Ano ang dapat mo malaman sa networking business, multilevel marketing?


Ang post na ito ay hindi para sa isang networking business at multilevel marketing company. Hindi rin kita tatanungin ng “open-minded ka ba?” o “gusto mo bang yumaman?” Gusto ko lang sagutin ang burning question ng marami kung okay ba o scam lang ang pagne-networking?

Na-networking ka na ba?

Whether business or not, the networking concept is everywhere. Hindi naman kataka-taka na mag-isip ka ng negatibo tungkol sa networking lalo na kung:

  • unknown ito sa iyo at may naririnig kang nega tungkol dito
  • nag-try ka dati pero hindi kumita,
  • at naloko ka na sa tsika ng upline/ recruiter mo.

        Pero ano nga ba ang networking? Base sa mga natutuhan ko, ang networking ay isang paraan na ginagamit sa franchising, dealership, direct selling companies, social networking sites, o sa lahat ng business. Matatawag din itong “kone-koneksyon,” referral, o pagre-recommend para makabenta o makaendorso. Sa tulong nito, posibleng umabot kung kani-kanino at kung saan-saan ang tungkol sa iyong serbisyo/produkto.

*Sa Facebook kapag nag-a-add ka ng friend, ang una mong bibigyan o ia-approve na friend request ay ang personal mong kakilala. Paano kung may gusto kang hanapin na kakilala na alam mong “mutual friend” ng BFF mo.  ‘Di ba  ang titingnan mo ay ang friend list ni BFF?  O kaya puwede rin na i-search mo ng direkta sa Facebook ang name ni Kakilala. See? Hindi mo mahahanap si Kakilala kung ‘di s’ya mutual friend ni BFF o kung wala s’yang FB account. Kaya for sure Ateh / Koyah, na-networking ka na!

Sa awesome kong artwork (“,) na ito ay abstract-less, makikita kung  paano nabubuo ang “community of customers” para sa business through networking. Magsisimula ‘yan sa sa iyo, sa mga kakilala mo at sa mga kakilala nila.

Ang networking din ay hindi lang pang-business, ginagamit din ito sa career boosting. Puwedeng dahil sa networking makakilala ka ng mentor, employer, o mga organisasyon na swak sa iyong passion. Dagdag na rin dito na ang networking ay hindi lang nagsisimula sa mga kaibigan, katrabaho, o kamag-anak mo. Puwede ka rin namang mag-networking sa kahit saan o kanino but usually effective ito kung meron kayong common ground. Halimbawa, pumunta ka sa event na ang makakasama mo ang mga kapwa mo interesado sa business, arts, science o movies. Madaling makipag-usap hanggang sa magnetworking sa ganitong okasyon.

Ano ang pinagkaiba ng networking sa pyramid scheme? Pagdating sa process ng kone-koneksyon ay pareho ang sistema ng dalawa. Pero sa pyramid scheme ay walang ibinebentang produkto at serbisyo, kundi PANGAKO lang na kikita ng MABILIS sa bawat bagong mare-recruit na magbibigay DIN ng pera. I think ito ang pinaka sumira sa imahe ng networking. Ang kikita lang dito ay ang nasa itaas ng pyramid at kawawa ang nasa ibaba. Buti pa yung hindi kumita sa networking at multi-level marketing may produkto na magagamit. Kaya posibleng katamaran na nag-recruit kung di kumikita. Eh sa Ponzi scheme?  Panoorin mo ang Honor Thy Father ni John Lloyd Cruz ito ang paksa.

What is multilevel marketing?  Tingnan mo ang photo sa ibaba⇓ isipin mo na what if ikaw iyong nasa itaas at tsinitsika (mina-market) mo sa mga nasa ibaba ang nagustuhan mong Hoshi Café (for example). Tapos nakwento nila sa tipong hanggang 5 salinlahi (“,) ng kakilala nila ang tsika mo. Biruin mo nakapag-multilevel marketing ka na ganun-ganun lang. PERO ni isang mabentang tasa ng Hitokirihoshi Tea or Coffee ay wala kang cut sa kinita o malibre man lang? Sa mga multi-level marketing companies mayroon ka sa bawat benta (o porsyento) ng kita ng mare-recruit mo.

Patalastas

Hiking sa Mt. Pamitinan

3 Important Tips sa Networking, Multilevel Marketing

1. Maging mapili sa produkto o serbisyo na ima-multilevel marketing mo. Hindi ka naman siguro gaanong mahihirapang magbenta o mag-recruit kung unang-una ay mabenta ang produkto o serbisyo na inaalok mo

*My personal experience: Marami ng lumapit sa akin na nasa ganitong field, kasama ang mga kamag-anak (as in), pero tumatanggi talaga ako kung ayaw ko nang in-offer at mahirap sa akin na maibenta. Siguro nga may ibang naging milyonaryo na sa kanila. Pero for me networking and multilevel marketing are just ways to boost your sale. The bottom line is what do you offer? Bago ko isipin na networking/ recruiting side, aalalahanin ko muna na kapag ako ba ang retailer/ direct seller ay magagawa ko ba ito. Kung ako ba ang customer ay pangangailangan ba ito sa akin?

2. Kabilib-bilib ka ba na magbenta nito? Hindi lang ‘yan sa itsura ha, kundi kung kapani-paniwala ang sinasabi mo at kaya mong magpaniwala ng ibang tao.

* My personal related story about this: Isang araw ay may lumapit sa akin, binebentahan ako ng glutathione soap. Ang una kong reaction ay humagalpak sa tawa. Hindi ako nainis na naisip n’ya na bentahan ako, hindi naman ako kaitiman. Hindi rin naman siguro mahal ang sabon o walang tatak ito. Tawang-tawa ako kasi kilalang-kilala ko iyong lalaking nagbebenta. Kilalang-kilala ko na sa araw-araw na nakikita ko s’ya ay malinis lang s’ya ‘pag bagong ligo s’ya ( minsan nga ni hindi nagsusuklay). Sa maghapon o magdamag ay naglalaro (malapit na sa sugal) lang s’ya. Wala pa d’yan ay linggo-linggo ay nasa inuman (minsan every other day) pa.  Ayokong maging judgmental, but please bakit Glutathione soap, bakeeet (with padaosdos sa wall)!??? (“,)

3. Legit ba ang company at may good track of records? Need itong i-check kasi sayang naman ang effort mo na magbenta at mag-recruit kung ‘di ka binabayaran on time, mabagal ang processing ng orders at payment, at ang pangit ng system. What more kung manloloko talaga? Hindi ba’t madadawit ka rin sa maling ginagawa nila? Mas madali at kapani-paniwala rin na i-market ang legal na company.

Ang isa sa natutuhan ko sa mga libro ni Chinkee Tan⇑ ang Direct Selling/ Multilevel Marketing

Para sa akin, hindi rin ‘yan base sa nabiling kotse at bahay, narating na mga bansa, at naiuwing pera ng mga nasa up-line Yun ang pang-akit sa mga seminars kung ano yung nabili ng mga naunang punasok sa networking system. Ako ang paki ko ay gaano kaalam ang upline/recruiter sa business/ products para ma-lead ako nang tama. Paano ako hahakot ng milyones o magagaya ko (Daw?) ang nagawa n’ya kung ‘di n’ya alam maging leader o i-manage mga recruit n’ya.  At the end of the day,  ang mga nasa downline ang tatrabaho ng sarili nilang milyon kaya kailangan matututo at umaksyon. If you don’t believe in their business, product o service better wag ka na sumali. Kung kabaliktaran, at tingin mo maganda, go for it!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.