How to make a beautiful and inexpensive Scrapbook


(part 2 of Scrapbooking, why not?)

Matapos kayong bigyan ng idea kung bakit mainam mag-scrapbook narito naman ang pinagsama-samang tips and suggestions nina Pao Iglesia, Len Armea, Jovy Bajo kung paano gumawa ng maganda pero murang scrapbook.

Conceptualize a theme for your pictures

scrapbook layout and design

Pao – Binabase ko ang pag-design depende sa pictures na gagawin ko. Let’s say Birthday party, mostly ang concept ng design ko ay balloons, birthday hat, cakes etc.

Len – Umiisip ako ng theme, after that.

Jovy – Pwede kang gumawa ng theme per page. Sampol, kung ang larawan tungkol sa swimming, gumamit ka ng mga props na patungkol sa paglangoy, paglublob sa tubig o pagbabasa sa gripo gaya ng pating, basong may tubig o swim suit. Name it, madami kang magagamit sa paligid-ligid ng bahay-kubo.

Gather your tools/ materials
scrapbook materials

Len – Bumibili ako ng scrapbook (12×12), nag-iipon ng materials na kakailanganin ko, inaayos ko iyong mga photos na gagamitin tapos nagsusulat na rin ako ng article about sa scrapbook na iyon, parang editor’s note. Mas gusto ko complete lahat ng materials ko kasi kapag nag-start ako gumawa, dire-diretso iyon.

Jovy – Make sure na nasa proper condition ang mga materials na gagamitin sa paggawa. May mga nabibili na mga specialty shops o Nat’l bookstore (materials & tools). Kung wala ka naman pambili, makakatulong ang iyong pagiging resourceful, ibig sabihin kung anong makita mo sa bahay, sa kapit-bahay at sa ka-baranggay mo ay pwede na rin.

Patalastas

Gumamit din ng acid-free materials sa paggawa ng scrapbook na hindi nagkakatas. Bawal magdikit ng bagong balat ng kahel. Kung iyong mga pinapatuyo naman at mapagpasyahang isama ito sa iyong artwork, siguruhing tuyong-tuyo ito dahil baka imbes na maging creative artwork ay maging garbage artwork ang kalabasan.

Have a time for it

Jovy – Maglaan ka ng ample time para dito. Mas magandang ganado ka sa paggawa kaysa nagmamadali. Mahirap magtanggal – dikit ng glue kapag nagbago ang isip mo sa design.

Len – Buong araw kong ginagawa iyon, kapag naumpisahan ko, doon lang talaga ako naka-focus, kumbaga, may sarili akong mundo. Kaya ayoko ng paisa-isang page.

scrapbook and art materials (7)
Sample of Scrapbook in Scrap n Tell event of Art Attack

In your designs…be unique, search, and experiment…

Pao – Be resourceful. Be unique. Be yourself and of course, dapat nasa mood ka para makapag-isip ka nang maayos at mailabas mo ang design na gusto mo.

Len– It’s in knowing all the materials that you have. From there, makakapaglaro ka na kung anong design ang gagawin mo sa isang particular scrapbook page. Mayroon din naman na photo na mismo ang magsa-suggest talaga ng design na dapat. Example, nasa swimming resort kayo so the design will have to revolve around that – light colors, mga stuff na ginagmait tuwing summer. Mayroon din mga websites na nagpapakita ng iba’t ibang scrapbook designs. You can take cues from that. Not necessarily gagayahin mo pero magkakaroon ka ng idea just by looking at those designs.

Jovy – Focus sa paggawa, nasa kondisyon kang gumawa upang mailabas mo ang tunay na damdamin, at style mo sa artwork mong ito. Huwag mag-stick sa standard. Matuto kang mag-eksperimento.

To be a thrifty scrapbooker… stick with your budget, recycle and create a mock- up

Pao – Karamihan sa scrapbook ko ay gawa lamang sa magazines, gift wrappers and leaflets na nakukuha ko sa labas. Hindi naman kailangan maging magastos sa paggawa nito, kailangan lamang ng isang malikhaing pag- iisip at maging resourceful. Bilhin lamang ang mga materials na kinakailangan para makaiwas sa malaking gastusin.

scrapbook and art materials (1)

Len – Ako kasi madalas bumibili ng scrapbook materials pero I limit myself from a particular amount. Maganda na tumingin sa iba’t ibang stores, huwag mag-stick sa isa. Tapos, may habit din kasi ako na magtago ng mga stuff na pwedeng gamitin ulit. Example, iyong mga tags sa damit, tinatago ko yun tapos tinatakpan ko iyon by putting designs on it. Iyong mga ribbons ng mga natanggap kong gifts, tinatago ko. Iyong wrapper ng bouquet of flowers, colorful candy/chocolate wrappers, mga beads ng napigtas na bracelet.

Jovy:  a. Gumawa ka ng mock-up. Maaring gumamit muna ng paper tape sa iyong mga sariling gawang embellishments (yung mga nabibili sa specialty shops madalas sticker type na maari mong maidikit agad) pandikit sa iyong scrapbook, at kapag nagawa na ang iyong pattern saka mo ito i-elmer’s glue.

b. ang paggamit ng glue ay yucky at messy. Kung di rin lang naman hollow block ang ididikit mo, gumamit ka na lang ng double sided tape. Sosyal pa!

Store it in a safe and clean place

scrapbook materials

Jovy – store it in a dry place matapos mo itong gawin. Siguruhin din na hindi ito pagtitripang at matitipuhang pagpiyestahan ni mickey mouse.



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

27 thoughts on “How to make a beautiful and inexpensive Scrapbook

  • jube

    supeeerrr dooopperr recyclable, ika nga ni Pao, compliment ba yan? hehehe

    Alam ko cute ako, hindi yung scrapbook ko..charot! =)

    Pabati: Maligayang kaarawan Pao-pao! (ambaho pala kapag inulit yung nickname mo) hehehe More power!

  • Pao :)

    Thumbling ako sa mga pics mo Len.. Celebrity kung celebrity pala ang drama ng bawat pahina ng scrapbook mo.. Hehe! At infairness kay Jovy, supeeerrr dooopperr recyclable materials naman ang drama, ang cute 🙂

    Anyway, marami naman tlgang ibang paraan ng pagdedesign ng scrapbook at dapat lang na ikaw ang unang maka-appreciate sa ginawa mo anu man ang maging outcome ng hitsura nito. Sana lang mas marami pang tao ang ma-enggayo sa pag-i-scrapbook nang sa ganon hndi lamang basta nakatambak sa isang kahon ang mga letratong pinadevelop. Mas nakakatuwa kasing tingnan ang isang larawan kapag may design and caption na kasama. Sabi nga nila, iba pa rin ang pakiramdam kapag alam mong pinaghirapan mo ang isang bagay 🙂

  • Hoshi Post author

    ay kayang -kaya mo yan Eloiski at yes tamang-tamang mag-scrapbook kapag walang magawa this summer. sayang naman ang mga pictures mo kung sa isang plain album mo lang ilalagay. kaya mong i-personalized or i-customized ng hindi naman ganoon kamahalan.

    mabuhay and i hope to see your scrapbook, on line. !

  • Jowyow

    WOW AKO mahilig ako niyan… alam mo ba dinadayo ko pa ang national bookstore sa subic noon makabili lang ng magagandang abubot na mabibili para ilagay sa scrapbook ko… mejo magastos ako kapag gumagawa ng gnyan, pero nasisiyahan naman ako kapag natapos ko… nagun di ko na nagagawa… haizzz

    • Hoshi Post author

      ayee scrapbooker ka rin pala. isa nga sa mahirap na kalaban sa hilig na ito ay time at pagba-budget.

      di bale, gaya nga ng sinabi ang saya-saya gumawa nito. mabuhay!

  • eloiski

    gusto ko ang poste mong to. para tuloy ang sarap na gumawa ng iskrapbuk lalo na’t summer. yung tipong wala kang magawa! nagkuuU! ang sarap gumawa ng ganyan.

    natuwa ako sa mga tips nila. okay na okay sa olrayt. kaso sana talaga makagawa ako! waaah!

  • len

    Sana ay may napulot na aral sa amin tatlo ang iyong mga mambabasa, hoshi.

    Ate Jovy, oo nga. Kailangan natin magkaroon ng sample works para maging credible tayo. hahaha

  • jube

    Wa ako ma-say Hoshi! Pang-Life ang istoryang ini! hahaha

    Hopefully makapagbigay din ako ng kahit isang sample page design ng scrapbook ko, Len, submit ka din, nao-OP tayo ni Pao. lol!

    Salamat sa pag-feature, akala ko aayusin mo pa yung mga salitang ginamit ko, ang barubal ko pala mag-explain.

    I ♥ Hoshilandia!

    • Hoshi Post author

      okay na ang barula may sense naman. hehehe
      oo for life ito. pasa an rin kasi kayo, tagal ng submission nyo e. gusto ko yung ipasa mo yung gawa sa naiibang materials.

      Yeah we ♥ Hoshilandia!