Once nasarapan ako sa isang pagkain gaya ng J.CO Donuts & Coffee ay hindi ako titikim ng iba (expensive brand of donuts) hanggang hindi ko pinagsasawaan iyon o maisip ko na lang na sumubok naman ng iba.
Ito ang (farang) sagot ko kay Tim (thank you nga pala sa libre) nang tanungin niya ako kung ano ang kinain ko sa treat nila ng VerJube (thank you sa inyo bongga!) donut para sa birthday girl na si Len. Paano kahit may iba pang pagpipilian ay isang flavour lang talaga ang kinakain ko. Pero medyo nanghinayang din naman ako, bat nga ba ‘di pa ako tumikim ng iba since may chance? Eh kaso kasi libre na so kainin mo na ‘yong gusto mo kainin.
Second time ko pa lang nito makatikim ng donut na ito na gawa ng isang Indonesian company. Kung hindi ako nagkakamali ay Oreology ‘yon una na pinatikim lang din sa akin. Sabi ni Len ay mabiling-bili rin ito sa Trinoma Mall (North Ave, QC) na kung saan nang pumunta sila ay mahaba ang pila. Naisip ko tuloy ah hindi nga naghihirap ang Pilipinas.
Ang J.Co kasi ay isa sa maituturing na expensive brand of donuts sa bansa. But compare sa ibang brand ng mamahaling donuts na natikman ko ay ito ay sulit at puwede talaga akong mapagastos. Sa sarap pa lang na hindi over sa tamis at malambot na tinapay ay approve na sa akin. At saka makakamura ka rin lalo na kung mas marami ang binibili mo especially if one dozen na kaagad. Puwede na maghati-hati ng bayad ang isang grupo o pamilya na gustong makabili nang sulit.
Nga pala ‘yong sinabi kong flavour, na ‘yon nang ‘yon ang kinakain ko, ay ang alcapone na balita ko ay binuhusan ng Belgian white chocolate at binudburan nang Californian almonds. Sabi nila masarap din daw ang kape dito na more or less ay kasing presyo rin ng ibang kape na umi-stariray.
Ang J.CO sa SM Megamall ay nasa The Strip sa Mega B (oo ‘yong nasa labas) tabi-tabi ng Mang Inasal at Giligan’s.
Ikaw ano ang masarap na donuts ng J.CO para sa iyo? Sa Kape?
Pingback: Savoring 2 Dunkin’s Premium Donuts | aspectos de hitokiriHOSHI
Kailan kaya makakatikim uli ng”totoong” donuts… ^_^
dito sufganiyot ang tawag, fried na may filling o kaya may mga nkabudbud sa ibabaw. Special na ‘yon lalo na kapag holiday na Hanukkah.
Try ko hanapin yan pagnakauwi ako… 🙂
bibihira din ako makatikim ng masarap na donut lalo na yung feeling ko mahal. pero itong donut na ito, pag nakabili ko parang makakalimutan ko ang diet at budget ko. hehehe
sana makatikim karin nito.
hindi ko ito gusto
their donuts taste bland
although hindi talaga ako mahilig sa donut
pano naman ako mabubusog kung may butas sa gitna ang donut?
isa lang sagot ko.
hay Nako! hehehe
hindi naman at kailangan ng ganun. nakakapag meeting naman na papel-papel lang. puwede rin naman na i-take out. hehehe
Sayang, walang board dito, hindi pwede mag-editorial meeting. Hahaha.
biglang gusto ko uli kumain nito, Alcapone! ;D
anh sarap talaga ano!?!
Donut and coffee is my all time fave pair but I honestly haven’t tasted J. Co Donut. I gotta try this soon. My current fave is of another brand.
Btw, THANKS for visiting my blog and for leaving a comment. I find you blog very interesting and I put you on my blog roll. Hope you can link me back. I will also try to follow you on your social media accounts. So see yah around!
Thanks Balut and welcome in Hoshilandia jr!
you should try J.CO! Minsan lang talaga ako mag-recommend ng mahal.hehehe
salamat po sa inyong comment sa aking blog! sure na sure po and i’ll wait for your invitations (madami-dami po ang aking mga social media accounts, career!) hehehe!
Nagutomko teh!
kain na kuya!
actually nadadaanan ko ito sa mall sa Manila pag nakakaluwas ako, and sometimes bumibili ako para maiba lang ng brand they say masarap naman daw hindi ko kasi tinitikman at mejo tumataas na BS ko
isama mo na ako sa “They” na nagsasabi na masarap. hehehe
pero ipinapayo ko siempre tikman mo na lang kapah okay na ang BS. siempre mas sweet kapag healthy tayo.
Mabuhay and take care!