Kung ‘di siguro nag-speech si Tin Patrimonio before nang screening ng movie ng Gabriela sa The Block SM North EDSA, hindi ko mahahalata na dubbed ang mga linya n’ya sa film. But nevertheless naipakita naman niya ang kanyang acting at ito ang kanyang first lead role. At bilang first acting vehicle, maganda na ang Gabriela for her especially kung patuloy na maipapalabas sa mga eskwelahan.
Movie review: Gabriela part 1? Click here
For me, ang best part n’ya sa film ay yung fighting scenes n’ya kung saan may hawak s’yang itak o baril. Gamit na gamit ang kanyang pagiging tennis player. Sayang at minimal ‘yong chance na naipakita yung mga ganung eksena at isang beses ko lang din nakita na nakasakay s’ya sa kabayo. Doon pa naman sikat si Gabriela na tinitingnan ko lagi sa Ayala Avenue.
Siguro dala ng pagiging baby face n’ya kaya hindi ako kumbinsido na maging ina-inahan s’ya ni Lucas (BJ Forbes). Though bilang maybahay ni Diego (Carlo Aquino) ay maipapakita ang kanyang caring dito. Siguro, magandang i-pursue ni Tin yung mga action-drama roles like Angelina Jolie, Jennifer Garner and Angel Locsin bagay sa kanya ito and the same time, bibihira sa Philippine Cinema.
Direction, Cinematography & Editing
Kapansin-pansin ang pagiging madilim ng lighting ng Gabriela nung napanood namin ito sa sinehan. Para itong effect na dati o luma ang pelikula, which is I don’t think na ganun talaga ‘yung gusto ni direk Carlo Maceda. Siguro nasa compatibility sa big screen.
Kung si Direk Carlo ang namuno sa casting, magaling ang kanyang pagkakapili. Kahit ‘yong kay Nene Tamayo (Pinoy Big Brother 1st Winner) part at doon sa bulag na ale ay nakaw-eksena talaga. Hindi rin ako nag-expect nang malaki pagdating sa special effects pero nagustuhan ko yung fighting scenes, medyo nasobrahan nga lang sa pagka-slow mo yung ibang part at naging paulit-ulit. Pero ‘di ito gaya ng typical independent film na sinusundan ang mahaba at shaky na paglalakad ng mga tauhan.
Yung pasok ng audio medyo sablay, damang-dama kung saan yung naka-dub at hindi. May part na okay yung pasok ng musical score at meron din wala lang. Alam mo ‘yong biglang kakabog ang dibdib mo dala ng eksena at pasok ng music.
All in all this movie is not that bad, hindi lamang dahil pasintabi na sini-celebrate nito ang ika-250 kaarawan ni Gabriela Silang pero dahil mayroon itong relevance at puwede na. Pinakagusto kong anggulo sa movie ay yung gawing excomunnicado sila Diego at Gabriela. Biruin mong gawing sandata laban sa kanila ang sarili nilang paniniwala at mismong mga taga-simbahan ang nakapag-isip nito.
Bakit ba naging bayani si Gabriela?
Tanong ito ni Red, isa sa kasama kong nanood. Sa akin, walang pagkakaiba si Gabriela at Cory Aquino. Bago sila nakilala bilang heroine ay naging mabuting maybahay sila sa kanilang mga asawa. Noong panahon lalo ni Gabriela, napakabihira para sa isang babae na maging ganun at maglakas -loob na lumaban. Tama, maaaring sa simula ay paghihiganti ang dahilan pero puwede ka namang umatras kung naduduwag ka na pero dahil nandoon na ang determinasyon, sulong lang. At iyon ang iniwang ideya ni Garbriela, hindi porke’t babae ka wala ka ng laban. Go Girl Power!
Pingback: Movie Review: Gabriela starring Tin Patrimonio | aspectos de hitokiriHOSHI
Naging part na ko ng stage play ng gabriela ng ilang beses. Yung isa sa school. Yung isa naman dun sa time ng centennial ng independence ng Pinas. Bale entry yun ng isang producer sa mga plays tungkol sa mga kabayanihan ng Pilipino at sa parehong pagkakataon, myembro ako ng mga kastila. Bilang heneral at bilang guwardiya sibil. hehehehe.
Sayang, di ko mapapanood yan. So pano ang paghataw niya ng itak, may volleys ba and smash? hehehehe. Mukhang maganda nga yung movie ayon sa review mo. Pansin ko lang, pero laging ang kwento tungkol sa mga Silangs ay kay Gabriela naka focus. Si Diego, laging saglit lang. Siguro nga kasi maaga siya namatay din noon. Andun pala ang idol mo na si Carlo Aquino. No wonder di mo pinalampas ang movie. hehehe
I think on going pa rin sya kaya puwede mo pa i-try, premier night yung pinuntahan namin.
naimbitahan kami ng isang kaibigan kaya ako nakapunta at nalamana ng tungkol dito.
dito mas nabigyan ng pansin si Diego kung di man ay equal ang exposure ni Gabriela.
I see. buti naman at na exposed si Diego. Dahil nga dyan, biruan namin sa isang group namin na magtatayo kami ng partylist para sa susunod na elections. kung may Gabriela na tumataguyod daw sa mga kababaihang inaapi, dapat maitayo rin ang Diego Partylist para sa mga kalalakihang kinakawawa ng mga kababaihan naman. hehehe
Go!
Hindi sa lahat ng pagkakataon lalaki ang nang-aapi. Naniniwala ako dyan. kaya siguro nagkandawalaan na ang mga gentleman na nabuwisit na sa mga abusada, chismosa, mahadera, pakilamera etcetera. hehehe
pero totoo yan.