Book Review: Hagdan (Agdan) by Sherma E. Benosa


Hagdan  by Sherma BenosaIsa sa mga nakalimutan ko ng pangarap ay ang maging children’s book author. Pakiramdam ko kasi  noon madali lang kwentuhan ang mga bata  at may patak ng pagka- J.K Rowling, Louisa May Alcott, at Mark Twain ang dugo ko ( feeling lang naman). Sa aking  pagbabasa ng children’s book na Hagdan/ Agdan ng Ilocano Palanca Award winner writer na si Sherma E. Benosa, hindi lamang nito ipinaalala ang aking pangarap na maging manunulat, kundi ang saya, payak, malawak at makulay na mabubuo ng isang kwento para maghatid ng aral sa mga bata.

Agdan:  bilingual and comic book

Ang isa sa panalong feature na napansin ko kaagad ng book ay pagkakasalin nito sa Filipino at Ilocano.  Waray ako pero na-appreciate ko ang wikang Ilocano sa libro na ma-Sarraap bigkasin at nakakaenganyong malaman ang katumbas ng mga ito sa Filipino.  Tiyak na ikakatuwa ito at maipagmamalaki ng mga magulang at mag-aaral para maipakilala pa ang diyalekto ng mga Ilocano.

Kasunod  na napansin ko rito ay ang paglalahad at layout ng kwento nasa anyong komiks.  Ilan na nga lang ba ang nagbabasa ng komiks o may nagpa-publish pa ng mga ito?  Sa Hagdan o Agdan sa Ilocano ay ma-e-enjoy ng mambabasa ang  kwento na hindi mag-iisip kung sino ang nag-dialogue, maraming illustration at  mahusay ang guhit ni Blanca D. Fuentes. Iyong kulay, tekstura at kabuuang disenyo ay buhay na buhay at  masining.  Katunayan na-inspire ako nito na  ganitong klaseng disenyo ang aking next scrapbook.   Ibig sabihin  naakit  ako ng art ni Bb. Fuentes.Hagdan  by Sherma Benosa inside page

Lesson sa Hagdan?

Hindi maiiwasan na makadama tayo ng pagbaba ng kumpiyansa  lalo na kung tayo ay  nasisita, nakakatanggap ng kritisismo at ikinukumpara sa iba.  Para bang natatanong mo na rin sa iyong sarili ‘ano ba ang silbi ko sa mundong ibabaw’ o ‘siguro ay wala akong kwenta?’  Sa Hagdan, naipakilala ni Sherma na ang  bawat bagay ay may halaga na malaki o maliit, napapansin o hindi, inaakyat o sinasara’t binubuksan ay may silbi.

Pakiwari ko nga pati mga karpintero, arkitekto at  gumagawa ng mga furniture ay magugustuhan ang kwentuhan nina Hagdan.   Pero siempre para sa mga bata, mainam ang mapupulot nilang aral sa libro ito.  Ilan na rito ay kilalanin ang iyong sarili at maniwala na ikaw ay may purpose sa buhay. Parang bintana, gawa man sa bakal o kahoy pero ito ang nagbibigay daan para makita natin ang tanawin sa labas.

Mabuhay!

Mabibili ang Hagdan ni Sherma Benosa sa sumusunod na book stores:

  • Mt. Cloud Bookshop (Baguio City)
  • Bookstorm (Tacloban City)
  • Bookayukay (Maginhawa St, QC)
  • BookFellas ( East Kamias)
  • Silahis Arts and Articrafts (Gen Luna, Intramuros, Manila)
  • Busyok Creative (Solano Nueva Vizcaya)

Para sa order online at iba pang detalye bisitahin ang Hagdan Page o mag-text sa  09209038511


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie? Common socialize with me!

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *