Mabuhay! Arts and Crafts Fair at 10a Alabama St., E. Rod., Kyusi


Doldilita

Doldilita

Mabibilang pa naman sa daliri kung ilang beses akong nakapunta sa Arts and Crafts Fair at 10a Alabama St. E Rodriguez, Quezon City pero sa ilang ulit na  iyon ay naroon pa rin ang mga bagay na hinahanap ko –inspirasyon at giliw. Nitong November 15 ay muli akong bumalik  dito at oo nga pala tuwing napadpad ako rito ay laging  may kinalaman sa “handmade and crafts” ang theme. Medyo natataon at Sinasadya!

Arts and Crafts Fair at 10a Alabama St: Fan of Novelty and Unique Arts

Why artistic and unique? I am not trendy, but I feel fashionable when I wear something unique and artistic.  I feel also proud if I buy products na made in recycled materials, with vintage touch, represent my personality / nationality, and very rare.  Aaminin ko na ‘di ko masyado trip na makita na marami  akong katulad ng suot, unless if I want to promote the brand or  yung manufacturer.  That’s also one of the reasons why I don’t buy from leading brands of clothes – may time na maiisip mo na lang you‘re paying for the name – not the fashion or art ng product.  Sorry baka ‘di rin ko afford talaga.

With handmade and novelty items, you can’t go wrong naman e.  Hindi ako loud sa pagdating sa outfit ( nako baka sabihin mo boyish na nga manang pa) kaya bumabawi ako sa accessories.  Going back to Art & Crafts Fair, yun ang mga bagay na magandang mabili rito because yung mga burloloy and abubot ay may touch talaga ng cute and lovely designs and made with fantastic materials. Ang binili kong clip ay made of tansan, yung badge (kung tama ako) ay sa battery ng relo, at yung hikaw naman ay mula sa piraso ng kahoy.  May magaganda ring bag doon na talagang leather kung leather, in-upscale na furniture (Resurrection Furniture and Found Objects Gallery), at pagkain.  Naalala ko lang kape pa talaga (ng Cordillera Coffee) ang una kong nabili noong araw na iyon.

Arts and Crafts Fair at 10a Alabama St:  Passion Business

Ang hirap paniwalaan na may ni isang seller dun na walang passion sa  kanyang business.  of course, you have to be enthusiastic in your  sales talk  for the profit sake, but it’s different if you’re talking about your passion. That’s one thing I always ask din when I get a chance to talk with artists like yung sa Prism Gallery (though si Nice ang nagtanong).  Para kasing it’s hard to sell something that’s a part of you even it’s just your creation.

Before the event, I already ordered special succulent plants with pots from Gawa ni Femi (of very creative lady Femi Cachola). Though nagsabi na siya sa akin na baka isa lang muna ang makukuha ko kasi yung isa (a Michael Jackson pot) ay matrabaho, I wish din na  mabitbit ko na yun para isang puntahan na lang. Anyway, I like her explanation na parang she doesn’t want to compromise the quality for the sake of rushing it na maibigay sa akin. Sinabi rin n’ya na  nakaka-frustrate na kapag siya mismo hindi nagagandahan sa gawa niya.   Bukod sa hindi naman ako nagmamadali,  that’s acceptable reason for as a client  dahil binigyan ako ng value.

I’d like to think na ganun din iyong ibang seller sa event… feeling ko nga hindi na lang sila  nandoon para sa kita kundi para ma-share or promote ang kanilang passion business.  pero ako siempre as businesswoman and supporter, Gusto ko silang kumita lahat!

Please follow Arts and Crafts Fair at 10a Alabama St’s facebook fan page for updates and announcements. Let’s support Filipino artists and businessmen.

Patalastas

Chandelier Fan?

Chandelier Fan?

 

 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

One thought on “Mabuhay! Arts and Crafts Fair at 10a Alabama St., E. Rod., Kyusi