Hindi ko pa napapanood ang latest flick ni Piolo Pascual na OTJ kung saan kasama n’ya sina Gerald Anderson at Joel Torre , pero gusto ko i-try . Magaganda ang mga film reviews na nahahagip ko tungkol sa pelikula. Sana ganun na lang ang intriga sa showbiz ano? Nakabase sa talent, fashion, and inspiration.
Stardom of a Hunk Actor
Sa lahat ng miyembro ng The Hunks (Piolo, Diether Ocampo, Carlos Agassi, Bernard Palanca, and Jericho Rosales before (ito na naman ako) kay Echo ako humahanga. ‘Wag na sa usapang macho, talent na lang. At doon na niya mahigpit na naging karibal si Piolo. Ang actor na macho na, guapo pa, magaling umarte at sunod –sunod ang proyekto.
Okay , nakita ko na s’ya noon sa At iba pa , children’s show na nakalaban later on ng Batibot at sa movie na Batang PX starring Patrick Garcia. Pero gaya ng karamihan, mas napansin ko s’ya sa mga project nila ni Judy Ann Santos. Sa dami noon, ang nakita ko lang naman ng buo ay Bakit Di Totohanin. Bukod d’yan napanood ko rin ang movie nila ni Claudine Barretto, Milan, at 9 Mornings kung saan leading lady niya si Donita Rose.
Pero sa Dekada ’70 nagmarka ang kanyang pagiging actor, epic flick nila ni Vilma Santos na hayun ‘di ko pa rin napapanood . Interesado rin ako na ma-sight yung episode n’ya sa Maalaala Mo Kaya na isa s’yang teacher na nabaliw.
See, hindi s’ya basta sumikat, pinatunayan niya ang kanyang sarili bilang star, actor and performer. Kung ‘di mo pa alam, sa indie or not so mainstream film Lagarista s’ya nag-umpisang mapansin. Hindi man siguro tumabo sa takilya ito, doon naman umangat s’ya unti-unti or else hindi sisigaw si Toni Gonzaga ng____! Sa commercial na ‘to.
I don’t Love Piolo but…
I admire him as an actor and as a star. I’m aware of the intrigues na pinupukol sa kanya. To tell you honestly , wala akong paki kung totoo o hindi. Ang nagma-matter sa akin ay ang Piolo na nasa TV at movie. Aanhin ko ang celebrity na lalaking-lalaki nga pero bano nama umarte at aanhin ko rin ang magaling nga umarte ang pangit naman ng personality. So far , bukod sa gay issue na pinupukol sa kanya wala pa naman akong nabasa na nagsabing ang sama-sama n’yang tao.
At ito pa, na-meet ko s’ya in person noong 2007. Gaya sa TV ay guapo s’ya at makisig, pero isa lang ang umiikot na ideya sa kokote ko habang pinagmamasdan s’ya ng malapitan. Kakalimutan mo ang intriga tungkol sa kanya, basta s’ya si Piolo Pascual– ang sikat at award-winning hunk actor, bibihira ‘yan nowadays.
Pingback: Disadvantages of Love teams sa Pinoy Showbiz
Pingback: John LLoyd Cruz, Bea Alonzo, and Review of A Second Chance's
ako din hanga kay piolo. and yup, sila ni echo ang mahusay umacting sa mga member ng hunks. sige si diether na rin minsan.hehehehe. pero taob pa rin sila sa hung hunks 😛
Yung series nga nila na “Mangarap Ka” dati ni Angelica Panganiban, sinubaybayan ko talaga sa tv yun eh. magaling nga talaga siya umarte.
naks approve kay Sir Rogie! Mabuhay Ka Papa P!
hindi ako maka-relate hindi kasi ako maka (local) showbiz hi hi hi (at hindi ko rin sya type sensya na po) 😛
hehehe okay lang ate balut. kanya-kanya lang ng trip yan. salamat sa pagbisita.
Naks, si Piolo ang topic 🙂 I can still remember that TV ad of him and Toni.
yeah, ako rin tuwiing nakikita ko silang 2, yang ad ang nasa utak ko.