Visita libingan – Graveyard visits

October 30, 2011
By

Na-amaze ako sa isang article mula sa Tulay (Chinese Filipino Digest) na nakuha ko sa Bahay Tsinoy. Nandoon ang mayamang kuwento ng mga Chinese cemetery sa bansa. Kung ngayon ay extravagant ang mga nitso at mausoleum ng mga ito, noong Spanish at Japanese invasion sa Philippines ay sensitive issue ito.  Gustuhin man kasi nilang magkaroon ng disenteng libing para sa kanilang yumaong kaanak, pati patay nila ay may discrimination ng mga Spaniard at sabit sa political tiff ng China at Japan noong mga panahon na ‘yon.

Hindi lang naman ang mga Chinese ang nagkaroon ng burial problem, hindi nga ba’t till now nilalakad pa rin ng Marcos Family na mailibing sa Libingan ng mga Bayani  si dating Pangulong Ferdinand Marcos? Bukod sa nakakatakot, pakiwari ko  masaya rin ang bumisita sa mga sementeryo lalo na kung maraming kasaysayan at mga sikat ang nakalibing sa mga iyon.

Manila Chinese Cemetery

Noong April gusto kong subukan namin ni Syngkit na mag-cemetery hopping (hohoho) kaso kami rin feeling weird sa balak namin. Paano Chinese cemetery pa lang tensionado na kami, iyon naman pala puwede namang mag-tour doon. Gusto ko pa naman makita ang puntod nila Josefa Llanes Escoda, Don Carlos Palanca at iba pa. Alam n’yo bang sa Manila Chinese Cemetery unang inilibing si Gat  Apolinario Mabini?

Paco Cemetery -

Matagal ng walang kalansay este nakalibing sa sementeryo na ito, like decades ago? Pero kung papasyalan ang lugar kung saan ang pinaka-focal point ay ang cute na cute na Paco Park Church o St. Pancratius Chapel, may kakaiba pa rin itong dating. Animo’y  nililibing ka ng nakalipas este tumutulay ka sa bakas nang unang panahon. Alam n’yo ba  na rito unang pinuwesto ang labi ni National hero Dr. Jose Rizal? In fact, iniba pa ang initial ng name n’ya para magoyo  ang mga Espanyol.  Dito rin nakalibing ang Three Martyred Priests – Father Jose A. Burgos, Father Mariano C. Gomes, at Father Jacinto R. Zamora.

Cemetery of Negativism

Kailangan bang seryoso ang libingan kung puwede namang satirical na lang?  Ang sementeryo na ito na kilala ring The Lost Cemetery or Pet Cemetery ay matatagpuan sa loob ng Camp John Hay sa Baguio at tapat lamang ng Bell House. In fairness, nakakatuwa at talagang tatamaan ka sa mga nakalibing dito lalo na sa mga pamatay nilang epitah.

Quezon’s Tomb (Quezon Memorial Circle)

Dito na ang final destiny ng mga labi ni dating Pangulo Manuel L. Quezon. Pumanaw siya sa New York at dun muna siya sa Arlington Cemetery.  Two years bago naiuwi sa Philippines ang kanyang bangkay na dumaan muna sa North cemetery. Hanggang sa kamatayan mahilig sa travel si Ex. Pres. Quezon.

Luneta o Rizal Park –  

kuha ni Avi Canale

Ito ang libingan na markadong-markado sa kasaysayan. Ang huling hantungan na ito ni Dr. Rizal ay talagang namang tourist destination at famous landmark sa ‘Pinas. Nakaka-curious lang parati yung dalawang guardia na laging nagbabantay dun.

Gusto ko ring marating ang Nagcarlan Underground Cemetery sa Laguna, Camiguin Sunken Cemetery,  Libingan ng mga Bayani at Libingan ni Christ sa Israel.

Nawa’y maging peaceful (mapayapa) & solemn (mataimtim) ang Undas 2011. 

Share and Enjoy

Tags: , , , , , , , , , , ,

9 Responses to Visita libingan – Graveyard visits

  1. jube on October 30, 2011 at 11:10 pm

    Kung sa Visita Iglesia may desired number of church na dapat bisitahin, sa Visita Libingan ba meron din? hehehe

    Napapanahong post. Mabuhay!

    • Hitokirihoshi on October 30, 2011 at 11:36 pm

      hmmmm hiwa-hiwalay ang mga sementeryo saka spooky or weird masyado pag sunod-sunod. hahaha tas naka-black ka pa at naka-emo fashion style. hehehe

  2. Tim on October 31, 2011 at 10:07 pm

    Hindi naman maaga ang pagdalawa mo sa mga sementeryo ano? Pero sabagay, at least hindi ganoon kakila-kilabot kasi hindi pa uso ang mga spooky stuff nung mga panahon na iyon. Hehehe.

    • Hitokirihoshi on November 1, 2011 at 1:54 am

      hindi pa ako nakakadalawa sa kahit anong sementeryo ngayon, ang mga kuhang ito ay files ko ng mga nabisita ko nang puntod. hehehe

      pero binalak ko talaga na mag-cementerio hopping, weird talaga. hahaha

  3. Elpidio on October 31, 2011 at 11:16 pm

    Hello! Ang dami mo nang nalibot na makasaysayang libingan, salamat sa mga impormasyon at least nakakuha ako ng mga idea tungkol dito. Ang napuntahan ko lang dyan sa Quezon Memorial Circle 10 years ago noong dyan pa ako nagwowork sa Manila.

    • Hitokirihoshi on November 1, 2011 at 1:59 am

      nagkataon lang din kuya na napadaan ako sa mga ito at nakasagap ako ng makasaysayang balita. hehehe

      mabuhay sa iyo dyan!

  4. raft3r on November 6, 2011 at 8:00 pm

    nakapunta nako dyan sa cemetery of negativism
    may bayad pa
    nega talaga
    hehe

    • Hitokirihoshi on November 6, 2011 at 11:17 pm

      hahaha, napaisip ako kung meron ba talaga… nasa bukana nga pala yung naniningil. oh well kung yan ba ang pambayad sa mge sepultorero eh why no? hehehe

  5. Hoshilandia in 2011 | aspectos de hitokiriHOSHI on January 1, 2012 at 8:44 pm

    [...] Zoo, Ninoy Aquino Parks and Wild Life, Quezon Memorial Shrine, Fort Santiago ( Intramuros), Manila Chinese Cemetery, Metropolitan Theatre, National Museum, at ang mga Churches na pinuntahan namin sa aming Visita [...]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Translation form - Translate your comment!