Ang saysay ng business registration o pagkakaroon ng business permit ay depende na minsan sa kung paano mo ito tingnan. Mayroong napipilitan dahil kailangan, may sumusunod lamang, mayroon din nasita na, at may naniniwala sa halaga nito. Pero para sa akin ay may magagandang dahilan din kung bakit mabuting mag-legal business, isa na roon ang seryosohin ang pagnenegosyo. Tatlong serye ng post ang gagawin ko – paano maglakad ng Mayor’s Permit, BIR Business Certification, at DTI Business Registration. Sisimulan ko sa DTI dahil ito talaga ang kailangan unang ma-accomplish kung magnenegosyo ka bilang sole proprietor.
Update/ Important Note if you intend to go all the way to BIR Registration: may mga comments akong nagtatanggap na iba-iba ang rule sa bawat RDO (Regional District Office) na ang counting ng BIR (when you file) ay mula sa pagkaka-register ng DTI. So after mo ma-accomplish ito, don’t waste time na i-process ang Mayor’s Permit at BIR Registration mo. Yes Deadline-driven ito para makaiwas sa penalty.
Sa lahat ng pagdadaanan kong government agency na may kinalaman sa pagnenegosyo, ang pinakamabilis at nag-o-offer ng convenience ay ang Department of Trade and Industry (DTI). Una, mada-download ang kanilang Business Name Application for Sole Proprietor (new or renewal) sa kanilang website o mismong sa online platform ka na mismo magpasa. Iyong huli po ang ginawa ko.
Puwede bang hindi sa isang DTI office magpa-business registration?
Aba’y oo naman. Actually mayroon na silang satellite offices sa iba’t ibang mall gaya sa Ali Mall (Cubao). Doon talaga ako nagpunta noong una pero may problema (nakalimutan kung ano na eksakto) kaya sabi nung personnel ay subukan ko sa SM Mall magpa-register. wow, pa-SM SM na lang hehehe. Hindi na ako nagdalawang isip tumawid at kumembot ako papuntang SM Cubao dahil magkatabi lang naman iyon.
Pero kung malapit/ nagagawi ka sa SM Megamall ay dumiretso ka na sa DTI NCR office Area III na nasa tapat lang nito. Sakop ng area III ang Quezon City, Mandaluyong, San Juan, at Marikina City. Nasa 3rd floor ito ng Lux Center na nasa tabi ng Highway 54 building.
Mahirap at mahal ba ang DTI Business Registration?
Nung nagpunta ako SM Bills Payment/ Customer Service ay para lang ako nag-shopping. Ipinakita ko yung print out na nagpa-register na ako online, nagpapirma sila ng panibagong form (to make it sure ng aking trip na name or para may kopya sila?), at after noon ay saka na ako siningil. Ang total amount talaga ng DTI Business Registration ay Php 215 (200 for application fee + 15 for documentary stamp). Samantala ang service fee naman ng SM ay Php 30. May additional pa na P20 ata for print out.
Ito na ang pinakamadali at pinakamurang part ng pagpaparehistro ng negosyo, maliban siyempre sa Baranggay Business Permit. Magagamit mo ang DTI Business Registration certificate mo sa pag-apply ng Mayor’s business Permit at BIR Certificate of Registration. Noong kumuha rin ako ng Barangay Micro Business Enterprise o BMBE ( will write about this soon) at baranggay business clearance (sa amin lang?) ay isa rin ito sa ni-require sa akin. Valid ang dokumentong ito hanggang limang taon.
Kelangan pa po ba IPA close ang business nameat magpanibagong register pag frozen goods lang ang nakaregister. Balak ko po kasing gawing frozen and sari sari sana ang store.
ask lang din same lang sa nabasa ko sa comment, need po ba mag bago nag business name if meat shop ang naka reg na name pero now nag serve na ng food and drinks? ano po ba dapat gawin, thanks po.
Sir hotcake vendor po ako sidecar kumikita po ako ng 300 to 500 a day kailangan ko paba ng permit o among permit pwd sakin
Hi John,
Narito po ang posibleng sagot sa inyong tanong
http://hoshilandia.com/2019/01/7-dahilan-kung-bakit-mag-business-permit-gawing-legal-ang-negosyo/
Sir hotcake vendor po ako sidecar kumikita po ako ng 300 to 500 a day kailangan ko pba ng permit o among permit pwd sakin
Hi mam ask ko sana kapag kumuha ng dti permit (baranggay) ano pa next na gagawin. Maliit na tindahan lang din po ang saken meron na baranggay permit at dti permit (baranggay) ano po next na gagawin? Or okay na po yon. Magbabayad po ba ako ng tax nyan? Salamat at pasensya na
Hello Ciara!
Ang susunod sa DTI ay Mayor’s permit http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-mayors-permit-o-city-business-permit-for-new-small-business/
at BIR http://hoshilandia.com/2017/01/business-101-bir-certificate-of-registration-small-business-and-sole-proprietor/
Kung maliit pa lang ang iyong tindahan, i guess okay na ang at least Baranggay Permit. Pero siempre depende yan sa strict ng ruling sa lugar nyo at better kong decided ka na sa iyong business kapag nag-permit ka na.
for more info sa pros and cons ng pagbi-business permit, ito ang post ko dyan:
http://hoshilandia.com/2019/01/7-dahilan-kung-bakit-mag-business-permit-gawing-legal-ang-negosyo/
Halimbawa po dagdagan ang pangalan ng pinaregistronh pangalan sa dti?
puwede naman siguro, pa-amend nyo na lang po.
Ano pong requirements na hehingin nila po?
Hi, open ba every Saturday and DTi sa AliMall?
Sa pagkakaalam ko po ay Monday to Friday lamang.
Good day
Pwede po ba makahingi ng mga information re Barangay Micro Business Enterprise? Yunh processing and papano po pag sa BIR na filling
Salamat!
Hi Jon! di ko alam kung na-email na kita
anyway, to answer your question. Punta ka lang sa DTi at bibigyan ka nila ng form. Baka magtanong or humingi ng proof sa iyo para malaman kung qualify ka.
Pagkakuha mo noon at pagpunta mo ng BIR ay kasama mong ipasa sa mga requirements. Always double checj kung pinapansin at mailagay iyon sa BIR COR mo. Dun sa tax payment or kung paano nila i-honor, doon pa ako wala say. Maraming walang paki or ni hindi alam ang BMBE. I hope DTI will do something dito.
Aptulong naman po saan po at paano po kumuha ng dti permit dito po ag nakatira sa silang cavite bago lang po kasi ako at mgtatayo po ako ng negosyo po salamat
Na-email ko na ata ang sagot ko sa iyo Julieann. pero ang sagot sa tanong mo ay mismong laman ng blog post na ito. Search mo na lang kung saan sa Cavite ang DTI office salamat!
Paano yung may Mayors Permit na Pero mga walang DTI
Naaprubahan po kang Mayor’s permit ninyo na walang DTI? Kung okay naman po sa inyo iyan, i think so far walang problema. pero para safe at kung may balak kayo na mag-BIR, apply po kayo. But siguro maganda, sa january na kayo apply . please check my other posts about mayor’s permit and BIR to know why. keywords: deadline and penalty