Mas mahilig na ako mag-Twitter kaysa mag-Facebook. Ang dali kasi nitong mag-access sa phone ko, na not so latest, at mas madali rin na makipag-communicate. Sa 140 characters, active ka na sa social media. Saka marami akong followers dun na strangers/foreigners.
Pero like sa ibang social media sites kailangan din na aralin ang perks and limitations nito. Characters pa lang dapat alam mo ng i-maximize. Noong una, hindi ko masakyan ang ganda ng Twitter pero eventually after thorough mediation (chuz) ay na-pick up din ng not so narrow at so wide kong kokote ang ganda ng Twitter. Heto na nga’t panay na ang gamit ko at nakakilala ng iba’t ibang tao na hindi lamang pang-blogging kundi sa arts, business, personal finance, entertainment at kung anu-anong anik pa.
In Social Good Summit in Manila, isa sa nagbigay ng cool at informative tool tungkol sa social media ay ang TV Host at active Twitter user na si Bianca Gonzalez. Medyo fan ako niya hindi lang sa hosting, kundi sa kabuuan ng kanyang personality. Hindi mayabang, simpleng porma, intelihente, at may kumpiyansa. Iilan lang ang morena na proud sa kulay nila and I admire them. Ang mga sumusunod ay ang payo n’ya at sinamahan ko ng aking sariling comment:
1. Post online what you can say in real life – Bianca Gonzalez
Sabi niya may iba na kung makapag-post sa Twitter ay terrible ang mga words. Iyong akala mo ay kaya nilang sabihin face to face. Siguro magagawa mo makakuha ng followers at makapagbigay ng impression sa iba na ganito ka, pero eventually lalabas din ang totoong ikaw. Be true and be decent!
2. On Bashers: Ignore them or Just Be Nice.
Nakatikim din ng pangti-trip ng bashers ang isang Bianca Gonzalez. Sa kwento n’ya tungkol sa isang experience n’ya ay kesyo bad daw ang ugali niya at may pasabog na laban sa kanya. Sa bandang huli ay umamin din ‘yon na tini-test n’ya lang ang patience ni Bianca. Actually, ang biktima ng mga bashers ay mga celebrities. Pero para sa akin, malalaman mo ang temper ng celebrities depende sa kanilang reaction sa kanilang mga bashers.
3. It won’t hurt to Retweet.
Isang powerful tool ang Twitter to disseminate information and once you get one — from your followers or pina-follow — ay retweet na! Parang equivalent ang saya nito sa comment na natatanggap mo sa blog. Saya-saya ko kaya nung i-retweet ni Noel Cabangon ang isang tweet ko na ni-retweet ko lang din hehehe. Iyan ay bukod pa sa direct message sa akin ni Bianca mismo.
4. Be sure to credit what you retweet
Sa word na “credit” lalo na kung may kinalaman ito sa intellectual property right or copyright, I think ang isang taong may delicadeza, pagpapahalaga sa sining, at paghihirap ng gawa ng iba ay automatic na magbabanggit ng source ng kanyang retweet o na-share na content. At kapag makalimutan at magkamali, puwede namang mag-sorry.
This is true at talagang mag-ingat tayo. Ang daling makakuha ng wrong information o fake news at mai-tweet ito. Hindi lamang ito nakakaapekto sa iyong image sa Twitter, kundi maaaring makasama sa ibang nagbabasa sa iyong mga Tweet. So careful-careful!
6. Make friends, but also do not trust blindly
Ang pag-iingat talaga ay hindi natatapos sa real life kundi virtually din. After all kahit dumadaan sa machine at programs ang mga kabagayan sa social media , tao pa rin ang gumamit nito. At ikaw ay kagaya kong tao- marupok, may kahinaan at nadadarang din. Hohoho!
7. Be constructive and not destructive
Gaya nga sinabi ni Bianca puwede ka namang mag-comment na against, pero dapat mag-stick ka sa issue at hindi sa ibang bagay. Kapag may ginawa ang isang tao na mali, punahin mo siya sa pagkakamali niya hindi dahil sa physical n’yang anyo.
8. When big News breaks, Be Sensitive
Ang mahirap sa Twitter, para kang nagbo-broadcast sa sambayanan kada tweet mo. Naiintindihan natin na may kanya-kanya tayong sitwasyon pero siguro with or without calamity ay hindi kailangan ng ibang tao ang masyadong mayabang. Iyan ay lalo na kung kung irrelevant.
9. Keep vanity in moderation
Nakakatuwa at nakakatawa ‘yong example ni Bianca about sa item na ito kasi totoo naman. Naiintindihan ko na may mga tao, especially girls, na mahilig mag-picture ng sarili nila pero sa totoo lang hindi ko masakyan ang gawaing ‘yan. Biruin mo pagbukas mo ng wall mo, puro picture ng isang tao na puro close up ng mukha niya lang.
10. Live in the present
Alam n’yo nakakatuwa na easy na maka-access sa internet at sa mga social media. Pero gaya nga ng sabi ni Bianca may buhay pa rin tayo offline. Super agree!
my twitter page is https://twitter.com/hitokirihoshi
follow na!
Here’s the video of Bianca’s talk
here’s the article of Rappler’s about her
Pingback: Essay sa Kagandahan: What's Bully, Self-Deprecating?
Pingback: The real vs. the Ideal self | General Ethics in Computing
Pingback: The Clash of Self: Virtual vs. Reality | zee.bee.elle
actually, the first rule covers them all. pero it’s nice to read the ten of them. great rules to live by not just in social media but in other medium of communication.
oo magandang patama ito sa ilan na ginagawang ranting board ang social media para sa mga masasamng laman ng kanilang isipan na takot namang sabihin ng harapan.
korek. marami na ko nai-ha-hide sa wall ko pag nakakakita ako ng ganitong posts eh. hehehe
bianca? king?
hehe
di ko masyado type ang twitter
konti lang followers ko don, eh
nyahaha
sorry ka kilala ko rin si bianca king. Hello Luna!
hindi mo nga type- ano ginawa mo lang siya sms version sa web. hohohoho!
hindi ko na nga kailangan itanong cp number mo, tweet lang kita okay na.
thank you for sharing, as always, it’s an informative post. 😉
your welcome and salamat at marami kayong natutuhan!
thanks for sharing. simple but sensible rules naman yung kay Bianca. Hindi kasi ako masyado nagpa follow ng mga showbiz people kaya wala akong malay sa kanila lol.
Dati tahimik lang ako sa twitter nakikibasa lang, ngayon medyo maingay-ingay na rin lolz. pero mas madalas ginagamit ko sya for my blogs 🙂
your welcome ate Balut!
ako rin dati parang inaamag pero nung nakuha ko na yung sense at way para empower ito ay ganadong-ganado na ako. malaking tulong ito sa blogging talaga.
Wow.. Thanks for this one Bianca and thanks for sharing,..
hi xander! thanks for your visit!
Oo nga thank you talaga kay Bianca.
Bravo andami mo na namang natutunan! I wonder how you get to do a lot of things all at the same time? Ganda yan habang bagets ka pa enjoy lang!
Salamat kuya McRich! Hindi ko rin maisip pero siguro una sa lahat insatiable ako sa knowledge and I want to experience things that I’m longing to do. Basically, I know time is gold hahaha kahit late ata ako parati.
at tama ka habang kaya pa ng powers, buto-buto at kabang pang-single ko, gorah! mabuhay!