Ano ang dapat mo malaman sa networking business, multilevel marketing?   wow updated !


Una sa lahat, ang post na ito ay hindi para sa isang networking business at multilevel marketing company. Pangalawa, hindi kita tatanungin ng “open-minded ka ba?” o “gusto mo bang yumaman?” Pangatlo, puwede mong kilalanin kung sino at ano pinagagawa ko sa buhay sa About page ko kung umiikot na  imahinasyon mo sa motibo ko. Hohoho! Pang-huli, gusto ko lang sagutin ang burning question ng ilan kung okay ba o panloloko lang ang pagne- networking?

Na- networking ka na ba?

Whether business or not, networking is everywhere. Hindi naman kataka-taka na mag-isip ka ng negatibo tungkol sa networking lalo na kung:

  • unknown ito sa iyo pero may naririnig kang nega tungkol dito
  • nag-try pero hindi kumita,
  • at naloko ka na sa tsika ng upline/ recruiter mo.

        So what is networking? Base sa mga natutuhan ang networking paraan ay ginagamit din ito sa franchising, dealership, direct selling companies, social networking sites, o sa lahat ng business. Oo Ateh / Koyah,  ang tawag  din natin dito ay “kone-koneksyon” na ginagawa natin para hindi lang tumpok-tumpok ang mabenta natin sa talipapa. Puwedeng banye-banyera hindi lang mula Batanes hanggang Jolo, kundi posible saan man panig sa mundo.

*Sa Facebook kapag nag-a-add ka ng friend, ang una mong bibigyan o matatanggap na friend request ay mga personal mong kakilala. Paano kung may gusto kang hanapin na kakilala na alam mong “mutual friend” ng BFF mo.  ‘Di ba  ang titingnan mo ay ang friend list ni BFF?  O kaya puwede rin na  i-search mo ng direkta sa Facebook ang name  ni Kakilala.  See? Hindi mo mahahanap si Kakilala kung ‘di s’ya mutual friend ni BFF o kung wala s’yang FB account. Kaya for sure Ateh / Koyah, na-networking ka na!

Sa awesome kong artwork (“,) na ito ay abstract-less na makikita kung  paano nabubuo ang “community of customers” para sa business through networking. Magsisimula ‘yan sa sa iyo, sa mga kakilala mo at sa mga kakilala nila.

Ano ang pinagkaiba ng networking sa pyramid scheme?  Pagdating sa process ng kone-koneksyon ay pareho ang sistema ng dalawa. Pero sa pyramid scheme ay walang ibinebentang produkto at serbisyo, kundi PANGAKO lang na kikita ng MABILIS sa bawat bagong mare-recruit na magbibigay DIN ng pera. I think ito ang pinaka o isa sa sumira sa imahe ng networking. Ang kikita lang dito ay nasa itaas ng pyramid at kawawa ang nasa ibaba. Buti pa yung hindi kumita sa networking at multi-level marketing may produkto na magagamit. Kaya posibleng katamaran na na-recruit kung di kumikita. Eh sa Ponzi scheme?  Panoorin mo ang Honor Thy Father ni John Lloyd Cruz ito ang paksa.

What is multilevel marketing?  Tingnan mo ang photo sa ibaba⇓ isipin mo na what if ikaw  iyong nasa itaas at tsinitsika (mina-market) mo sa mga nasa ibaba ang nagustuhan mong Hoshi Café (for example). Tapos nakwento nila sa tipong hanggang 5 salinlahi (“,) ng kakilala nila ang tsika mo. Biruin mo nakapag-multilevel marketing ka na ganun-ganun lang. PERO ni isang mabentang tasa ng Hitokirihoshi Tea or Coffee ay wala kang cut sa kinita o malibre man lang? Sa mga multi-level marketing companies mayroon ka sa bawat benta (o porsyento) ng kita ng mare-recruit mo.

Hiking sa Mt. Pamitinan

 

3 Important Tips sa Networking, Multilevel Marketing

  • Maging mapamili sa produkto o serbisyo na ima-multilevel marketing mo. Hindi ka naman siguro gaanong mahihirapang magbenta o mag-recruit kung unang-una ay mabenta ang produkto o serbisyo na inaalok mo

*Marami ng lumapit sa akin na nasa ganitong field, kasama ang mga kamag-anak (as in), pero tumatanggi talaga ako kung ayaw ko nang in-offer at mahirap sa akin na maibenta.  Siguro nga may ibang naging milyonaryo na sa kanila.  Pero for me when it comes to business, networking and multilevel marketing are just ways to boost your sale. The bottom line is what do you offer? Bago ko isipin na networking/ recruiting side, aalalahanin ko muna na kapag ako ba ang retailer/ direct seller ay magagawa ko ba ito. Kung ako ba ang customer ay pangangailangan ba ito sa akin?

  • Kabilib-bilib ka ba na magbenta nito? Hindi lang ‘yan sa itsura ha, kundi kung kapani-paniwala ang sinasabi mo at kaya mong magpaniwala ng ibang tao.

* May makabagbag-damdamin true to life story ako dito na ang bida-kontrabida ay ako. Isang araw ay may lumapit sa akin, binebentahan ako ng glutathione soap. Ang una kong reaction ay humagalpak sa tawa. Hindi ako nainis na naisip n’ya na bentahan ako eh hindi naman kaitiman. Hindi rin naman siguro mahal sabon o walang tatak ito . Tawang-tawa ako kasi kilalang-kilala ko iyong lalaking nagbebenta. Kilalang-kilala ko na sa araw-araw na nakikita ko s’ya ay malinis lang s’ya ‘pag bagong ligo s’ya ( ni hindi nga nagsusuklay at nagpopolbo minsan) at sa maghapon o magdamag ay naglalaro  ( malapit na sa sugal) s’ya. Wala pa d’yan ay linggo-linggo ay nasa inuman (minsan every other day) pa.  Ayokong maging judgmental, but please bakit Glutathione soap, bakeeet (with padaosdos sa wall)!??? (“,)  Kung detergent bar pa ang in-offer seseryosohin ko e.

  • Legit ba ang company at may good track of records? Need rin itong i-check kasi sayang naman ang effort mo na magbenta at mag-recruit kung ‘di ka binabayaran on time, mabagal ang processing ng orders at payment, at ang pangit ng system. What more kung manloloko talaga? Mas madali at kapani-paniwala rin i-market ang legal na company.

Ang isa sa natutuhan ko sa mga libro ni Chinkee Tan⇑ ang Direct Selling/ Multilevel Marketing

Isa pa’y hindi rin ‘yan base sa nabiling kotse at bahay, narating na mga bansa at naiuwing pera ng mga nasa up-line.  Ako ang paki ko ay gaano kaalam ang upline / recruiter sa business/ products para ma-lead ako nang tama. Paano ako hahakot ng milyones  o magagaya (Daw?)  s’ya kung ‘di n’ya alam maging leader o i-manage mga recruit n’ya.  At the end of the day,  ang mga nasa downline ang tatrabaho ng sarili nilang milyon kaya kailangan matututo at umaksyon.

 


About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Online Publisher, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Technopreneur, frugal Traveler, Cinephile since birth, natural Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial, and Multipotentialite or Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *