So what’s next after graduation, resignation or termination? Yes, back to job hunting mode and being unemployed. Instead of wasting your time sa something immeasurable sadness 😛 why not do these things while you are Looking for Better Management (LBM) or new employer.
1. Get or update your government IDs and clearance!
Ang pumila ay hindi biro lalo na kung nagmamadali ka ng makuha ang iyong gusto. Ito ang dapat na iyong punto para huwag mo ng hintayin na may mag-hire sa iyo bago mo asikasuhin ang usual na requirement sa pagtatrabaho gaya ng SSS number/ ID, Pag-Ibig number, TIN, NBI clearance, passport at iba pang itinuturing na valid identification card.
2. Create presentable and professional portfolio
Aside sa resume, madalas na hinihingi ay ang iyong work samples. Kung mayroon ka ng mga maipapakita (kahit fresh grad ka pa) ay trabahuin mo na habang may time ka to do it. di ba nga part yan ng iyong personal branding naka- naman1
- Have soft copies – ipinapa-email na rin ngayon ang sample ng iyong mga nagawa like articles, drawing, at video. Mag-save ng iyong kakailanganin files memory sticks para pag kinulang ng copy, eddie pa-print 😉
- Photocopy – Siyempre gaya ng iyong transcript of records, hindi naman puwedeng ibibigay mo yung origina copy dapat ‘yong photocopy lang.
3. Do sideline business or accept freelance jobs
You need money, kaya ka naghahanap ng full time job pero habang naghihintay ka pa ng tawag ay dapat kumikita na rin para pangtustos man lang sa iyong transportation and meal allowance. Ano bang mga sideline business na maliit lang ang puhunan – puwede kang maging load retailer , online seller ng mga second hand stuff, o mag- direct selling o buy and sell ng mga branded na beauty products, apparel, etcetera.
4. Mag-seminar o workshop
If you like to learn how to apply make up beautifully, speak English fluently or become confident – may mga school or institution d’yan na puwede mong pasukan. Karamihan ay may bayad pero may iba rin naman na free lamang.
5. Be a Volunteer sa NGO or charity institution
May Red Cross, DSWD, Golden Acres at marami pang iba pang foundation na bukas sa may busilak ng kalooban sa pagtulong. Ngayong may free time ka na makatulong go-go-go. Hindi man ito direktang makakatulong sa iyong job hunting, pero dagdag ito sa iyong good karma points.
6. Have health or dental check up
Kung mayroon ka namang pambayad at mayroon ka ng iniinda na tila hindi maalis-alis. Magpakunsulta ka na sa iyong doctor o dentista. Maghintay ka man ng 30 mins to 2 hours, hindi mo kailangan magwala sa lobby part na yoon ng pagpapatay mo ng oras.
Relax muna before or after makapagpasa ng resume at job interview. Since usually may 2 days to 1 week bago ka tawagan ng kumpanya na inaplayan mo ( kung yun ang sabi) puwede kang mag-weekend getaway with your galante friends.
8. Mag- Civil Service Exam or IELTS
Kung may balak kang magtrabaho sa gobyerno dapat pasado ka sa Civil Service Exam ka at kapag gusto mo naman mag-aral o mag-work sa isang English speaking country like New Zealand, Britain or Australia maganda kong pasado ka sa International English Language testing System. Hindi madali ang mga exam na ito kaya kailangan mag-review. Kapag natapat ang exam date sa start ng trabaho or final interview mo ( pa-reschedule?)
9. Learn different things na makakatulong sa iyong sarili thru self-study
Gaya ba kita na frustrated guitarist o gustong matuto ng Korean, Nihongo, Portuguese, Spanish at French? Manghiram, bumili o buklatin na ang mga natatagong libro. Ito na ang pagkakataon para matuto na mag-isa sa pamamagitan ng pagbabasa pero puwede rin namang sa tulong ng iyong malalapit na kaibigan.
10. Be fit and Fab: exercise, be sporty, go for dancing or Pilates
Buhayin ang iyong mga dugo, tapyasin ang tabang nagpapabigat sa iyong dibdib tuwing titingin sa salamin at mapanatag na lalakas ang iyong stamina day or night. Sumali ka sa iba’t ibang klase ng exercise na iyong trip gaya ng aerobics, Pilates, Zumba o maging active sa sports.
Pingback: Freelance Blend: Workshop for Hopeful Freelancers
kalimitan ang mga bagay na nasa taas ang mga nakakaligtaan natin habang tayo’y may oras at wala sa trabaho. ang pinaka importante ang ang pagsecure o pag update ng mga ID at clearance
Hi Mars and welcome sa Hoshilandia!
di ba naman. talagang iba naninigurado na kung kailan lang kailangan saka lang kukuha ng mga bagay na yan. hayon gahol sa oras at baka maunahan pa ng ibang aplikante.
What a loaded-kind of useful advise!
thank you ate Balue, mabuhay!