When is the National Arts Month?


February is also Philippines’ National Arts Month (siempre Love month din) especially that there’s Philippine Arts Festival 2013.

Nitong Wednesday (Jan. 16-kahit fresh from 3-day sickness) sugod ako sa office ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA) sa Intramuros Manila dahil sa ipinatawag na media conference con Bloggers’ Hour  para sa  PAF 2013 na may temang Ani ng Sining at subtheme na Celebrating Icons.  Ang 7 committee na bumubuo rito ay nagbigay ng info sa mga activities na mayroon sila.

3 interesting Arts

Of course, dancing is my most favorite form of art  but sa mga nakalatag na programa nagkaroon din ako ng interest sa Archi [types/text] 2013 ng  National Committee on Architecture and Allied Arts dahil na rin sa kanilang “MASJID: Jewels of Filipino Islamic Faith Exhibit” sa University of Santo Tomas Museum sa February 5 at Padyak Manila.

Click here > Hoshi’s video kay  Arch. Gerard Lico of NCCA-PAF tungkol sa kanilang buong programa

Tapos ang tagal ko nang naghahanap ng mga workshop o program tungkol sa writing o Literary Arts, mayroon pa lang Taboan 2013: The Philippine Writers Festival.  Siyempre dito, hindi basta-bastang sining sa pagsusulat katunayan, this year ang focus nila ay Bisayan literary traditions, culture and arts. Eh half Bisaya ako!

Click here > Hoshi’s video kay Dr. Priscilla Macansantos ( head of National Committee on Literary Arts)

Interesante rin ang project ng National Committee on Music (NCM) ni Prof. Felipe de Leon, Jr., ang Tunog-Tugan: First International Gongs and Bamboo Music Festival in Dipolog City and Baguio City.  Noong una naisip ko normal lang yung program pero nung simulang isa-isahing tugtugin ni Prof. de Leon yung mga bamboo instruments n’ya ay na-realize ko ang dami ngang nagkalat na simple at murang ganito pero if we’re going to analyze – ay may ibang dalang tunog at musika ang mga ito st hindi lang pang-aliw sa mga bata.

Patalastas

Click here > Hoshi’s video kay Prof. Felipe de Leon head of National Committee on Music and NCCA

 Siyempre dapat ding abangan ang

Cinema Rehiyon 5 sa University of the Philippines Los Banos (UPLB), Laguna ( February 5 to 8, 2013) ng National Committee on Cinema…  ito si Dr. Mike Rapatan (head ng committee) >Hoshi’s video 

Tanghal 2013  na gaganapin sa apat na lugar sa Pilipinas ng National Committee on Dramatic Arts. ..ito si Mr. Lutgardo Labad (head ng committee) >Hoshi’s Video  

 

Philippine Visual Arts Festival (PVAF)  ng National Committee on Visual Arts (NCVA), headed by Mr. Nemesio Miranda, na gaganapin sa Pagadian, Mindanao. Ito si Mr. Joey Tanedo ng NCVA >Hoshi’s Video

at Sayaw Pinoy, ang pinakamatagal ng NAM project (tayo na ang mahilig magsayaw!) na ngayon ay nasa ika-11 na nito ng National Committee on Dance. Dito ay maasahan na may 30 performances sa 30 different venues nang hindi baba sa 30 dance groups. Maganda ring makita ang video documentation of 25 dance icons from the different regions.

ito ang Hoshi’s Video si Madam Shirley Halili -Cruz (head ng committee) tungkol sa Sayaw Pinoy at rebelasyon niya kung sinu-sino ang paparangalan ng Ani ng Dangal (ire-reveal ko na hindi pa ako kasama d’yan hehehe!). Ang Ani ng Dangal,  na gaganapin sa Malacanang Palace, ay nagbibigay-pugay sa mga Pinoy artists na may top honors sa international awards, competitions at festivals.

 Dancing showcase

Para sa magising ang iyong diwa, mabanat ang iyong buto-buto at ma-inspire sa kagandanhan ng sining at kultura bilang Pinoy

panoorin na ang performances ng Halili-Cruz Ballet dance group

Ani ng Sining

 

at St. Dominique Savio dance group

note:  nagkaroon ako ng chance to talk with Arch. Lico and Dr. Macansantos. Share ko ang mga ito sa mga susunod na post. Mabuhay!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

8 thoughts on “When is the National Arts Month?

  • raft3r

    aba
    aba
    bakit may kabuluhan ang post mong ito?
    may guest blogger ka na naman ba?

    sya nga pala
    ngayon ang first day ng lamay sa The Deadbeat Club
    please pay your last respect
    salamat at mabuhay ka!

  • doon po sa amin

    hello, hoshi… ang galing naman – very informative at ang tyaga mong maglinaw ng info… mahilig ka ata talaga sa mga ganto-ganto, hano? sa iyo ako maraming napupulot what’s going on sa artistic and literary world, kumbaga…

    a, magaling ang halili group, as in… ang galing lang, part sila ngayon ng NCCA program. btw, ako, mahilig lang manood ng dance performances pero ni isang buto, walang tune sa pagsasayaw, hehe…

    thanks for sharing this. write on, kapatid… happy new year! 🙂

    • Hitokirihoshi Post author

      your welcome kapatid! nakakatuwa na ma-appreciate yung ganitong feature story ko. sa mga comment na ganito ko napapatunayan na maliban sa akin, hindi lang ranting at monetizing ang silbi ng blogging sa mundo.

      alam mo kasi may ibang tao pala na hindi nila maintindihan na tulad ng ganitong ginagawa ko ay ang intensyon ay makapagdala ng malaman na blog post. hindi dahil sa may libreng lunch, may maipagmamalaking blog o mauuwing giveaways.

      syensya na pero gagamitin ko na rin itong comment na ito to tell na ang pagba-blog ko particularly dito sa hoshilandia ay makapagbigay ng interesante, may saysay at nakakatulong na blog posts. kung ano naman kong iba pang prebelihiyo, tinitingnan ko yun as bunga lamanang ng maganda kong intensyon. anyway, inform ko lang naman at so far hindi pa ako kayang bakbakin ng mapanghusgang isipan na hindi alam ang sining ng blogging.

      mabuhay sa atin!

  • Balut

    Wow! lots of info and great videos! thanks for sharing girl! Ang dami ng nakakalimot mag appreciate ng mga ganitong bagay puro na lang mga social media status ha ha ha 😛

    • Hitokirihoshi Post author

      Your welcome ate! Check mo ang sched and venues ng arts festival baka mayroon sa nga pinupuntahan mong lugar.

      masarap ang mag-bisita sa mga lugar na may mga activities.

      oo nga, kaloka pa man din sa mga status. hohoho. kailangan lang talaga buhayin ang diwa natin sa mga ganitong kabagayan.