Hindi ko alam ang puno’t dulo ng lahat pero napagdesisyunan ng mga kasama ko sa… na mag-jogging sa Ultra (University of Life Training and Recreational Arena)o Philippine Sports Complex. Sa kasawiang palad ay sumama lang ako sa kanila pero hindi nakatakbo. Inuubo kasi ako at feeling sakitin.
First time kong makapasok sa Ultra na open around 4am to 10pm at wala akong gaanong ideya kong ano talaga itsura. Ang ini-imagine ko rito ay iilan lang bahagi lang ‘yong nasisinagan ng ilaw at ako na hindi naman tatakbo ay tatabihan ng mumu. Akala ko kasi hindi na ito tinatao pagkatapos ng stampede incident sa isang noontime show. Pero hindi naman, malaki naman pala ang complex at iba pa iyong venue noon.
Habang nakaupo ako at nagbabantay ng gamit ng mga kasama ko (hehehehe,wawa!) naisip ko na hindi na masamang ideya ang mag-workout sa loob ng Ultra. Kaya naman natuwa ako kasi okay naman ito para sa mga sporty and willing maging sporty. Maliban sa kalat sa paligid, in my opinion, okay ang ULTRA particularly iyong oval track. Buhay na buhay ito sa gabi dahil marami pala ang nagti-training rito na kung hindi ako nagkakamali ay football o soccer. Siyempre doon sa oval track, sari-sari na ang nagtatakbuhan. May nakita akong mataba na akyat–panaog sa hagdan sa may kalayuan at mayroon namang bata na kasamang nag-i-stretching ng kanyang ama siguro.
Hindi kalayuan ito Ortigas area at siguro hindi rin naman sa bandang Eastwood kaya naman mainam itong puntahan ng mga gustong mag-exercise after office or school. Then, mainam din ang ganitong jogging para ma-bonding moment at ma-expose sa sports.
“Maganda lang yung may kasabay ka para namo-motivate ka,” sabi ng isa kong kosa.
Pero para sa akin, isang attraction din dito ang kalapit nitong restaurant, ang Ay See’s.
Halos mga boses foreigner ang mga naririnig ko sa field at bench. Naisip ko tuloy, buti pa sila ay alam na may ganitong lugar na puwede silang mag-practice o maglaro. Ang entrance sa oval track ay P35 at 60 naman sa swimming pool. Tingin ko okay naman ‘yong mga facilities in general knowing na dito nagpa-practice ang ilan sa ating mga atleta at pinangangalagaan ito ng Philippine Sports Commission.
note: kuhang cp lang ang mga ‘to at sa puwesto ko lang habang nakaupo.
Hello,
alam ko matagal na yung thread na to, tanong ko lang kung open sila weekends? and anong oras?
Thanks
ano be, taga bantay ang drama, hahaha. kung dito may mga wild boars, meron din palang wild encounters dyan? may entrance pala ano? dito yang mga ganyang fields bukas para sa lahat. kung gagawin yan sa pinas, sira ang field o kaya ginawa ng bahay bahayan 🙂 takboooo
sa simula lang to te, nakakatakbo na ako ngayon. pinakamarami ko na ang straight na ikot sa oval field then iba lakad hinto takbo na. ayoko rin naman i-push tamang takbo lang dapat.
oo nga pati sa mga aerobics class sa Circle, mayroon din. okay lang naman as long as affordable. tamang may mapala naman yung nagmi-maintain at makakain yung nagtuturo. hohohoh!
teka, teka
yun mga kakosa mo ba cute?
pasabay naman sa next jogging nyo
hehe
kung cute ba sa iyo ba si chief yun na, hahaha!
Let’s sweat it out! 🙂
yeah common! hehehe
hello, chief!
gusto ko din jumogging, tayp kong gawing religious kaso ndi ko magawa. Ayoko na magsite ng dahilan, ang puno’t dulo tamad mode lang. Inaalagaan ko lang precious baby fats ko! LOL! 😉
Stay Healthy!
hahaha baby fats talaga. ang cute!
once in a while maganda mo rin ma-try kahit hindi dyan. pero i assure you maganda rin talaga dito. iba yung atmosphere then iba rin yung sa circle.
hohoho
hindi sya connected pero namiss ko ang Ay See’s. kahit malayo sya, madalas kaming kumain jan. sarap ng pinapaitan at sisig..
malapit ka lang po ba sa ULTRA?
ay i agree with you, isang beses pa lang ako nakakapunta roon and nasarapan na nga ako sa kanilang pambatong pagkain.
malayo po ako sa Ultra.
gusto ko din magpunta jan at magjogging…
teka bagong bihis ba ang blog mo? o may problema lang nag mata ko? hehehe
sige go go go lang… be sporty and meet lots of people. chuz endorse na endorse di ba?!
hmmm hindi ko alam kung napagkakamali mo ang dalawa kong blog or matagal ka lang hindi nadalaw rito.