga akdang nasa internet.yun nga lang, dahil libre,wala kang karapatang mag expect.
may ilang libro naman ako na binili ko lately. sa CR ang aking library para basahin sila.
pareho tayo ng binibistang library ka duking! hehehe
lalo na kapag alam kong mahaba-habang pag-upo sa trono ang magaganap. asahan na dala ko ng cp o libro ko. hahaha
gusto ko rin sana magbasa ng libro sa Internet kaso hindi kaya ng mata ko sa mahaba at matagal na pagbabasa sa monitor.
hi, hoshi.
paano pala nawala ang like feature dito? ang natira ay facebook-based like button. gusto ko pa namang i-like itong post. 😀
i like the way you write. you break the topic into small chewable pieces and you preach your ideas in a manner that does not come on too strong, kumbaga. hindi ka po hardsell, haha 😀
regards, aleng hoshi.
ah kaya wala po kasi naka-wordpress.org po ako.
nakakatuwa naman po yung comment ninyo, as in nakakahaba ng hair at nakakatanggal ng split ends. hehehehe pero seryoso, salamat-salamat!
wala po ako kinalaman sa mga sumulat at nag-publish ng mga books na yan. talagang nagustuhan ko lang ang pagbabasa ng mga yan.
mabuhay ka doon po sa amin!
Dati nagdadala din ako ng libro para pamatay oras sa byahe, kaso nasisira ang librong dala ko kaya di ko na ginagawa. Gusto ko sana ng ebook kaya lang ke mahal! Argh!
hahaha ako ganyan nangyayari sa mga magazines ko. as in gutay-gutay kahit medyo bago-bago pa. yun na yung napalala ng malaki na ipinagsisiksikan sa bag.
ebook? ni-try ko yan once, hindi ko rin kinaya o natapos man lang. hindi kaya ng mata ko.
oo na
oo na
magsisimula na ako magbabasa
hehe
wehhh bat parang labas ilong yang sagot mo. hahahaha
nyahaha
tama ka
ang hirap gawin
waaaaaaaaaaaah
pero dati pabortio ko yun without seeing the dawn ni steven javellana
every summer, walang mintis binabasa ko yon
DATI
hehe
hmmm mukhang interesante ang background nyang si esteban javellana. tingnan ko ang summary ng mga sulat nya. hehehe
SA MGA SUSUNOD NA ARAW.
mabuhay!
I also bring a (small) book whenever I’m commuting. Mas nakakapatay ng oras. Not to mention, you’ll learn something. 🙂 Naiintriga ako dun sa My Maid Invests in the Stock Market ni Bo Sanchez!
maganda talaga ito Alps, hindi ako fan ni Bo SanChez pero dito ko mas nagustuhan ang personality niya bilang writer at financial adviser.
korek nakakamatay ng oras ang mga books. nakapatay ka na, pinagpala ka pa sa knowledge. hehehe
Pingback: Why I read small books written by Filipino writers? | kwentotpaniniwalanihitokiriHOSHI