For a time ay nauso ang adaptation ng mga best-selling Filipino novel books na sinimulan, ata, ng Bakit di ka Crush ng Crush mo (under Star Cinema) ni Ramon Bautista, sinundan ng ABNKKBSNPLAko ( Viva Films) ni Bob Ong at itong Ang Diary ng Panget (Viva Films) ng isang Wattpad author na may alias na HaveYouSeenThisGirL.
Hindi ko nabasa ang novel version kaya magko-concentrate ako sa kung ano ang nasa movie lamang.
Trailer pa lang ulam na: James Reid & Nadine Lustre
Noong napanood ko ang trailer ng Ang Diary ng Panget (DnP), nalaman ko na ang mga bida ay hindi ko mga kilala kaya mas nahikayat akong manood. Siguro para fresh naman at saka para feel good lang, iba rin kasi ito sa ABNKKBSNPLaKO nina Jericho Rosales, Andi Eigenmann, Vandolph at Meg Imperial na pinanood ko rin sa sinehan.
Sa movie house, masasabi kong mabenta ang movie. Yung katabi ko na lalaki panay ang kumpara ng nabasa n’ya sa book. Kilig na kilig naman ang maraming girls lalo na kapag nagpapakita ng katawan si James Reid (act as Cross Sandford) o kung may moment sila ni Nadine Lustre (played the lead character: Reah “Eya” Rodriguez).
Same old story with fresh young actors
Oo cliche ang plot ng story—rich handsome boy meets poor ugly girl. Ang pinakamalapit kong naalang gaya nito ay ang BFGF ng TV5 starring Alex (dati Tin) Gonzaga and Kean Cipriano. Personal maid din doon si Tin at emotero din si Kean. Pero nadala ang movie ng fresh faces, cute supporting cast and wacky set up. Malapit ng pumasang live action ng isang anime series ang vibe.
Andre Paras. Kung acting and appeal pinakagusto ko si Chad na ginampanan ni Andre Paras. Above average ang grade ko sa performance ni Andre dahil kwela talaga s’ya kuha niya ang komedya ng dad niyang si Benjie Paras. And hindi naman kataka-taka na maging crush siya ng bida dahil sa kanyang tangkad at kagwapuhan. Pinakagusto ko yung moment niya noong iniligtas niya si Eya sa mga kidnappers.
Yassi Pressman. Nakakapanghinayang na hindi ko napanood ang Kaleisdoscope World kung saan unang nagbida si Yassi Pressman. Mahilig pa naman ako sa dance films. Pero rito sa DnP, okay ang acting niya with her British accent (half British talaga siya). Bilang sidekick ng bida at someone na kaagaw ni Eya sa love, good thing hindi pinili ng author na gawing bad si Lory. Kasawa na rin kasi na gawing kontrabida ang best friend dahil sa isang lalake. Pinakagusto kong eksena niya ay ‘yong kinastigo niya si Eya sa horror house.
James Reid. After season 1 ng Pinoy Big Brother, hindi na ako nahilig manood nito. So, hindi ako aware kay James. Hindi rin ako basta napapahanga ng guapong maputi, tapos walang talent. Sa movie, may ibubuga siya. Pero sana ‘wag lang s’yang maging batang version nina Sam Milby at Gerald Anderson. Siguro bagay sa kanya yung appeal noong teenager pa si Patrick Garcia (kinumpara ko rin hohoho), pero iba pa rin ang twist. Halos lahat ng eksena n’ya sa film ay trip ko puwera yung aminan portion. Wala lang parang na-disorient ako—weird.
Nadine Lustre. Singer din pala si Nadine pero kahit speaking voice pa lang niya ay may dating na. Klaro at nag-e-emote. Over all ay ayos ang interpretation niya sa lead character. Para bang- alam mong acting pero feel mo na hindi kasi totoong nakaka-relate ka sa emote niya. Saka may timing ang comedy niya. Hindi yung maganda na nga yung dialogue, hindi pa naibitaw nang maayos. Nakakilig yung mga moment niya as Eya kay Cross at Chad pero mas feel ko s’ya with Chad. Para silang ewan.
Additional flavors: Filipino music and vibrant sets
Para sa akin nakadagdag sa flavor ng movie yung Original Pilipino Music dito na mismong ang mga bida ang kumanta. Catchy yung No Erase (nina James at Nadine), Di Ko Alam (nina Yassi and Andre) at Paligoy-ligoy ni Nadine.
Isa pa ang colorful ng mga damit ng mga tauhan. Kahit pa nga yung mga ekstra lang ay bibigyan mo ng pansin like yung landlady, pawisang agent, at yung 3 admirers ni Cross. In fairness din talaga sa mga pimples ni Eya, uma-acting din.
Pingback: Movie Review: Lakbay2Love part 2 - aspectos de hitokiriHOSHI
Pingback: Movie Review: Old Skool (ano ang halaga ng edukasyon?)
Pingback: Selling Popcorn for events, partys
Pingback: Here your chance to meet James Reid with Style