So are you good in Songwriting?


So are you good in composing or songwriting?  Kung oo o kaya ay gusto mo subukan ang iyong galing, join ka na sa Philippine Popular Music Festival na nag-start ng tumanggap ng entry noong March 1 at matatapos naman sa May 10.

May kaluwagan ang kanilang rules dahil kahit anong edad puwede at kahit sa dialect na trip mo puwede rin.  Ang ilan sa mga kabilin-bilinan ay dapat nasa four minutes, mp3 format at kung nasa abroad ka at pasok ka sa top 14 ay dapat nasa Philippines ka sa buong tanan ng contest na ang grand prize ay isang milyon plus trophy.

Para sa iba pang detalye ng PhilPop click here.

Originals versus Covers

Maraming singers ngayon na ang laman ng album ay cover songs. Wala naman problema naman talaga doon lalo pa nga’t kung nabigyan nila ng justice at nagawa nilang parang kanila ang dati ng sikat na awitin. Ilan sa kinilala kong magaling sa pag-revive ay Nina, Juris or M.Y.M.P, Aiza Seguerra, Kyla, at Regine Velasquez.   May iba pa naman na magaling din pero yung mga binaggit ko yun lang naalala ko ngayon na alam mong may version siya ng ganitong kanta na nag-hit.

Pero mas nakaka-bilib para sa akin ang mga singers na mahilig gumawa ng orihinal specially kapag nagawa pa nila itong mag-hit. Hindi nga ba’t  dito rin talaga nakilala sila Sharon Cuneta, Ogie Alcasid, Rey Valera, Regine, Aiza, Gary Valenciano, Martin Nievera, Jose Mari Chan, Christian Bautista, Yeng Constantino at mga banda gaya ng Eraserheads, Rivermaya, After Image, Bamboo etc. Puwedeng ang ilan sa kanila ay nag-cover na at na-revive naman ng iba ang kanilang mga kanta dati pero once na marinig mo ‘yong isang kanta sila ang maaalala mong nagpasikat noon.

Recent faves…

Narito naman ang ilan sa sort of favorite ko na bukod sa orihinal naiiba ang atake:

T.N.T by Kamikazee from the album Romantico under Universal Records 

Patalastas

Ako Na Lang by Zia Quizon from the album Zia under Polyeast Records

Ayuz by Rico Blanco from the album Yugto under Warner 

Jeepney Love Story by Yeng Constantino from the album Lapit under Star Records 

Betamax by Sandwich from the album <S>Marks the Spot under EMI – 

May Tama Rin Ako by Jay R Siaboc 

Torete by  Moonstar 88 from  the album Popcorn under Alpha Records

Kanlungan by Noel Cabangon from the album Himig Nating Pag-ibig under Ballyhoo Records 

Kahit Konti popularized by Florante and composed by Gary Granada

Tatlong Beinte Sinko popularized by Dingdong Avanzado and composed by Rannie Raymundo from the album Dingdong Avanzado under Dyna Records  

Estudyante Blues by Freddie Aguilar 

Bulag , Pipi at Bingi by Freddie Aguilar

Kahit Maputi na Ang Buhok ko popularized by Sharon Cuneta and composed by Rey Valera

Dahil wala akong hilig sa music ito naman ang try ko kunwa sa songwriting hehehe

Oo Addict Na Ako 



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

17 thoughts on “So are you good in Songwriting?