11 Places to Visit in South Korea part 1


Pinangarap ko noon na makapunta sa Greece kasi  naaliw ako sa Greek Mythology, sa Japan kasi nahumaling ako sa anime at super sentai, sa Taiwan dahil sa Meteor Garden at It Started with a Kiss, at sa South Korea  dahil sa mga Korean series na Winter Sonata, My Love PatzziMy GirlCoffee Prince, at iba pa. Siyempre gusto mo ring ma-feel ang nilalakaran ng mga bida, iyong pinagmamalaki nilang lugar. Pero bakit nga ba masarap mag-travel kahit magastos?

(Invitation! please  SUBSCRIBE to my YOUTUBE Channel for more travel tips and stories.  Salamat and Mabuhay  🙂

Nami Island

This is the main filming locations of Winter Sonata starring my crush Bae Yong Joon and Choi ji Won.  Sabi nga ni Mhona ay 8 months ang aming preparation for this trip pero para sa akin 10 years. Sampu dahil, dahil 10 years na rin ang nakakaraan nang mapanood ko ang Winter Sonata at pingarap ko na noon sana marating ko rin ang South Korea. Promise,  dati ‘pag sinabing singkit dalawa lang papasok sa kokote ko, mga Chinese at Japanese.  Pero nung umere na ang mga series nila sa ‘Pinas (pati na yung mga Taiwanese series), doon ko na-realize hep-hep may Koreans din at marami sa kanila  guapo pati. Oppa!

unicef eco stage, nami-island

Winter Sonata First Kiss

Ang Visa (entrance) Fees dito ay ₩10,000 pero para sa foreigner na gaya ko (did I mentioned na foreigner ako? wow!) ay ₩8,000 won. Para makapunta sa island ay kailangan sumakay ng ferry na pumapalaot kada 30 minutes mula sa  Gapyeong Wharf.  Parkeng-parke ang peg nito na punong-puno ng puno (redundant), exhibition halls, stages, theme gardens at iba pa.  Ilan sa pinuntahan namin bukod sa alam n’yo nang target ko ay UNICEF eco stage ( na gawa sa mga libro at softdrink cans), Recycling Garden, Happy Garden, Artshop Imagine Nami, at Nami Gallery. Pero nakakatuwa rin yung mga upuan nila na may mga kabinet na libro. nag-aaya talaga na magbasa-basa ka naman.

Winter Sonata Statue

Hindi ko alam kung why, pero di ako nagkainteres na mamili ng souvenir item mula sa islang ito. Pero kasi masaya na ako na magpa-picture sa First Kiss,  Nami Shop/ Sonata Gallery at Winter  Sonata Statue.  Plus siempre ‘yung makalakad sa gitna ng mga mababango, green na green na mga puno at makakita ng mga exhibitions. Ay naku tuwang-tuwa ako sa parada ng mga ahjumma at ahjussi (ale or manong) na naka-costume at lovely sumayaw.            ito yun oh!

Princess Hours’ Bears

Teddy Bear Museum

If I need to describe my experience about this place in one line “This is the cutest presentation of Koreans’ culture!” Yes, isang factor kaya kami nagpunta rito ay dahil isa rin ito sa shooting place ng Princes Hours starring Yoon Eun-Hye at Ju Ji-hoon. Pero kapag nasa loob ka, gaano man kalalim ang pagka-like mo sa mga teddy bears ay maaaliw ka sa kanilang mga pinagagagawa. Mayroong nagpapakita ng paraan ng pagbuburol, pagkakasal, merkado at fashion ng mga Koreans.  Siyempre hindi rin mawawala rito ang mga makasaysayang bears na  kanilang nakalap.  Ang entrance fee dito ay ₩8000 won.

Lotte World Adventure

Lotte World Adventure

Hindi ako naging fan ng Stairway to Heaven pero mabuti rin na hindi mapalagpas ang pagpunta sa Lotte World na ang entrance fee ay ₩24,000.  Ito na ang pinakamahal na nabayaran namin na tourist spot pero I think sulit na rin kahit hindi rin ako mahilig sa mga rides.  Why oh why? Dahil ang lawak, makulay,  masaya at malaki ang castle sa loob. Hindi koi to ma-compare sa ating Enchanted Kingdom dahil hindi pa rin ako nakakapunta roon pero okay magpunta rito ang mga gaya kong young, young at heart at younger looking face (ahemmm mahangin kahit hindi winter).   Kung may kasama kang bata mabutig igala rito.

please also visit the,

Patalastas

Part II ,

Part III

Part IV    of my travel journal to South Korea, and

my 7 tips



About Hitokirihoshi

Slasher Star: passionate Content Creator, grade 1 Digital Marketer, on-the-go Filipina, progressive Technopreneur, frugal Traveler, nurtured Cinephile, Music lover, abstract Crafter, Digital Nomad, Millennial Baby, Multipotentialite, and Yuccie?

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

14 thoughts on “11 Places to Visit in South Korea part 1

  • Rogie

    Wow! kakainggit naman Madam Hoshi. Ansaya saya naman ng iyong gala sa SoKor 🙂
    Nakakatuwa lang talaga sa kanila kasi mahal na mahal nila ang tradition and culture nila at masyado silang patriotic. Sana makakuha tayo kahit 10%. Hindi yung pakitang taong makabayan lang tulad ng majority sa mga Pinoy. hehehe.

    Next time sa NoKor naman. hehehe 😀

    • Hitokirihoshi Post author

      sama ka sa NoKor? hehehehe! i respect their tradition and tourism. as in yung tulong or info na need mo bilang turista gusto nila maiabot sa iyo. Kahit saan may mapa, kahit saan may information office for tourists na may English, Chinese at iba pang speaking assistants, and kahit yung mga ordinaryong tao nagpipilit na sagutin ka kahit ang alam lang nila ay nagtatanong ka . cool di ba?!

  • jube

    Mukhang marami-raming pages ang gagawin mo rito dahil 11 kamo, so far 3 pa lamang ito. Naghahangad ako ng mas in depth na paglalarawan sa bawat lugar na napuntahan mo para sa mga gaya kong hindi alam kung mararating din ang narating mo. 😉 Nagrere-quest din ako ng conversion para sa mga halagang nabanggit mo sa iyong blog. Ako’y nagagalak sa embedded video sa post na ito,

    Maraming salamat sa pagbahagi mo ng iyong experience, ito’y kakaiba at alam kong enjoy na enjoy ka. 😉 Gaya ng Pinoy, sadyang makulay din ang kultura ng mga Koreans. Congratulations Hoshilandia!

    • Hitokirihoshi Post author

      maraming salamat sa iyong pagbati Unni Jube at totoo ang iyong sinabi makulay din ang kanilang kultura, kasaysayan at paniniwala.

      3 part ang lalabas para sa seryeng ito. susubukan ko pero hindi ko na maipapangako ang kalaliman yung part ng pagkadetalye at math ay ibabalato ko na kay Mhona. ako na bahala siguro sa paraan nang paghahalina sa mas natural kong pamamaraan hehehe.
      ang totoo rin kasi nyan hindi na ako nag-note taking kung ano na lang ang pinaka-ideya na papasok sa kokote ko once na naalala ko ang lugar.

      Kapag nasa lakaran kasi ka sa South KOrea iisipin mo ay mapagod maglalakad para makadami at pag-uwi mo pahinga na para bukas lakad ulit, hehehe

      Aja! makakarating din kayo doon ni Ka Ver, padala na rin ako ng padlock. hohoho.

      • jube

        Syempre naman may sariling istilo si Hoshi kaya ko nga sya mentor! Bitin lang ako sa mga nabasa ko, tipong “I want more” lang ang peg! 😉

        Mabuhay ang Hoshilandia, napakaswerte mo dahil nakapaglakbay ka sa Land of the Morning Calm.

    • Hitokirihoshi Post author

      yung nasa picture ibang part na yun, yung mga pambata nasa loob ng mall. yung castle na nakita mo dyan yung mga pang kagaya mo. I think trip mo yung mga rides nila dyan. yung itatatas ka ng ilang feet thenihihinto ka sa ere tas ibabagsak ka ng matindi