I feel so lucky, lucky-lucky-lucky!


Press Release

Finally, ang pinakahihintay namin ni PM ay dumating na!

Opo, ang consolation prize ko sa pagsali sa kanyang 4th year blog anniversary contest…ito yung aking entry oh.

Nasa aking mapapalad na kamay na (dami ko atang palms)!

 

Script

Enter Hoshi with your winning clap (yung palakad na bahagyang lumulundag at pumapalakpak na parang  tumatawag ng alagang kalapati)

Hinto hoshi sa center stage then magsalita sa boom microphone. Spotlight sa kanya habang ang mga kembot girls ay umi-exit  habang gumegewang-gewang ang balakang.

 

Hitokirihoshi Laurence:  Gusto ko pong magpasalamat kay PM sa kanyang  busilak na puso, sa kanyang galanteng bulsa, lakwatserang paa at  mabukang bibig para sa personalized kit chain na natanggap ko.

 

Hihikbi tas pupunasan yung  nangingilid na luha sa eye (right side lang dapat!).

Patalastas

 

Hitokirihoshi Laurence: Bibihera na fo kashe yung nagfafa-contesht then may geft fa ren for you and personalized fa, so sweeeet de va!  Zo shalamat much to you talage! Mabuhay

 

Lights on…

palakpak ang sandamukal na audience na happy for hitokirihoshi…

 

lalabas sa screen ang audio-visual presentation ( 1. Pictures ni PM mula day 1 na nag-blog siya hanggang sa maisip niyang magpa-contest  sa  kanyang 4th anniversary 2. Video clips ng pagsulat ni Hoshi ng kanyang entry hanggang sa makatanggap siya ng email from PM crossfade sa pagtanggap nya ng gift)

 

Anime host boses robot: may gaagaawiin kaabaa  paaraa kaaay PM biilaaang pasaaasaaalamat?

Hoshi: Kakanta po ako para sa kanya paki-click na lang po ‘tong avp clip.

Review

Tunay ngang may mga tao na nasa magkaiba mang-computer pero pinagpapakilala ng iisang gawain…ang mag-blog

Isang malaking pagpapala at tagumpay ang maging masaya nang matagal sa pagba-blog na hindi lamang nagbibigay  ngiti sa mismong bloggers kundi sa mambasasa nito.

At isang suwerte ang  magkaregalo  through blogging. Hoshi you are so lucky-lucky, lucky-lucky tonight!



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

16 thoughts on “I feel so lucky, lucky-lucky-lucky!